Chapter 1

4.1K 193 6
                                    

"Balut po kayo! Balut po! Bente pesos lang po!" andito ako ngayon sa kalsada naglalako ng balut ni Aling Pasing. May utang kasi akong isang milyon, charot! Sengkwenta lang pala hihi. 'Yun nga nagka-utang ako sa matandang 'yon kaya't heto ako ngayon nagtitinda ng balut.

"Balut po kayo riyan mga kuya! Ate! Kapag matitikman niyo 'to ay makakalimutan niyo po kung sino kayo!" Lumapit ako roon sa nagkukumpulang tambay. Bale mga lima silang lalaki at nag-iinuman.

Dahan-dahan akong lumapit. "Mga kuya, bili na po kayo, mura lang!" malakas na sigaw ko sabay lapag ng basket sa harapan nila kaya't sabay silang nag-angatan ng mga ulo. Napasinghap naman ako lalo na't nakikita ko ang masamang espiritu na bumabalot sa pagkatao nila.

"K-Kuya, b-balut po bente lang," ngumiwi ako. Medyo kinakabahan din ako dahil sa mga tingin nilang nakakamatay. Jusko lord ayoko pa pong mamatay sa earth na hindi pa nagkakajowa. Gusto ko pa pong makapag-tapos at mag-asawa ng lalaking CEO, na umiigting ang panga at isang mafia boss, huhuhu.

"Magk-"

"Kuya! Aalis na lang pala ako!" Akmang hihilahin ko na sana ang basket nang pigilan ako ng isang lalaki. Sobrang tangkad niya at amoy na amoy ko ang asim mula sa kilikili niya. Jusko naman. Ang baho, piste!

"Magkano, iha?" tanong niya. Unti-unti naman akong umiwas ng tingin sa kilikili niya baka bigla niya akong sapakin at baka 'yon na talaga ang katapusan ng life ko rito sa earth. Huwag naman sana. Marami pa akong pangarap sa buhay.

"B-Bente lang po, kuya!" masiglang sambit ko tsaka ko binuksan ang basket na may lamang balut. Sana uubusin na lang nila 'to, gusto ko na kasing umuwi dahil gabing-gabi na. Baka kanina pa ako hinahanap sa amin. Kakainis naman kasi 'yung babae kanina sa labas ng Weston e, wala raw siyang pera at kailangan niya talaga ng pamasahe papuntang R.C baka raw sisentahin siya ng boss niya. Babayaran niya naman daw ako kapag nagkita muli kami. Pero kailan 'yon?

"Ineng?"

Sa lawak ng lugar na 'to sa tingin niya magkikita pa kami? Baka pinan-load niya lang 'yung pera ko, hays.

"Ineng!" sigaw ng katabi ko kaya't nasapak ko siya nang wala sa oras.

"Tara-"

Dahan-dahan akong umangat ng tingin at bigla na lamang nanlaki ang mata ko nang malamang isa sa mga tambay ang nasapak ko. Tangina!

"A...pa..."

"Tarantado kang bata ka ah!" galit na sigaw niya at agad na umalis sa kanyang pwesto tsaka niya ako nilapitan pero bago pa man siya makalapit sa akin ay agad na akong tumakbo.

"Shit!

"Bumalik ka rito, Ineng!"

"Hindi ko sinasadya!"

"Pag-usapan natin 'to, Ineng!"

"Ang sakit ng sampal mo hayop ka!"

"Tao ako hindi hayop!" malakas na singhal ko habang humihingal sa kakatakbo. Tangina, bakit ang bilis ng lalaking 'yon tumakbo? Baka runner siya noong panahong hindi pa siya hayop este matandang gurang. Naiwan ko pa 'yung basket, patay talaga ako ngayon.

"Ineng!"

"May pangalan ako gurang! Ako si Halila!"

May nakita akong madilim na eskinita kaya't hindi na ako nagdadalawang isip pa. Pumasok ako roon habang walang makita. Sobrang dilim kasi at tanging ilaw lang ng buwan ang nakikita ko sa itaas.

"I need to get away from that old man!" inis na sambit ko sabay liko na naman hanggang sa bumungad sa akin ang isang kalsada na puno ng mga sasakyan.

Napatigil ako at namangha. Hindi ko alam kung saang lupalok na 'to pero sobrang gara ng mga lights sa paligid at napaka-sosyal pa ng mga sasakyang nakaparada sal labas ng James Restaurant.

Accidentally In love With A Gay[SOON TO BE PUBLISHED]Where stories live. Discover now