Chapter 8

1.2K 123 3
                                    

Halila's POV

"Kanina ka pa ba naghihitay dito, Halila?" tanong ni Luella nang makarating siya sa pwesto ko. Nasa baryo ako ngayon, since wala akong trabaho at hindi ako kailangan sa mansyon. Napag pasyahan ko na bisitahin muna si Luella. Balita ko kasi pumanaw na raw 'yung tinuring niyang nanay noon, gusto ko siyang damayan at tulungan kung may maitutulong man ako.

Tumingin ako sa kaniya. Hindi siya mukhang sabog ngayon, maganda parin siya, fresh na fresh, mukhang walang lamay. Mapapa-sanaol ka na lang talaga kay Luella. "Kamusta?" pilit akong ngumiti sa kaniya.

"Maayos naman. Kahapon ang libing ni nanay, pasensya kana kung hindi kita nasagot kahapon, ah?"

"Ano kaba, ayos lang iyon, sigurado ka bang ayos ka lang? Alam kong mukha ka paring dyosa sa lagay na iyan at ang fresh na fresh mo paring tingnan, pero, sigurado ka bang ayos ka lang?" hindi naman talaga siya maayos, gusto ko siyang aliwin at pagsalitaan ng kung ano-ano pero baka masapak ako. Gusto kong kahit ngayong araw lang ay maging masaya siya, paano ko nga ba gagawin iyon? Paano kaya kung tawagan ko si Inez? Sigurado akong matutuwa ang gagang 'to kapag nakita si Inez.

"Oo, huwag ka ngang oa diyan, Halila. Parang tanga naman 'to oh," ngumiti siya pero hindi abot hanggang langit-este!

"Hindi ako oa, ano. Naninigurado lang baka bigla kang magpakamatay diyan tapos ako ang pagbibintangan, edi lagot ako at makulong! Naku, sismars, ayoko pang makulong, gusto ko pang madiligan at higit sa lahat makuha 'yung crush ko na bakla, kilala mo naman siguro iyon?"

"Gago ka ba? Hindi ako magpapakamatay 'noh! At sino na naman itong kalandian mo, Halila? At ew! sa bakla pa talaga?" tila nandidiri siyang tumingin sa akin habang may ngiti sa labi. Kahit papano ay napangiti ko ang gagang ito kahit hindi abot hanggang langit. Char.

Gwapong bakla naman.

"Ang hot ng baklang iyon, gaga, balang araw magiging akin din 'yon," ngumiti ako ng malademonyo sa kaniya dahilan nang pag ngiwi niya. Ang gwapo kaya ni Kajik para maging bakley lang forever 'noh? Gagawin kong straight ang baklang iyon kahit na tarayan niya pa ako. Sayang na sayang kasi mga mare.

"Are you serious?"

"Mukha ba akong nagbibiro?" irap na tanong ko. Sinimulan na rin naming lumakad papuntang bahay nila. Akala ko lumipat na siya ng bahay pero hindi pa pala. May karapatan naman siyang bumalik sa kanila kasi siya ang totoong anak, sa kaniya imamana ang lahat. Ewan ko ba sa babaeng 'to bakit ayaw niya pang bumalik. Maganda naman ang buhay niya roon, ang yaman-yaman niya.

"Anong pangalan?"

"Bakit ko naman sasabihin sa'yo? Baka agawin mo, no wa--"

*POK!*

"Mukha ba akong papatol sa bakla, ah?! Nakakadiri ka, sismars! Baka kasi saktan ka lang niyan, ayokong masaktan ka. Sayang ang mala-Elsa nating balat kung mapupunta ka lang kay Balmond."

Wait...Anong konek?

"Sino si Balmond?" takang tanong ko. Hindi ko kilala si Balmond, hayop kaya iyon? Lalaki rin ba or bakla?

"Hindi mo kilala 'yon? Sikat 'yon sa campus namin kasi ang sakit-sakit niya raw tumira, kahit na hindi maitsura ang mukha nu'n natitipuhan din naman siya ng mga babae dahil ang lakas niya at masakit daw,"

Sino ba kasi ang Balmond na 'yan? Malakas siya at masakit? May sakit ba siya, or 'di kaya'y magaling siya sa kama? Ang sakit daw tumira eh, so it means? Magaling sa kama ang Balmond na 'yon? Oh my Gosh!

"Ang laswa mo! Tigilan mo 'yan!" angil ko sa kaniya at nauna nang lumakad. Rinig ko naman ang malakas niyang tawa kayat napangiti ako. I made her smile.

Accidentally In love With A Gay[SOON TO BE PUBLISHED]Where stories live. Discover now