I Survivors of the attack I

5.1K 185 12
                                    




KABANATA XXXIII

Third Person's POV

Everly just stared outside the window as she tried to remember what happened last night. But no matter how she tries, she can't seem to remember anything aside from the part where she saw that strange white wolf again and those monsters.

Kaya naman nakakasiguro siya na hindi lang basta panaginip ang lahat ng iyon. Ngunit sa tuwing mapupunta ang kanyang atensyon sa direksyon ng kakahuyan ay hindi niya mapigilang tanungin ang sarili kung talaga bang totoo ang mga bagay na nangyari kagabi.

Wala kasing bakas ng kahit anong kaguluhan doon. Wala ang mga putol na puno at sunog na parte ng kakahuyan na kanyang inaasahang makita.

"Hayyss..." napasabunot na lamang ang dalaga sa kanyang buhok dahil sa inis. Ngayon pa talaga niya hindi maalala ang nangyari gayong iyon na lang uli ang pagkakataong nakita niya ang kakaibang lobo na iyon.

She had so many things she needed to ask of that creature but she just lost her chance once again. She can't even remember what happened after that.

She's still in her deep thoughts when someone knocks lightly on the door, she didn't even budge looking at its direction as it finally opened slowly.

It was Greyson who entered the room. Just when Everly finally smelt the man's familiar scent, her system changed into panic and turned her head in an instant. She felt as if her neck let out a cracking sound because of how quick she twisted it.

Bumungad naman sa kanya ang pamilyar na ekspresyon nitong puno ng kaseryosohan. Hindi naman siya nagdalawang isip na iiwas ang tingin dito dahil sa sunod-sunod na pagbuhos ng mga pangyayari sa kanyang ala-ala.

Hindi pa niya ito tuluyang napapatawad. Ang gusto niya lang naman ay marinig sa labi nito na pinagsisisihan nito ang pag-ignora sa emosyon at nararamdaman niya. Hindi siya maghahangad ng higit doon dahil alam niya naman na may pinagdadaanan din ang lalaki ng mga oras na iyon, higit lalo ngayong araw.

Hindi nga niya lubos maisip na narito ito ngayon at inaasahan niya na din ang mas magiging malamig ang pakikitungo nito sa kanya.

But for some reason, she didn't care. All she wanted is to confirm if the man is really not just using her, or taking advantage of her naiveness. She needed to make her emotions acknowledged this time. She's tired of invalidating her whole existence just to please anyone.

"Sorry." Kaagad na natigilan si Everly dahil sa sinabing iyon ng lalaki, "I didn't mean to ignore your feelings that day," pagpapatuloy nito.

Nahigit niya na lamang ang paghinga bago iniyuko ang ulo. Ramdam niya kasi ang biglang pag init ng kanyang pisngi at ang unti-unting pagbilis ng tibok ng kanyang puso. Ganito ba ang epekto ng simpleng paghingi nito ng tawad sa kanya? Masyado naman 'ata siyang mahina para sa lalaki o baka maaari ding iyon ang unang beses na narinig niyang puno ng sinseridad ang boses nito?

"B-Bakit ka n-nandito?" pag-iiba na lamang niya ng usapan. Hindi niya pa din magawang ibalik ang tingin dito kaya hindi niya na napansin ang ginawang paglapit ng lalaki sa kanyang tabi at ang diretsong pag-upo nito doon.

She then felt his hands touching her chin as he forced her to look in his direction.

"Why is your face so red? Are you hurt anywhere?" may bahid ng pag-aalalang usal nito dahilan kung bakit mas nahigit niya ang paghinga. Nagmamadaling inalis niya ang hawak nito sa kanyang baba at muling iniwas ang tingin.

MY CURSED MATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon