I Anti-Magic Chains I

5.4K 210 5
                                    





KABANATA XXV


Third Person's POV

Dahil sa kumakalat na balita tungkol sa sunod-sunod at walang awang pag-atake ng mga halimaw ng dark coven ay maraming maliliit na pack ang napag-desisyunan na magsama-sama at sumapi sa ibang malalakas na pack.

Malaking porsyento ng mga ito ay tumawid pa ng Grand Orleas river patungo sa kabilang panig ng lugar upang masiguro ang kanilang kaligtasan. Ang ilan ay pinili pa ring manatili sa hilagang parte ng Grand orleas sa kabila ng banta ng paglusob.

Sa pagdating nila Chief Zevian sa main hall ng palasyo ay kaagad silang binati ng may katandaan nang Alpha. Sa kabila ng edad nito ay kailanman hindi ito nakalimot na salubungin sila ng pagbati sa tuwing sila ay bibisita.

"Maligayang pagbisita muli sa aming munting pack, Chief Zevian." Isang maalwan na ngiti ang nakapaskil sa mukha ng Alpha habang tinitingnan at binabati isa-isa ang kaniyang mga panauhin. Naka-alalay naman sa tabi nito ang pangalawa at bunso nitong anak na sina prinsesa Darhi, tatlumpo't isang taong gulang at prinsesa Celeste na noon ay labing-anim na taong gulang pa lamang.

Tanging si Zaugustus ang naging bunga ng naging unang luna ng pack na iyon. Sa pangalawang pag-aasawa ng Alpha na nangyari noong siya ay medyo may edad na ay doon na isinilang sina prinsesa Darhi at Celeste dahilan kung bakit ang lalayo ng kanilang agwat pagdating sa edad. Sa kasamaang palad ay pumanaw na din ang ikalawang luna matapos nitong ipanganak si prinsesa Celeste.

"Muli kaming nagpapasalamat sa iyong mainit na pagbati Alpha Nazik. Prinsesa Darhi, prinsesa Celeste." Pagbibigay respeto niya sa mga pinuno ng Flinstones, yumuko lamang ang mga ito upang tanggapin ang kanyang pagbati.

Dahil matagal nang pumanaw ang parehong luna ay tanging ang dalawang prinsesa na lamang ang nag-aalaga at pansamantalang umaalalay sa ama upang patakbuhin sa ayos ang buong pack. Higit lalo ng maipanganak ni Nefeli ang kanilang anak ni Zaugustus, halos hindi na nito madalaw ang ama dahil sa sobrang pag-aasikaso sa malungkot na asawa at may karamdamang anak.

Muling iniikot ni Zevian ang mukha paikot sa paligid upang subukang hanapin si Zaugustus.

"Inatake na naman ng sakit ang aking mahal na apo kaya ipagpaumanhin ninyo ang hindi pagbati ng aking panganay na anak sa inyong pagdating," humihingi ng dispensa nitong usal gamit ang may katandaan nitong boses dahilan kung bakit awtomatikong nagtama ang tingin ni Chief Zevian at Elio.

Kaagad nakuha ni Elio ang ibig-sabihin ng tinging ibinigay ng kanyang pinuno at mabilis na tinawid ang pagitan nito at ng dalawang prinsesa bitbit ang kahong naglalaman ng kanilang regalo. Muli siyang yumuko sa harap ng mga ito at iniluhod ang isang tuhod upang maingat na ini-angat ang bagay na iyon sa kanilang harapan.

"Isang maliit na bagay lamang ang laman ng kahong iyan mahal na pinuno kaya sana ay hindi niyo na tatanggihan." Isang ngiti ang namutawi sa labi ni Zevian habang maingat na inilapag ni Elio ang kahon sa palad ng prinsesa upang hindi na makatanggi pa ang mga ito.

Nagpapasalamat na tinanggap ni Prinsesa Darhi ang maliit na kahong iyon at marahang binuksan. Mabilis na nabalot ng gulat ang mukha nito bago tuluyang naitakip ang palad sa noon ay naka-awang na nitong labi. Maging ang bunsong prinsesa ay hindi din maitago ang pagrehistro ng gulat sa mukha ng mapagtanto ang bagay na nilalaman ng kahong iyon.

MY CURSED MATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon