Her

591 48 2
                                    

Third Person's POV

"What the fvck was that for?!" galit na sigaw ni Kajik nang suntukin siya ni Kayzen sa mukha habang galit na galit din ang expression.

"Kasama mo si Vernise sa mga araw na 'yon tapos sasabihin mong hindi mo alam kung nasaan siya?!" Sinuntok muli ni Kayzen ang mukha ni Kajik. Hindi man lang pumalag si Kajik dahil totoong kasama niya si Vernise nu'n pero nang magising siya ay hindi si Vernise ang bumungad sa kaniya, kundi ang nakakatanda nitong kapatid na si Calista.

Nagtaka siya nu'n. Hinanap niya si Vernise ngunit hindi niya talaga mahanap ang dalaga. Tinanong niya rin ang mga taong naroon pero hindi sila sumagot. Wala raw silang alam dahil hindi raw nila nakita si Vernise lalo na ang bakas nito. Kilalang-kilala ni Kajik si Vernise, tahimik ito kung gumalaw, na walang sinuman ang makakapansin at makakapigil sa kaniya. Galit na galit si Kajik sa mga panahong 'yon, lalo na nu'ng nalaman niya na umalis ito para sa kaniya. Umalis siya kahit masakit, tinaya niya ang kaniyang buhay para lamang mabuhay si Kajik. Tanging iyak lamang ang nagawa ni Kajik noon, gusto niyang hanapin si Vernise pero hindi niya alam kung saan or paano magsisimula. Mahal niya ang dalaga, gagawin niya ang lahat para makuha lamang 'to.

"Alam kong gustong-gusto mo talagang agawin sa akin si Vernise, Kajik. Pero tangina naman! Asawa ko 'yon! Anong karapatan mong kunin at ibalik ang asawa ko kapag tapos kana ah!" Kinwelyuhan siya ni Kayzen. Yumuko si Kajik, unti-unting tumulo ang kaniyang luha. Nasasaktan din naman siya sa pagkawala ni Vernise, hindi niya matanggap.

"Sumagot ka, tangina ka!"

"Matalino ka 'di ba? Simpleng tama o mali Kajik, hindi mo alam?! Sinusubukan mo ba talaga ako ha, Kajik? Ilang beses mo na 'tong ginawa sa akin!

"Alam mong may batas ang Pamilyang Alderman, Kajik. Kapag may asawa na ang anak nila, hindi na sila pwedeng makipagkita sa iba lalo na't may nararamdaman ka sa asawa ko!"

This time. Parang gusto nang sumagot ni Kajik. Iritadong-iritado na siya dahil bukam-bibig lagi ni Kayzen ang asawa kuno nito. Asawa niya nga si Vernise pero hindi niya alam ang nararamdaman nito. Anong klase siyang asawa kung ganu'n?

"Are you done?" tanong nito. Pinunasan niya rin labi na may bahid ng dugo galing sa malakas na suntok ng kaniyang nakakatandang kapatid.

"What?! 'Yan lang ang sasabihin mo?! Putangina ka!" Akmang susuntukin na sana siya ni Kayzen nang mabilis siyang lumayo at sinipa ang tiyan nito.

"Wala akong oras sa mga kagaguhan mo sa buhay, kuya. Asawa mo 'yon 'di ba? Why don't you find her instead wasting your time, huh? Your are the husband here, bastard. Your problem is not my problem. Fvck you too."

Hindi hinintay ni Kajik na sumagot ang kaniyang kapatid. Agad siyang lumabas ng mansyon at tinungo ang kaniyang sasakyan.

Nang nakarating siya roon ay malakas niyang sinuntok ang kotse. Tagis ang kaniyang panga, galit na galit naman ang kaniyang expression. Gusto niyang saktan ang sarili, gusto niyang mamatay na lang. Hindi niya na kaya ang sakit na nararamdaman, gustong-gusto niya na talagang makita si Vernise pero paano? Paano niya makikita ang patay na?

"You left me again..."

"Why? Vernise? Napapagod ka na ba? Gusto mo bang samahan kita riyan?"

Dahan-dahan siyang napaluhod. "I really want to see you, hindi ko na alam ang gagawin, Vernise. Hindi ko alam saan ako magsisimula,"

"I'm in pain right now, baby."

I'm really sorry.

***

"Ma'am Kaj. May nakita po akong kamukha ni Ma'am Vernise kanina kaso maitim ang balat nu'n pero kamukhang-kamukha niya talaga,"

Agad na inangat ni Kajik ang kaniyang ulo. "Where?" tanong niya. Mabilis niya ring inayos ang mga gamit sa mesa at iniwan ang tambak na mga papeles. Umaasa siya na sana si Vernise iyon, na sana buhay padin ang babaeng hanggang ngayon ay nilalaman padin ng puso niya.

"Pero, maputi po si Ma'am Vernise, Ma'am Kaj. Imposibleng siya 'yon,"

"Just tell me where did you fvcking saw her! Ang dami mong sinasabi!" galit na sambit nito dahilan nang pagkakulat ng dalaga.

Halos mapatalon ito sa kinatatayuan dahil sa galit at malakas na impact ni Kajik sa kaniya. Alam niyang masungit, suplado ang bakla niyang boss pero hindi niya pa ito nakitang galit na galit talaga. Ngayon niya lang ito nakita at halata sa mukha nito ang pagkasabik na makita ang taong 'yon.

Nanginginig na binaba ng dalaga ang kaniyang dalang folder. "Umutang po ako sa kaniya ng 100. Sabi ko babayaran ko 'yon kapag magkita kami muli, pero hindi ko alam kailan or saan nakatira ang babaeng 'yon, Ma'am Kaj,"

"Saan mo siya huling nakita?"

"Doon po malapit sa isawan,"

"Damn! Cancel all my appointments today. I have something to do."

"Pero Ma---"

Hindi pinansin ni Kajik ang dalaga na nasa likuran niya. Agad siyang lumabas ng opisina dala ang kaniyang pink na bag at coat na brown. Malakas ang kutob niyang si Vernise 'yon, gusto niya talagang makita ang dalaga.

Nang tuluyan na siyang makalabas ng building. Bumungad sa kaniya ang tahimik at madilim na paligid, gabi na kasi at halos wala ng taong umiikot sa loob at labas ng kompanya. Pero nakatayo parin sa gilid ng kalsada ang lalaking nagbebenta ng isaw. Dahan-dahan niyang hinakbang ang mga paa patungo roon. Ngunit agad siyang napahinto nang may nahagip siyang babaeng tumatakbo papalapit sa kaniyang sasakyan. Hinahabol ito ng mga lalaking tambay. Sigaw ng sigaw naman ang babae, pero walang nakakarinig sa kaniya.

Umarko ang kilay ni Kajik. Natamaan niya pa ang Sekretarya niyang palabas ng building. Hinawakan niya ng mahigpit ang kaniyang bag 'saka nagpasya na lapitan ang kaniyang sasakyan.

"Bunch of idiots." bulong niya sabay tungo sa kaniyang Sekretarya.

"What are they doing in front of my car?" tanong niya.

"Hindi ko po alam, boss."

Lumapit si Kajik at akma na sanang papasok nang pigilan siya ng isa sa mga tambay. Tumaas naman ang kaniyang kilay at padarang na winaksi ang kamay.

"What do you want?"

"May pumasok ba na babae rito, Sir?" tanong nito. Umirap naman siya sabay sabing 'engot sa isip' hindi ba nito nakita ang babaeng pumasok dito? Napaka-engot naman ng mata niya.

"May nakita ka bang babae rito? 'Di ba wala? And don't fvcking call me Sir, its Ma'am, stupid!" sambit niya at pumasok sa loob ng sasakyan.

Naaamoy niya ang malangsang amoy ng babae pero hindi niya pinapahalata.

"You saw her too right?" bulong ni Kajik sa kaniyang Sekretarya.

"Ma'am Calista po ba, Ma'am?"

"Yeah,"

"Opo, Ma'am. Mukhang may kinalaman siya..."

She knew...

Ngumisi siya.

***

Accidentally In love With A Gay[SOON TO BE PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon