I Crizelle's arrival at the Alpha's Mansion I

4.5K 150 10
                                    

Author's Note: This chapter is not edited, so expect typos, misspelled words, and grammatical errors. Thanks and enjoy reading!



KABANATA XXXVIII

Third Person's POV

After a few days of debates, today is the final announcement of the official replacement of Alpha Tobias's position as the alpha to his younger brother Hayes, who has been kicked out by the pack almost two years now because of his indecent action towards female wolves or women in general.

Jeremy, the current beta, petitioned for the announcement to be postponed until the official meeting of the pack's council is held. However, despite Hayes unacceptable behavior, the majority of the council still agreed to let him rule the pack for the time being. Disregarding his position as the beta of the pack.

Sa huli ay wala din siyang nagawa upang pigilan iyon. Ang magagawa niya na lamang ngayon at ng mga kasamahan na nagnanais mapasaayos ang lagay ng pack ay obserbahang mabuti ang kapatid ng alpha, oras na magpakita na naman ito ng hindi magandang pag-uugali ay hindi sila magdadalawang isip na maghain uli ng petisyon upang tanggalin ito agaran sa pwesto.

"Greetings, beta." Sambit ng isa sa mga kawal na noon ay inatasan niyang kamustahin ang mga produktong naangkat patungo sa Danyir. Ito ang nagbibigay impormasyon at paalala sa Chief representative ng kanilang pack sa Danyir, ang pinakamalaking pamilihan sa buong Grand Orleas na nasasakupan ng Moonstone pack.

Kahit pa hindi nila opisyal na kaalyansa ang Moonstone ay halos ilang taon na din ang nakararaan ng mapagkasunduan ang angkatan ng produkto sa pagitan ng dalawang pack. Ang chief representative ang tumatayong bantay ng mga produkto at nagpapakalat niyon sa buong Danyir.

Hindi lang basta basta ang ginagawang pag-aangkat ng mga produktong iyon dahil sinisiguro ng Chief representative na tama ang dami ng naangkat na produkto sa kitang natatanggap nila buwan-buwan mula sa mga mamimili sa Danyir.

"Kamusta ang iyong paglalakbay?" Bati niya dito.

"Maayos na nai-angkat patungo sa daungan ng Darkmoon pack ang ating mga produkto beta, kagaya ng nakasanayan ay nag-iwan kami ng ilang kawal ng ating pack upang subaybayan ang pag-transport ng mga tauhan ng Darkmoon sa ating mga produkto patungo sa Danyir. Sigurado akong isang maayos na transaksyon na naman uli ang mangyayari." Bakas ang kasiguraduhan sa emosyong nakapaskil sa mukha nito kaya naitango na lamang ni Jeremy ang kanyang ulo bago tuluyang pinalis ang kawal na iyon.

"Beta." Hindi pa man siya nakakabalik sa pagkaka-upo sa kanyang opisina ay muling bumukas ang pinto ng kwarto. Napakunot ang kanyang noo ng makita ang isa sa kanyang mga kawal na humahangos patakbo sa loob.

"Patawad sa aking biglaang pagpasok ngunit kadarating lamang ng balita na muli na namang sumugod ang mga halimaw ng dark coven kagabi. Ngunit sa pagkakataong ito ay hindi na maliliit na pack ang kanilang biniktima kundi ang Woodland pack." Hindi maikakaila ang gulat na namayani sa sistema ni Beta Jeremy dahil doon.

Those monsters are attacking a much larger pack now. What could this possibly mean? Is this an implication that a war is approaching?

"Magpadala ka ng mga sikretong kawal na susuri sa lagay ng Woodland ngayon, mag-imbestiga kayo sa maaaring dahilan ng biglaang pagsugod ng mga halimaw na iyon. Sabihan mo din ang mga nagbabantay sa hangganan ng ating territoryo na palagi silang maging alisto sa paligid. Doblehin nila ang mga kawal na kasalukuyang nag-iikot ngayon sa pack." Mabilis na utos niya dito na kaagad namang sinunod ng huli.

MY CURSED MATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon