Chapter 4

1.4K 154 3
                                    

"Ano na? Tanggap ka ba?" kanina pa ako tinatanong ni Marites tungkol roon sa inaplayan kong trabaho. Sa totoo lang, para talaga akong sumabak sa gera, tila ngayon lang ako nakahinga nang maluwag dahil sa supladong Kajik na 'yon. Hihintayin ba naman akong masisante. Kakaloka siya hindi ba?

Veston Kajik Vela Rosa ang full name niya, lalaking-lalaki pero girlalu siya. Pero infairness mga mare ah, ang gwapo ng baklang 'yon, kung hindi lang talaga nakaheels iyon at jumpsuit siguro mas lalo siyang magiging hot sa pa—-

*Pok!"

"Aray!" Reklamo ko nang sapakin ni Marites ang noo ko. Masama ko siyang tinapunan ng tingin tsaka kumuha ng burger sa ibabaw ng mesa.

"Anong balita, Halila? Kanina pa ako rito tanong ng tanong, hindi mo man lang ako pinapansin. Aba!"

"Maayos naman, Marites." so far, maayos naman talaga. Minsan nakaka-intimidate 'yung si Ma'am Kaj, nakaka-kaba. Ang sarap niyang landiin. Chos lang! Hindi kami talo 'noh, yucks! Basta hot siya.

"Rinig na rinig ko rito sa bayan natin na masungit daw 'yung bunsong anak ni Mrs.Vela Rosa, kaya raw hindi nagtatagal ang mga kasambahay roon dahil sa kanya." Kumuha rin siya ng burger at walang modong kinagat 'yon.

"Mas masahol pa raw kay Avah Maldita kung makapag-taray at makapag-utos. Kaya nga nagdadalawang-isip akong pumasok du'n dahil sa anak nilang bunso, hindi ko pa talaga siya nakikita pero gwapo raw. Totoo ba?" nag puppy eyes pa siya sa harapan ko.

"Totoo ang balitang nakalap mo. Gwapo, masungit, bunsong anak pero may kulang,"

"Ano 'yon?"

"NAPAKA-HOT NIYA TODA HIGHEST LEVEL, MARITES! PARANG KINILIG BIGLA ANG KIPAY KO NU'NG NAKITA KO SIYA! JUSKO PARANG ARTISTA NA PARANG ANGHEL NA BUMABA SA LANGIT, KAYA LANG..."

"Ano?!"

"Bakla siya." at nakakapanghinayang 'yon. Sayang ang gwapo gwapo niya sana. Liligawan ko kaya 'yon? Papayag kaya 'yon?

***
Andito na naman ako ngayon sa loob ng mansyon ng pamilyang Vela Rosa. Matapos kong sabihin kina nanay at ate na may trabaho na ako ay agad naman nila akong inasikaso. Kilala rin pala nila ang pamilyang 'to at sobrang yaman daw talaga nila, sabi ni ate, kakalipat lang daw nila rito. Galing daw kasi silang Singapore, duon daw talaga ang hometown nila pero sa hindi inaasahang pangyayari.

Nahulog ya—aray!

Bigla akong napahawak sa ulo ko nang maramdaman ko ang malakas na sapak na 'yon. Inangat ko ang tingin at napaatras ako nang malamang si Ma'am Kaj pala 'yon.

Nakataas ang kanyang kilay. Gwapo at fresh na fresh parin. Virgin na virgin mga mare. "Ano po 'yon, Ma'am Kaj?"

"Sa lahat na kinuhang magiging personal maid ko, ikaw ang pinaka-pangit, tanga, baduy, mabaho at maitim like yuck!" umakto pa siyang nandidiri sa akin. Gusto kong matawa sa sinabi niya pero pinipigilan ko lamang ang sarili ko baka masapak niya ako nang wala sa oras, ang laki pa naman ng mga braso niya.

"Insulto po ba 'yan, Ma'am Kaj?" tanong ko. He rolled his eyes, ang taray talaga ng baklang 'to.

"No, I'm telling the truth." sabi niya at nag-flip hair pa, akala niya siguro mahaba ang buhok niya.

"Bukas magsisimula ang klase, since you're my dumb personal maid? You need to enroll yourself in High University and serve me,"

"That's your job, Miss Montague, when I'm surrounded with people, don't ever come near me, understood? And stay away from me, tatawagan lang kita kapag kailangan kita."

Tila babadya na ang mga luha ko. Tuwang-tuwa ako sa narinig ko, makapag-aral na ako sa wakas!

"And what's wit—" hindi niya natapos ang kanyang sasabihin nang bigla ko siyang yakapin.

"Maraming salamat po, Ma'am Ka—-"

*POK!*

"Bruha ka! Huwag mo kong yakapin, argh!"

"Sorry po!"

Arte talaga eh, parang may nakakahawa akong sakit, jusko. Wala naman akong virus ah, huhu.

***

"Kamusta ang trabaho anak?" ngiting tanong sa akin ni nanay. Nasa hapag-kainan kami ngayon at masayang kumakain. Well, masayang-masaya talaga ako ngayon, sa wakas makakapasok na ako sa eskwlehan and ang gara pa ng eskwlehang 'yon. Biruin niyo, HIGH UNIVERSITY IYON! Mga mayayaman ang mga estudyante roon, no doubt, mayaman naman si Ma'am Kaj.

"Maayos naman po 'nay. Sobrang saya ko 'nay dahil binigyan ako ni Ma'am Kaj ng opportunity na mag-aral ulit at sa High University pa!" masayang balita ko.

Naibaba naman ni nanay at ate ang kanilang kurbyertos habang hindi makapaniwalang nakatitig sa akin.

"Naku, anak! Masaya ako para sa'yo!" Niyakap ako ni nanay.

"Salamat po!"

"Hindi ba niyan maapektuhan ang trabaho mo, Halila?" tanong ni ate habang naka ngiti.

"Hindi naman, ate. Kahit sa school kasi, kailangan ko siyang bantayan, I mean pagsilbihan."

"Mabuti 'yan. Mabait naman siguro 'yang boss mo hindi ba?"

"Oo naman! Napaka-bait nu'n 'nay! Friends na nga kami."

Sobrang bait talaga niya 'nay. Dahil sa kanya nagkaroon ako ng malaking bukol sa ulo, dahil sa kanya muntik akong masisante, dahil sa kanya muntik kong makalimutan na bakla siya. Friends na nga kami. Hihihi.

"May masusuot ka na ba sa unang pasukan, Halila?"

"Meron na 'nay, binigyan ako ni Ma'am Kaj kanina ng uniform, medyo maiksi pero kering-keri ko pa naman."

At kailangan kong gamitin 'yung binigay niyang sabon at lotion para naman daw pumuti itong balat ko, huhuhu.

Naiirita raw kasi siya sa skin ko. Gusto niya raw ng magandang maid at presentable. Sana kumuha na lang siya ng super model 'noh? Kung gusto niya ng magandang maid.

Nilabas ko ang kojic soap na binigay ni Ma'am Kaj tsaka 'yung nivea lotion kanina, lumunok ako nang paulit-ulit.

"Hindi naman kasi maiitim ang balat ko."

Bahala na nga bukas.

Ayokong makita niya kung ano talaga ang totoo kong balat baka ma-insecure siya at balatan ako ng buhay. Ayokong mangyari iyon ano, mahal na mahal ko ang aking balat. Pero kung si Veston Kajik Vela Rosa ang babalat sa akin, why not hindi ba? Ang landi, Halila.

Ay ano ba 'tong iniisip ko, pulos kalokohan. Pero matagal naman akong baliw kaya't sulit-sulitin ko na.

*Ring!*

Muntikan ko nang maitapon ang phone ko nang bigla na lamang itong tumunog. Tiningnan ko ang caller, kumunot ang noo ko. Unknown number? Sino kaya 'tong maswerteng nilalang nakakuha ng number ko. 

"Hello? Sino ito? Anong kailangan mo? Sorry pero wala po akong inorder sa shopee, baka wrong number po ka—-"

"Ang ingay-ingay mo. Hanggang sa tawag rinig na rinig ko ang nakakarindi mong boses!"

Nanlaki ang mata ko. "MA'AM KAJ?!" gulat na banggit ko. Dali-dali kong inayos ang mukha ko at pilit inaayos ang pagsasalita.

"Ma'am, pase—"

"Manahimik kang bruha ka! Save my number and have a bad nightmare!"

*Toot toot*

Ayun nga. Pinatayan ako.

"Anong nakain ni Ma'am Kaj?"

Ang init-init na naman ng ulo niya. Napakalamig kaya ng panahon ngayon, hindi man lang tinablan ng lamig ang baklang 'yon. Kapag ako kausap niya halos marindi ang tainga ko. 'Yung totoo Ma'am Kaj? Bet na bet mo talagang basagin ang eardrums ko ano?

Basagin mo na rin buhay ko please!

Charot walang halong harot.

***

Accidentally In love With A Gay[SOON TO BE PUBLISHED]Where stories live. Discover now