| The day before the Announcement |

3.4K 116 12
                                    

Warning! This chapter is not edited, so expect typos, misspelled words, and grammatical errors. Thanks and enjoy reading!



KABANATA LXI

Third Person's POV

Sunod-sunod na napaubo si Cimmerian ng sandaling magising siya. Halos iluwa niya na lahat ng laman ng kanyang tiyan dahil sa tubig na nakabara sa kanyang ilong, lalamunan at baga.

Cough—Cough—Cough!...

Halos isang minuto din niyang nilabas lahat ng tubig na iyon. Napasapo na lamang siya sa kanyang dibdib bago mariing ipinikit ang mata at agad din iyong iminulat upang iikot ang tingin sa kanilang paligid.

Isang hindi pamilyar na kagubatan ang tumambad sa kanya. Halos wala kang ibang makikitang nakapaikot sa kanila kundi mga puno. Wala siyang ediya kung nasaan siya. Tanging ang memorya lamang ng pagkahulog nila sa tubig ang naaalala niya.

"Ayos ka lang?" Kaagad na naalarma si Cimmerian ng may magsalita sa kanyang likuran. Isang lalaki iyon na halos kasing-edad lang siguro ng kanyang ama.

Mabilis siyang tumayo kahit pa nanghihina pa din ang kanyang katawan.


"S–Sino ka?" Bakas ang takot na tanong niya dito. Nagulat din ang lalaki sa naging reaksyon niya.

"K–Kumalma ka ija—ako si Elias." Usal nito sa kanya. Naningkit naman ang kanyang mata upang obserbahan ito. Nang mapagtanto niya na wala naman itong balak na masama sa kanya ay muli siyang napaupo sa sahig dahil sa pagod.

"Akala ko hindi ka din magigising kagaya nung isa pang babaeng kasama mo." Komento nito at ini-abot ang isang makapal na tela sa kanya upang ipambalot sa sarili.

Tila nagpanting ang kanyang tenga dahil sa sinabi nito. Noon niya lang naalala na kasama niya nga pala si Nemya na lumubog sa tubig. At isang liwanag ang bumalot sa kanila bago siya nawalan ng malay.

"N–Nasaan ang babaeng sinasabi mo?" Mabilis na tanong niya dito at muling tumayo.

"Binuhat ko siya patungo sa aking kubo dahil hindi maganda ang kanyang lagay. Mabuti na lamang at may nalalaman ako tungkol sa mga Neutral warlock na kagaya niya." Usal nito na muling naglagay ng kunot sa kanyang noo.

"Paano mo nasabing Neutral warlock ang babaeng iyon?" Puno ng suspisyong usal niya dito at ilang beses na umatras.

"Huwag kang mag-aalala, parte ako ng grupo mula sa Moonstone pack na naglalakbay sa iba't ibang lugar, kaya marami na akong nadiskubre at nalaman sa mga nilalang na kagaya niya." Mahabang paliwanag nito. Bahagya naman siyang nakahinga ng maluwag sa sinabi nito.

"Kung gayon ay samahan mo ako sa kanya." May pagmamadaling usal niya dito. Kaagad naman sumunod ang lalaki at tumakbo papasok sa gubat na kaagad niyang sinundan.

Ilang metro papasok sa kakahuyan ay natanaw niya ang isang maliit na kubo, mukhang iyon ang tirahan ng lalaki.

Ilang metro papasok sa kakahuyan ay natanaw niya ang isang maliit na kubo, mukhang iyon ang tirahan ng lalaki

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
MY CURSED MATEWhere stories live. Discover now