I A week I

8.4K 326 18
                                    



KABANATA VII


Everly's POV

Marahan kong inihakbang ang aking paa patungo sa direksyon ng pasilyong iyon. Kasalukuyan kong tinatahak ang daan patungo sa Garden ng dating Luna. I'm well aware that Greyson is there.

Jake accepts me as his Luna just like what manang did. He also made me realize that Greyson has always been like this, pretending not to care when in reality he actually does. For some time it gave me the hope that there could be a chance between us, only if in another circumstance there could be a chance that he'll accept me.

Nang sandaling tumapak ang aking paa sa entrada ng harding iyon ay kaagad kong inikot ang aking mata sa paligid. I can't seem to find him. Kaya naman tuluyan na akong humakbang papasok doon habang iniikot ang aking tingin sa paligid.

Napakatahimik ng paligid, tanging ingay lang mula sa mga tuyong dahon sa malinis na damuhan na aking naaapakan ang nagdudulot ng ingay doon. Unti-unti ko ng nararamdaman ang lamig ng paligid ngayong malapit na magdilim.

Saglit akong napatingin sa kulay kahel ng langit bago nagpakawala ng isang mahinang buntong hininga at muling diniretso ang tingin sa daang aking tinatahak.

Dire-diretso lang ang aking paghakbang hanggang sa makarating ako sa bandang dulo niyon. I can almost see the cabin and for some reason my feet started to continue walking towards it. I have a great feeling that somehow he's in there.

Nang tuluyan na akong makarating sa harap ng pinto ay marahan ko iyong ibinukas. It's almost four in the afternoon kaya inaasahan ko na ang may kadilimang loob niyon. Tanging ang liwanag na lang sa basag na bintana ang nagbibigay liwanag sa loob.

This is the first time I took time to actually inspect around, those broken glasses of the window and the obvious worned out appearance of the whole place proved something to me, na marami ng bagay na napagdaanan ang buong lugar na ito. Bigla akong nakaramdam ng kakaibang emosyon sa isiping iyon.

Tahimik kong iniikot ang aking tingin sa loob niyon at halos mahigit ko ang aking paghinga ng makita ko siyang nakatayo sa harap ng isa sa mga bintana at nakatulala lamang sa labas kung saan siguradong kitang-kita ang unti-unting paglubog ng araw. Patago sa malawak na kakahuyan.

Alam ko na ramdam niya na ang aking presensya mula pa kanina kaya dire-diretso na na akong humakbang patungo sa kanyang direksyon at tahimik na huminto sa kanyang tabi. I stand a meter away from him and fixed my eyes in the scenery in front of us.

It's beautiful, but I can't really appreciate this because of too many emotions that are starting to linger inside me. Parang may kung anong mabigat na bagay na naman ang unti-unting pumapasan sa aking dibdib.

Just his mere presence is already making me feel this way. Ganito ba talaga katindi ang epekto ng pagiging mag-mate namin sa isa't isa? From what I can see in our parents the impact is not this huge. O baka nasanay lang ako na laging nag-aaway si ina at ama kaya tila nawala na ang koneksyon nila bilang mag-mate?

"Uhm–" I broke the silence by trying to cough a little. Muli ko na namang nahigit ang aking paghinga at pilit na nanatili sa pagkakatingin sa aking harapan ng matanaw ko sa gilid ng aking mata ang bahagyang paggalaw nito.

"How's your hand?" That's the first thing he asked. Muli akong napatikhim upang linisin ang kung ano mang bikig na nakabara sa aking lalamunan bago tuluyang sumagot sa kanya.

MY CURSED MATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon