Chapter 5

1.2K 138 7
                                    

Halila's POV

"Anak, mag-iingat ka ah? Kapag may mang-aapi sa'yo roon sabihin mo agad at reresbakan namin ng ate mo," paalala ni nanay sa akin.

"Kahit may supling dito sa loob ng tiyan ko, reresbak parin 'to, Halila. Subukan lang nilang saktan ka."

"Oa niyo ah, naku ate magpahinga ka na lang baka mapapaanak ka ng wala sa oras. At ikaw naman 'nay? Kayang-kaya ko po ang sarili ko, naalala niyo po ba 'yung tinuro niyo sa akin noon?" tanong ko.

"Alin ba duon, anak?" nag isip-isip pa si nanay. "'Paano manuntok 'nay!" magiliw na sigaw ko.

Noong bata ako tinuturuan daw ako ni nanay paano sumuntok or paano depensahan ang sarili ko. Minsan sinasabak niya raw ako sa boxing sa baryo, ang dami ko ngang nabasag na mukha daw noon. Ang iba ay nag file pa talaga ng case kay nanay dahil kung ano-ano daw ang tinuturo ni nanay sa akin, muntikan ko na nga rin daw suntukin si Mr. Storm, ang mayor namin dito sa bayan. Masyado kasing pakialamero, isama pa 'yung anak niyang si Walter na ang sarap din bangisan. Gwapo sana pero mukhang bakla, rinig kong nag-aaral iyon sa Vista Lawrence Academy. Sikat na sikat ang eskwelahan na 'yon at super high-standard pa, pero pili lamang ang pwedeng makapasok roon. Nasama nga roon si Luella, ang kaibigan kong pinagpala ng kagandahan.

"Halila!" nabalik ako sa wisyo nang marinig ko ang malakas na sigaw ni ate. Nataranta naman ako.

"Manganganak ka na ba, ate?" agad na tanong ko sa kanya. Tumawa naman si nanay. "Lutang na lutang ka na naman, Halila, may sariling mundo ka na naman ah. Pumasok kana sa eskwlehan baka ma-late ka," sabi ni nanay.

"Sige 'nay! Ate! Aalis na po ako." Kumaway ako sa kanila bago lumabas ng aming bahay.

Nilabas ko ang cellphone ko sa loob ng bulsa tsaka kinuhanan ng litrato ang sarili ko, ganu'n din ang suot kong maiksing uniform. Punyeta ang iksi talaga. Kinulang ba sa tela ang University na 'yon? Hindi ako sanay, lantad na lantas kasi ang legs ko.

Naka-ilang shots ako bago ko napagpasyahan na mag post sa IG. Mukhang matagal-tagal na rin, kulang na lang paglamayan itong Instagram account ko. 2020 pa yata ang last update ko rito eh. Makapag-post nga.

"I'm ready to go."
#GoingtoSchool#OOTD#Hot#.

Dadagdagan ko pa sana at ita-tag si Ma'am Kaj pero hindi ko na tinuloy baka I-report ako. Tsaka hindi ko alam ang insta ni Ma'am Kaj. Ano kaya name niya sa IG? Gusto ko siyang I-stalk.

Maya-maya pa ay biglang dumagsa ang mga followers at heart reacts sa post ko, may mga comments din sa iba't-ibang schools, isa na roon ang High University.

"Oh My G! Hindi ko inaasahan na dadagsain ako ng mga fans ngayon!" Maarte akong humawak sa dibdib ko habang nakatingala sa langit. Ang ganda ganda ko naman parang sikat ng araw, nakakasilaw sa gan--

*Peep! Peep!*

Ay jusmiyo!

Napabaling ang tingin ko roon sa sasakyang bumusina. Mabilis akong tumabi tsaka nag peace sign sa driver pero nagulat ako nang lapitan ako ng sasakyang 'yon. Don't tell me sasagasaan niya ako? For real?

"Gosh! No! No!"

Papalit siya nang papalit. "No! No! Ayoko pang mamatay!"

"Waaa—"

"What are you doing?!"

Napatingin ako at nakilala ko ang pinanggalingan ng boses. Napasinghap ako nang malamang si Ma'am Kaj ang sakay ng kotse. Napayuko ako dahil sa kahiyaan. Walang emosyon ang mukha niya pero andu'n parin ang mataray niyang kilay, hindi naman mawawala iyon.

Accidentally In love With A Gay[SOON TO BE PUBLISHED]Where stories live. Discover now