I The Sister's Reunion I

3.8K 144 7
                                    

Warning! This chapter is not edited, so expect typos, misspelled words, and grammatical errors. Thanks and enjoy reading!



KABANATA XLV


Third Person's POV

"How dare they!" Dumagundong ang boses ni Alpha Douglas sa buong sulok ng hospital kung saan kasalukuyang binabantayan ang kalagayan ni Lady Cimmerian.

Bakas ang disgusto at galit sa mata ng mga nilalang na naroon sa mga panauhing kadarating lamang ng kanilang pack. Ngunit hindi kababakasan ng ekspresyon ang mukha ng mga ito, pinapunta sila doon ni Chief Fergus sa isang dahilan lamang, at iyon ay suriin at pagalingin ang panganay na anak ng Alpha.

"Umalis kayo sa aming territoryo ngayon din!" Puno ng galit na usal ni Alpha Douglas dahil sa tila walang respetong intensyon ng Alpha ng Moonstone sa pagpapadala ng mga uri nila sa kanilang pack.

"Douglas!" Nanlalaki ang matang pigil ni Luna Asherah ng tuluyan siyang makarating sa tarangkahan ng hospital.

"Bitawan niyo sila ngayon din!" Puno ng bagsik na utos ni Asherah sa mga kawal na noon ay pilit na kinondena ang mga neutral warlock na pinadala ng Moonstone upang tulungan sila sa kalagayan ng kanilang panganay na anak.

All the other servants taking care of the luna rushed behind her, which includes Nemya who's eyes widened upon making eye contact with one of the neutral warlock sent by the Moonstone, she ended up moving her gaze away from the man's judging gaze and tried to hide herself behind other people's body.

"Huwag kang maki-alam dito Asherah, dakpin niyo ang mga nilalang na iyan at parusahan sa kanilang kapangahasan sa pagtapak sa ating territoryo—"

"Oras na gawin mo iyan ay kalimutan mo nang may asawa at panganay na anak ka pa..." Natigil ang bawat isa sa kanilang kinatatayuan dahil sa bigat ng mga salitang lumabas sa bibig ng Luna.

Bakas na ang labis na pagod at kapabayaan nito sa sarili sa kanyang itsura. Kapansin-pansin din ang pares ng namamaga nitong mata na siguradong dahil sa walang tigil na pag-tangis.

"Patawad Luna ngunit mukhang isa pagkakamali ang aming pagpunta sa inyong pack—" Usal ni Hector sa direksyon ng Luna. Sunod-sunod na iniling ni Asherah ang ulo sa direksyon ng mga ito bago dire-diretsong lumapit dito at kinabig ang palad ng isa sa kanila.

"H–hindi–P–pakiusap... p-pagalingin niyo ang aming anak—n–nagmamakaawa ako..." Halos lumuhod na ang luna sa harapan ng mga ito, labis ang paghagulgol nito ng iyak na tila ba mababaliw ito anumang oras.

"Hindi ba ninyo narinig ang winika ng inyong luna? Bitawan ninyo sila ngayon din!" Pag-uulit na sigaw ni beta Rafael sa mga kawal na iyon dahilan kung bakit sabay-sabay na lumayo ang mga ito.

Kaagad na naningkit at nanlisik ang mga mata ni Douglas dahil sa nangyari.

Tila mas pinakinggan ng mga ito ang salita ng kanyang luna at beta kesa sa kanyang salita. Siya ang pinuno ng pack na ito kaya marapat lamang na salita niya ang masusunod, sa ayaw at sa gusto ng mga ito.

"Ako ang pinuno ng pack na ito! Wala kayong ibang pakikinggan kundi salita ko lamang!" Puno ng diin na sigaw nito habang binabato ng matalim na tingin ang direksyon ng kanyang beta.

Noon pa man ay pansin niya na ang kakaibang trato ng mga kawal dito, na tila ba mas takot sila kay Rafael kesa sa kanya na kanilang Alpha.

"Kaya naman dakpin ninyo ang mga pangahas na iyan!" Muling utos nito na kaagad sinunod ng mga kawal na naroon.

MY CURSED MATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon