Warning! This chapter is not edited, so expect typos, misspelled words, and grammatical errors. Thanks and enjoy reading!
KABANATA LXXVII
Third Person's POV
"Mayla!" Mabilis na inilingon ni Mayla ang tingin sa kabubukas lamang na pinto ng opisina ni Nymeria. Kanina pa hindi mapakali ang kanyang pakiramdam kahihintay sa kanilang pinuno.
Sunod-sunod ang kabog ng kanyang dibdib habang nakatingin sa mukha ni Emris. Ngunit kaagad ding nawala ang kaba niya ng makita ang pagpaskil ng malawak na ngiti sa labi nito.
"Gising na si Everly!" Tuwang bulalas nito dahilan kung bakit mabilis siyang tumakbo pasunod dito at patungo sa kwarto ng kaibigan.
There, she saw Everly awake and slowly eating. As soon as their eyes met, tears filled her eyes, and she rushed over to give Everly a tight hug.
"K–Kala ko h–hindi ka na m–magigising..." Puno ng galak na usal ni Mayla sa tenga ng kaibigan. Isang ngiti naman ang namutawi sa labi ni Everly at niyakap din ang kaibigan.
"Kamusta ka? Anong nararamdaman mo ngayon?" Muling napuno ng pag-aalala ang ekspresyon nito at inalis ang pagkakayakap nila upang titigan at obserbahan ang buong katawan ni Everly.
"M–Medyo nanghihina lang, pero kaya ko ng gumalaw mag-isa. Hindi niyo na ako kailangang alalayan sa lahat ng oras." Kalmadong usal niya dito. Hanggang ngayon ay ramdam niya pa din ang panghihina ng kanyang katawan. Ngunit nagpapasalamat na lang din siya at nagising pa siya sa kabila ng napaka delikadong bagay na ginawa nila.
"Nasaan si Punong Nymeria?" Nakangiting tanong niya sa mga ito habang iniikot ang tingin sa paligid. Nagtataka kung bakit tanging sila Mayla at Emris lamang ang naroon at wala ang iba pa.
Nang ibalik niya ang tingin sa mga ito ay kita niya ang kakaibang ekspresyon na nakapaskil sa mukha ng dalawa. Hindi na din sila makatingin ng diretso sa kanyang mga mata.
"Everly—"
Naputol ang sana'y sasabihin ni Mayla ng biglang bumukas muli ang pinto. Iniluwa noon sila Zaugustus, Nefeli at ang kanilang anak na si Lilura. Pare-parehong nagbigay ng ngiti ang tatlo sa kanya.
"Ikinagagalak namin na gising ka na Everly," Usal ni Nefeli na tinanguan niya lamang. Kita niya sa mukha nito ang pag-aalala at lungkot. Siguro dahil sa sinapit niya at sa kanyang itsura. Siguradong naipaliwanag na rin naman nila Mayla ang sitwasyon niya sa mga ito.
Ngunit wala na sa mga ito ang atensyon ni Everly. Ang tanging nasa isip niya na lang ay ang dahilan kung bakit wala doon si Nymeria.
"Nais kong marinig ang inyong paliwanag. Nasaan si punong Nymeria?" Sa pagkakataong iyon ay napuno na ng kaseryosohan ang ekspresyon ni Everly habang nakatingin sa dalawa.
"Nawawala si punong Nymeria?" Naguguluhang tanong ni Zaugustus dahilan kung bakit muling ibinaling ni Everly ang tingin sa mga ito. Mukhang walang alam ang mag-anak sa pagkawala ni Nymeria.
Only Emris and Mayla have that guilty expression on their faces, which only proves that they exactly know the reason why Nymeria wasn't there.
"Everly, kasi..." May pagdadalawang isip pa din sa boses ni Mayla.
"Kailangan ding malaman ni Everly ang katotohanan Mayla." Biglang sabat ni Emris. Kaya naman napunta ang atensyon ng lahat kay Mayla.
Doon na tuluyang kinuha ni Mayla mula sa kanyang bulsa ang yukot na liham mula sa tribong iyon at marahang ini-abot iyon kay Everly. Kalmado namang inabot iyon ng babae at inumpisahang basahin.
BINABASA MO ANG
MY CURSED MATE
WerewolfEverly Sanchez is a she-wolf with an extremely distinctive appearance. Some people thought she was hideous and cursed, while others thought she was just exceptionally rare. But-NONE of those assumptions can explain the biggest lie for her existence...