Chapter 18

954 91 0
                                    

Halila's POV

"May sinabi bang kataka-taka sa'yo si Hades?" sampung beses na 'tong tanong ni Calista sa akin. Ang kulit-kulit niya, nakakairita na. Wala namang sinabing kakaiba si Hades sa akin. Kinamusta niya lang ako at sinabing hindi na matutuloy 'yung intramurals dahil sa nangyari ngayon. Ang dami raw nawalang studyante sa HU. Wala silang alam kung saan napunta. Ang gulo-gulo na, ano ba kasi talaga ang nangyayari? pati HU nadadamay na. Ang dami ko nang absent. Mabuti naman akong estudyante, pero dahil sa nangyari. Naloko na.

"Ilang beses mo na 'tong tinatanong sa akin, Calista. Hindi ka ba nagsasawa?"

"Kasi naman, Halila. Delekado ang gagong 'yon!"

"Paano mo naman nasabi na delekado si Hades? May ginawa ba siyang masama sa'yo?" kunot noo kong tanong sa kaniya. Naguguluhan din ako sa kaniya pero sumama parin ako.

"Basta! You don't know him yet, Halila. He's quite dangerous!"

"Ewan ko sa'yo, Calista." saad ko at inalis ang kamay niyang nakapatong sa binti ko. "Sa kakapanood mo 'yan ng action movies,"

"Totoo ang sina---"

"Nga pala, si Kajik?"

"H-Ha?" tila natuliro siya ng banggitin ko ang pangalan ni Kajik. Mabilis namang tumaas ang kilay ko sa naging reaction niya. Hindi siya mapakali at mukhang hindi alam ang isasagot. Ano kaya ang nangyari rito? Gusto ko lang naman malaman kung nasaan si Kajik dahil hanggang ngayon ay hindi ko parin siya nakikita. Sabi kasi nitong gagang 'to, makikita ko si Kajik dito.

Saan kaya nagsusuok ang lalaking 'yun?

Ang laki ng bahay niya mga mare. Hindi ko inaasahan 'to. Ngayon ko lang din nalaman na may lupa pala si Kajik dito. Grabe, ang yaman-yaman ng baklang iyon. Kailan niya kaya ako bibigyan ng sahod? Kating-kati na talaga ako sa katawan ko. Gusto ko nang maligo at magbihis.

"Ano? Saan siya? Maniningil ako. Wala pa akong ligo, Calista. Wala rin akong damit dito."

"Ha? Meron naman siguro siyang mga daming pambabae riyan dahil bakla 'yon!" aniya. Napaisip naman ako. Ang tanong? Magpapahiram kaya ang baklang 'yon? Ang arte arte nga nu'n, ayaw sa marumi.

"Nga pala, Halila. Matagal ko na talaga 'tong gustong itanong sa'yo,"

Hinarap ko siya. "Ano 'yon?"

"Anong ginawa mo sa balat at buhok mo? Maitim ba talaga ang balat mo? At kulot naman ang buhok mo?"

Umiwas ako ng tingin. Hinawakan ko ang buhok kong kulot ganu'n din ang balat kong maitim. Shuta. Nakalimutan ko ang cream ko sa bahay. Ang malas naman oh. Paano ko itatago 'tong balat ko. Shunga.

"Bakit? Alam kong nakakairita sa mata ang balat at buhok ko pero wala akong pakialam."

"Wala naman akong sinabi ah!"

"Ganu'n parin 'yon."

Tumawa siya habang nakatingin sa akin. Ang sarap niya talagang pektusan. Ano namang nakakatawa sa sinabi ko? Baliw na talaga ang loka na 'to. Kanina sobrang seryoso niyang makipagusap kay Hades, tapos ngayon? Ang lakas ng tama ng babaeng 'to. Mukhang sinapian.

"Maligo kana du'n! Ang baho baho mo na!"

"Ano?! Ayokong maligo!" singhal ko. Patay talaga ako nito. Hindi niya pwedeng makita ang totoo kong anyo, char. Natatakot ako na baka maging kamukhang-kamukha ko na talaga si Vernise.

May nakita kasi akong litrato kaninang umaga. Kamukhang-kamukha ko talaga ang babaeng 'yon, sobrang puti niya. Ang ganda ng buhok niya, sexy, halatang expensive. At mas lalong nakakatakot ang mga mata niya. Ang taray niya kasi sa picture na 'yon. Parang reyna. Siya siguro si Vernise. Alam niya rin kaya ang bahay na 'to?

Accidentally In love With A Gay[SOON TO BE PUBLISHED]Where stories live. Discover now