I Two Options I

3.8K 134 28
                                    

Warning! This chapter is not edited, so expect typos, misspelled words, and grammatical errors. Thanks and enjoy reading!



KABANATA LIII

Third Person's POV

Everly and Eve just got back with each other the next morning though there's still a bit awkwardness between them, they both choose to do what's best for them, which is to stay together.

Everly wouldn't even know what to do if ever that creature mimicking Crizelle would try to attack her again. So it's better to always have Eve on her side.

3 Days.

That's the remaining time she has before Greyson finally announces her as the new Luna of their pack, and Everly knows to herself that she's not yet ready for that moment. Because of everything that has happened in the past few days she wasn't able to fully focus on her training.

Ang binabalak niyang pag-siwalat ng totoong kaanyuan sa harap ng pack ay nagbabadya pang maganap dahil siguradong hindi iyon papayagan ni Eve. Sinabihan siya nito na mas mag-doble ingat dahil sa nangyari. Muntik ng malagay sa alanganin ang kanyang buhay nang dahil sa hinayaan niyang pangunahan siya ng sariling emosyon—pagkasabik sa pagkikita nila uling magkapatid.

Hindi niya namalayan ang bilis ng paglipas ng panahon. Pakiramdam niya ngayon ay tila napakarami niyang oras na nasayang. Wala siyang ediya kung anong dahilan ng nilalang na iyon sa panggagaya sa katauhan ng kanyang kapatid ngunit susubukan niya iyong alamin oras na magkaharap na silang muli ng nilalang na iyon.

"Ija!" Gulat na bulalas ni Manang Linda ng matanaw ang bulto ni Everly papasok sa entrada ng kusina. Hindi na napigilan ni Everly ang pagkulong nito sa kanya ng yakap.

"Manang." She replied with a small smile on her face knowing that she made the old woman worry so much, once again.

"Saan ka ba nagputang bata ka? Magdamag akong naghintay sayo na bumalik sa mansion. Ano bang nangyari?" Puno ng kaguluhang usal nito sa kanya. Hindi pa din nawawala ang pag-aalala sa ekspresyon nito ngunit tanging iling lamang ang ibinigay ni Everly dito.

"Pasensya ka na manang ngunit hindi ito ang tamang oras upang magkwento ako sayo." Usal niya dito bago inikot ang tingin sa buong kusina at sa sala na matatanaw sa kanilang pwesto. Walang kahit anong senyales na naroon ang impostora niyang kapatid.

"Nasaan po si Crizelle?" She asked, never letting the old woman have any suspicion towards her question.

"Nagpapahinga pa din sa kanyang kwarto ija. Magdamag lamang siyang nagkulong doon, ni hindi niya ginalaw ang pagkaing inihain ko sa kanya." Bakas ang lungkot sa boses nito dahil sa malamig na pakikitungo ng dalaga sa kanya.

"Manang, maaari mo ba akong pitasan ng mga sariwang gulay sa taniman? Gusto kong ipagluto ang babaeng iyon, baka sakaling naninibago lamang siya sa kanyang paligid." Pangungumbinsi niya dito habang nakapaskil pa din ang pilit na ngiti sa kanyang labi. Lumawak naman ang ngiti nito sa mukha dahil sa kanyang sinabi at sunod-sunod na itinango ang ulo.

"Sige ija, tutungo ako ngayon doon upang mamitas nang sa gayon ay sabay-sabay tayong makapagtanghalian mamaya." Walang hirap na napaalis niya ang matanda dahil sa kanyang ini-utos dito.

Ngayon na sila nalang dalawa ng impostor na iyon sa mansion ay wala na siyang pangamba sa mga susunod na mangyayari. Nariyan naman si Eve upang protektahan siya.

"You're still alive." Segundo lang ang lumipas habang binabagtas niya ang sala ay narinig niya na ang boses nito. Mariin niyang naipikit ang mata dahil kuhang-kuha nito ang boses ng kanyang kapatid. Isang buntong hininga ang kanyang pinawalaan upang ihanda ang sarili sa pagharap dito.

MY CURSED MATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon