I End of Part 1 I

4.1K 153 3
                                    

Warning: This chapter is not edited, so expect typos, misspelled words, and grammatical errors. Thanks and enjoy reading!




KABANATA XL

Third Person's POV

Finally, Zevian along with his groupmates reached the Moonstone pack. The exhaustion and disappointment in the faces of the whole group can already be seen from afar. It felt like all their efforts had now become useless.

Not many people paid attention to their arrival despite venturing their life for weeks outside of their territory. That's how it has always been for years ever since their group was formed. Everyone thinks that their expedition is just a waste of money and resources despite all the discoveries they have made. All of their efforts weren't enough for the pack to treat them as equal as the institute of medicine and justice.

Isang bagay na nais baguhin ni Zevian magmula ng maitalaga siya bilang pinuno ng grupong iyon. Ngunit sa pagkakataong ito ay wala siyang ibang naramdaman kundi pagkadismaya para sa sarili. Isa na sanang magandang paraan para baguhin ang pakikitungo ng pack sa kanila sa pamamagitan ng pagkakatagpo nila sa anak ni Gamma Eduardo at mga impormasyong maibibigay ng mga survivors na iyon.

Ngunit lahat ng iyon ay parang bulang naglaho ngayon.

Sa kabila ng panghuhusga at bulungang namayani sa paligid magmula ng makapasok ang kanilang grupo sa tarangkahan ng unang distrito ay nanatiling nakataas ang ulo ni Zevian, isang bagay na pilit tinularan ng buong grupo.

Zevian is now much more determined to uncover the reason behind Crizelle's disappearance once again, as well as the death of those survivors. This only means that someone out there never intended for the truth to be exposed. He's already suspecting creatures of dark coven to be behind this and he'll make sure to find a weak point for them to take advantage of and attack.

Dire-diretsong pumasok sa central mansion ang buong grupo. Kaagad na nagtama ang tingin nila ng Alpha ng sandaling matanaw niya itong pababa mula sa ikalawang palapag ng mansion.

"Greetings, Alpha." Puno ng respetong usal ng buong grupo ng sandaling makaharap na nila si Greyson. Kaagad naman nitong isinagawa ang pagpupulong sa pagitan nito at ng kanilang grupo.

Doon ay sinabi nila ang lahat ng nangyari. Kung paano nila nakita ang mga survivors na iyon, maging ang aksidenteng pagkakakita nila kay Crizelle.

"You found her?" Bakas ang gulat sa mukha ng alpha at beta ng sandaling banggitin niya na sa mga ito ang tungkol kay Crizelle.

"Yes, she's living like a beggar in Cresentmoon pack's premises. Noon lang din namin nalaman ang nangyaring pag-atake sa ikalawang distrito." Paliwanag ni Zevian dito. Kaagad na kumunot ang noo ni Greyson dahil doon.

"Are you sure that it was Crizelle? Where is she now?" Naguguluhang usal nito. Doon ay tuluyan ng iniling ni Zevian ang ulo dahil sa pagkadismaya.

"Patawad Alpha dahil hindi kami naging maingat. Nang sandaling makapasok ang aming grupo sa bukana ng Central Forest ay muli kaming inatake ng grupo ng mga halimaw na iyon. Sa kasamaang palad ay muli nilang dinukot ang anak ng gamma at walang awang pinatay ang mga survivor na pinaghirapan naming protektahan. Ginawa naman namin ang lahat ngunit hindi iyon naging sapat." Mariin na lamang na naipikit ni Greyson ang kanyang mata. Ang buong akala niya ay mareresolba na ang isa sa mga problema niya sa ngayon, ngunit mukhang mas lumala pa ito ngayon.

MY CURSED MATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon