I Lukariah I

5.3K 217 16
                                    




KABANATA XXVII


Third Person's POV

The whole forest seems like an eternity of darkness as Mizda hurriedly rode the horse back to their small hut in the middle of that wood. She's extra careful in sensing her surroundings just in case any creature were following her. Especially that monster a while ago that suddenly wreaked havoc in the middle of that peaceful market.

Halos dalawampung minuto na ang lumipas at kasalukuyan niya ng natatanaw ang pamilyar na parte ng kakahuyan na pagmamay ari niya. Kung saan nakatanim ang ilan sa kanilang mga halaman at pinagkukunan ng pagkain. Sa isang liblib na parte ay doon niya pinahinto ang alagang kabayo at kaagad na bumaba doon. Mabilisan niyang itinali ang kabayo sa isang puno at hindi na nag-aksaya ng oras sa pagtakbo pabalik sa kanilang maliit na kubo kung saan niya iniwan si Miciera.

Mula sa labas ay matatanaw ang mahinang ilaw ng kandila na nagmumula sa loob. Mukhang gising pa ang dalaga ng mga oras na iyon.

"Ija?! Miciera?!" Sunod sunod niyang kinalampag ang pinto bago narinig ang kalabog mula sa loob at ang tuluyang pagbukas ng pinto. Bumungad sa kanya ang humahangos na dalaga maging ang naguguluhang ekspresyon na nakapaskil namumutlang mukha nito.

Mabilis niyang inobserbahan ang buong paligid maging ang paikot ng kubo bago kaagad na itinulak si Miciera papasok. Nang makampante siyang wala nang nakasunod sa kanya ay agad siyang pumasok sa loob at nagmamadaling isinarado ang pinto.

"A-Ano pong nangyayari lola?" Puno ng kaguluhang usal ni Miciera sa matanda na noon ay kakaiba ang ipinapakitang kilos. Noon niya lang nakita ang matanda sa ganung estado, halatang balisa ito at tila may tinatakbuhan.

Napaatras siya ng dire-diretsong lumapit ang balisang matanda sa kanyang pwesto at ikinulong ang kanyang braso. Para siyang malulunod sa klase ng tinging ibinibigay nito.

"K-Kanina sa pamilihan... may halimaw na bigla na lamang umatake. Kasalukuyang nagkakagulo ngayon at tinutupok ng apoy ang kanlurang pamilihan dahil sa halimaw na iyon kaya nagmamadali akong bumalik dito upang siguruhin na maayos ang iyong lagay. Salamat naman at mukhang hindi ikaw ang kanilang pakay—" sunod sunod na napailing sa kanyang ulo si Miciera at pinalis ang kapit nito sa kanyang braso.

Sa pagkakataong iyon ay siya naman ang kumulong sa nanlalamig nitong palad.

"S-Sandali— lola ano pong ibig mong sabihin? Napasok na ng mga halimaw na iyon ang pack?" Kabadong usal ng dalaga dito na kaagad inilingan ng matanda.

"Hindi ko alam. Nag-iisa lang ang nilalang na iyon na umatake kanina kaya nga bumalik ako agad dito dahil baka ikaw ang kanilang pakay," puno ng pag-aalalang usal nito. Kaagad niyang ikinulong sa isang mahigpit na yakap ang apo ng mapagtantong maayos ang lagay nito.

"Kaya naman salamat sa mahal na diyosa at maayos pa din kitang naabutan dito," mahinang bulong nito sa kanya.

Subalit sa kabila ng maayos niyang lagay ay hindi nakitaan ng pagkalma ang mukha ni Miciera. Kaagad iyong nabalot ng madilim na ekspresyon habang unti-unting kumukuyom ang parehong nitong palad.

Looks like they're hunting her now.

Nang sandaling bumitaw ang matanda sa pagkakayakap nito ay siyang pagbagsak ni Miciera paupo sa upuang nasa gilid ng mesa. Hindi niya na mapigilan an pagbugso ng emosyon sa kanya.

MY CURSED MATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon