Wasted

240 34 0
                                    

Vernise's POV

"Saan na naman ang tungo mo, Vernise? Bakit gan'yan ang suot mo?" palihim akong napairap dahil nahuli ako ng magaling kong ate na si Calista. Ano na naman kayang kaartehan ito.

Tamad akong humarap sa kaniya habang hawak ko ang malaking bilog na earrings ko sa tainga. Plano kasi ng mga kaibigan ko ngayong pumunta ng NightOut dahil birthday ni Benji, duon sila mag ce-celebrate. Since kaibigan ko ang mga 'yon ay pupunta ako and this bitch can't stop me. I know she's older than me and I should respect her pero hindi naman siya bagay na respetuhin dahil sa ugali niyang kinaiinisan ko, masyadong pakialamera.

"Ano na naman ang kailangan mo, Calista?"

"Porket gustong-gusto ka ng pamilyang ito ay gaganyan-ganyan kana? Inaabuso mo ang pagmamahal na natatanggap mo sa bahay na ito!"

"Ano bang problema mo? Bakit ka ba nangingialam sa akin? Pinakialaman ba kita?"

"Umayos ka naman, Vernise. Ikakasal ka sa kilalang pamilya tapos ganyan ka? Lumalakwatsa sa gabi?"

I rolled my eyes. Napansin kong nag-vibrate ang phone ko. Bumungad ang pangalan ni Benji. Nakita naman 'yon ni Calista kayat tumaas ang kilay niya.

"At sa lalaki ka pa talaga makipagkita?! My God, Vernise! Alderman ka at ikakasal ka sa Vela Rosa. Respetuhin mo naman ang sarili mo, kahit sarili mo nalang. Hindi mo nga ako nirerespeto bilang nakakatanda mong kapatid!"

Gusto kong mag walkout. Wala naman akong mapapala kung ipagpapatuloy ko itong sagutan namin ni Calista. Bakit napaka-big deal sa kaniya ang tungkol sa mga Vela Rosa? Gustong-gusto niya talaga 'yung asungot na 'yon noh? Napaka-low standard naman niya.

"Hindi ko ginustong magpakasal sa lalaking 'yon kaya't imbes na pakialaman ako? Sundin mo nalang si Daddy at gawin mo ang inutos sa'yo, tsk." hindi ko na siya hinintay na sumagot pa. Lumabas ako ng bahay at dumeresto ako sa sarili kong kotse.

Tinext ko si Benji na papunta na ako sa NightOut. Mabuti nalang may dala akong black card ngayon. I want to get wasted tonight. Ayoko munang isipin ang Kayzen na 'yon, sakit niya sa ulo. Gusto ko munang pakalmahin ang sarili dahil nitong mga nakaraang araw, habol ako ng habol kay Kayzen. Ang hirap niyang hagilapin. Iisa school lang naman kami pero shutangina niya.

1st year college na ako ngayon at mukhang hindi college dahil labas-masok ako sa campus. Hindi naman mababa ang grades ko, sapat na 'yon para sa akin. Alam kong hindi iyon magiging sapat kina Mommy and I don't care. Hindi naman ako nag-aral just to pleased them. I studied because I have plans for my life. Gusto kong maging sikat na model sa buong bansa. Masyadong mataas ang pangarap ko. I won't settle for less.

Narating ko ang NightOut pasadong 9pm. Mula sa parking lot ay kitang-kita ko ang mga hampas lupa kong mga kaibigan na nagtutulakan. Saan kaya ang tungo ng mga 'yon? Kasama nila si Benji na mukhang lasing na lasing na, hindi man lang ako hinintay ng mga ungas na 'to.

Lumabas ako ng kotse dala ang aking heels. Paika-ika pa ako dahil maarte ako. First time kong nakapaang maglakad. Masakit na kasi ang talampakan ko. Namumula dahil kay Calista. Ang tagal ko kayang tumayo sa harapan niya, punyetang babaeng 'yon. Mabuti nalang talaga kapatid ko 'yon at mahal ko rin kahit ganu'n ang ugali nu'n.

"Hoy! Benji!" malakas na sigaw ko. Sabay naman silang napalingon sa akin. Pulang-pula ang mukha ni Benji habang tawang-tawa naman ang pagmumukha ni Alex, naku naman.

"Hindi niyo ako hinintay mga gaga!"

"Ang tagal mo kasi!"

"7pm ang usapan natin, Vernise. Anong oras na ngayon oh? 9:30. Pauwi na nga kami,"

Shutangina ng mga baklang 'to. Kitam tumakas lang ako sa amin eh. "Umayos kayo! Btw, Happy birthday, Benji! Halika Shot tayo sa loob, sabayan niyo naman ako. Huwag muna kayong umuwi,"

"S-salamat, bitch! Kaya lang lasing na lasing na talaga ako e, saan ba papunta sa amin, Alex?"

Napangiwi ako. Mukhang lasing na lasing na talaga ang baklang 'to. Hindi kasi ako hinintay e kaya ayan.

"Iuuwi mo na 'yan?" tanong ko. Dahan-dahan kong sinuot ko ang heels ko. Nahirapan pa ako dahil paika-ika ako. Punyeta naman oh. Paano nato ngayon?

"So? Iiwan niyo ako rito?"

"Nasa loob sina Jake at Hanna, hinihintay ka nila sa loob. Kailangan ko na kasing iuwi itong baklang ito, lasing na lasing na kasi. Kita nalang tayo bukas sa school."

"Hays, sige mag-iingat kayo ah?"

Nagpakawala ako ng malalim na hininga 'saka nagpasya na pumasok na sa loob. Pinakita ko ang card ko sa bouncer at pumasok. Sumalubong sa akin ang malakas na hiyawan ng mga tao at tugtog na napakalakas. I smiled, mukhang ang saya saya ngayon ah.

"Vernise!"

"Hanna!"

Lunapit ako sa pwesto nina Hanna at Jake. Pulang-pula narin ang mukha ni Hanna, mukhang natamaan narin. Si Jake naman ay ayos pa, siya kasi ang maghahatid kay Hanna. Hindi sila magjowa ah? Magkapatid sila. 2 years ang tanda ni Jake sa akin.

"Here you go!" Nilahad sa akin ni Hanna ang baso. Napa-ow ako dahil punong-puno iyon ng beer, pambihira talaga. Agad kong tinungga ang baso.

"Hoooo!"

"Huwag ka masyadong magpalasing, Vernise. Magmamaneho kapa," paalala sa akin ni Jake. Hindi ko siya tinatawag na kuya dahil hindi naman siya mukhang matanda tingnan. At isa pa, nasanay ako.

"Kj talaga nitong si kuya oh!"

"Oo nga!"

"Shut up, Hanna. Look at yourself, lasing na lasing kana, uuwi na tayo maya-maya,"

"How about her? Don't tell me iiwan natin siya rito?"

Inangat ko ang ulo ko. Magpapaawa epek na sana ako nang makita ko si Kajik sa likuran ni Jake. Shit! Bakit andito ang nerd na ito? Suot niya parin ang malaking eyeglasses niya at nakapolo ito ngayon. Gusto kong matawa sa baduy nitong suot, akala niya siguro may debut dito? Baka nagkamali siyang pinasukan.

"Wait! Is that, Kajik?!"

"Kajik, pare! What brings you here?"

Kumunot ang noo ko nang umupo siya sa tabi ko at kinuha ang baso ko na may lamang beer. "Umiinom ka pala, Kajik?" parang tanga namang tanong ni Hanna.

"Sinamahan ko lang ang pinsan ko. Aalis din naman agad ako, how about you?" Nilingon ako ni Kajik. Tila nabalik naman ako sa ulirat at binawi mula sa kamay niya ang baso ko.

"Huh? Anong sabi mo?"

"Sinong maghahatid sa'yo? Ihahatid kita."

"Huwag na! Kaya ko namang umuwi mag-isa, I can drive, Kajik."

"I know, pero lasing kana at delekado magmaneho kapag lasing,"

"Kaya ko ang sarili ko." giit ko pa. Nakita ko ang pag igting ng kaniyang panga na tila napipikon sa akin. Hindi ko naman siya inaano ah.

"That's enough, I'll drive you home."

Hinawakan ni Kajik ang pulsuhan ko. Umapila naman ako dahil hindi pa ako lasing at kaya ko pang magmaneho. For god's sake! Dalawang baso palang ang nainom ko!

"Let go of me, Kajik! Hindi pa nga sabi ako lasing!"

"Hindi ganitong klaseng babae ang gusto ni kuya na pakasalanan, Vernise."

"W-What?"

"Ikakasal ka sa kuya ko tapos ito ang ginagawa mo? Nagba-bar? Anong oras na oh?"

"Bakit ka ba nangingialam?"

"Umuwi na tayo. Saan ang sasakyan mo?"

Bakit ang kulit kulit niya. Sabing ayoko pang umuwi eh. "Hindi---- Ahhhhh!"

"We'll go home whether you like it or not." I found myself in his arms. He held me tight, really really tight. I can't stop myself, I hugged him. Tila kumalma ang buong katawan ko.

***

Accidentally In love With A Gay[SOON TO BE PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon