| The Ritual |

3.2K 118 7
                                    

Warning! This chapter is not edited, so expect typos, misspelled words, and grammatical errors. Thanks and enjoy reading!



KABANATA LXVII

Third Person's POV

Nabalik sa realidad si Everly ng maramdaman niya ang talsik ng malamig na tubig sa kanyang katawan. Sinasabuyan na pala siya ng mga ito ng tubig mula sa lawa.

"Halika na! Mainit na ang tubig mamaya dahil sa tirik ng araw!" Muling aya sa kanya ni Mayla kaya naman wala na siyang nagawa at lumusong sa tubig. Kahit nahihiya ay hinubad niya na din ang suot na damit.

Sana ay masanay din siya sa ganoong gawi kalaunan.


Matapos nilang maligo ay saglit silang nagtungo sa malawak na taniman. Doon ay tumulong sila sa pagdidilig ng mga tanim na halaman at namitas na din ng mga gulay at prutas na gagamitin sa pagluto ng kanilang umagahan. Mag-aals nuebe na ng makabalik sila ng tuluyan sa malaking imprastraktura na tatawagin niya na munang tirahan sa ngayon.

"Salamat." Maikling usal niya sa lalaking nag-aabot ng isang pirasong bagong luto lamang na tinapay. Sa labas ay sabay sabay na umupo sa hile-hilerang lamesa at upuan ang bawat miyembro ng tribo upang mag-umagahan na.

Isang kindat ang ibinigay sa kanya ni Mayla ng sandaling salinan siya nito ng gatas sa kanyang baso, halos punuin kasi iyon ng dalaga dahil ito ang nakatoka sa pagbubuhos niyon sa kanilang mga baso

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Isang kindat ang ibinigay sa kanya ni Mayla ng sandaling salinan siya nito ng gatas sa kanyang baso, halos punuin kasi iyon ng dalaga dahil ito ang nakatoka sa pagbubuhos niyon sa kanilang mga baso.

Nang magkaroon na ng pagkaing nakahain sa kanilang mga pinggan ang bawat isa ay sabay sabay na silang kumain. Tahimik lang na nginuya ni Everly ang simple ngunit masarap na pagkaing nasa harap niya.

Hindi niya mapigilang i-angat uli ang tingin sa kanyang paligid. Bakas sa mukha ng mga ito na kontento na sila sa buhay na meron sila. Kahit siya ay gugustuhin din manatili sa ganitong buhay, simple ngunit tahimik—at masaya.

Kahit papano ay nakakalimutan ni Everly lahat ng pait na naranasan niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kahit papano ay nakakalimutan ni Everly lahat ng pait na naranasan niya. Lahat sila dito ay halos pare-pareho ng kwento. Hindi siya nag-iisa. At sa unang pagkakataon ay nakaramdam siya ng totoong koneksyon at pagtanggap mula sa napakaraming tao.

MY CURSED MATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon