Chapter 13

1K 107 0
                                    

HANGGAng ngayon ay naguguluhan padin ako. Hindi ko maintindihan ang baklang 'yon, all this time ba ay akala niya na si Vernise ako? But, hindi ako 'yon. She must be pretty and sexy, dahil ang gwa-gwapo ng mga lalaking nagkakagusto sa kaniya and until now hinahanap padin nila siya. Maputi naman ang balat ko pero tinatakpan ko ang sarili kong balat dahil ayokong makaagaw ng atensyon. Ayoko ring ayusin ang sarili ko dahil nasanay na ako sa mukha at ayos ko ngayon.

She must be really pretty. Kahit si baklang Kajik nagkagusto sa kaniya. Hays.

Tumingala ako sa kisame. Nasa loob ako ng classroom ngayon kasama ang mga kaklase kong puro bukam-bibig 'yung sikat daw na banda. Dito daw kasi mag-aaral ang bandang 'yon. Wala naman akong pakialam dahil hindi ako interesado. Bumuntong hininga ako 'saka nilingon ang kaklase kong kanina pa nangungulit sa akin.

"Ano 'yon?" tanong ko kay Calista. Maganda siya, mahaba ang kaniyang buhok, maputi ang balat at higit sa lahat mayaman. Ewan ko ba sa babaeng 'to bakit ito lapit ng lapit sa akin. Kaninang umaga pa 'to.

"Pwedeng tumabi sa'yo?" nahihiyang tanong niya. Para siyang transfer student kung umasta. Matagal na rin naman siya rito, ngayon ko lang talaga siya pinansin.

"Uh, pwede naman."

"Salamat! Halila!" masayang sambit niya at naupo na sa tabi ko. Wala kaming prof ngayon dahil may meeting daw, tungkol na naman 'yon siguro sa intrams. Napagalitan nga ako ni Ma'am Santos dahil nag cutting daw ako at hindi sumipot sa meeting. Napagalitan rin si Hades, pero tawa lang siya ng tawa. Tila natutuwa pa.

Nagpakawala ako ng malalim na hininga.

"May problema ba?"

"Wala naman. Bakit mo naisipang tumabi sa akin, Calista?" wala namang gustong tumabi sa akin dahil nga maitim ako at parang wala pang suklay ang buhok. Kakaloka, mabuti na lang walang bully dito sa loob ng classroom namin.

"Gusto ko kasing makipag-kaibigan sa'yo, Halila. Wala kasi akong kaibigan dito, ayoko rin namang makipag-plastikan sa mga babaeng puro paganda lang ang alam."

"Anong ibig mong sabihin?" naguguluhan kong tanong. Wala talaga ako sa mood ngayon dahil sa baklang Kajik na 'yon. Kahit nag sorry na siya pakiramdam ko napipilitan lang siya, ang cute niya nga tingnan. Mukhang first time niyang mag sorry. But, hindi parin ako naka get over.

"Hindi ka katulad nila na uhaw na uhaw sa mga mayayaman, I knew you're not from a wealthy family but watching you sitting alone like you own the whole field? Damn, you looked like a queen,"

Napaubo ako dahil sa sinabi ni Calista. Tila mauubusan yata ako ng hininga sa sinabi niya. Saan niya naman napulot ang mga katagang 'yon? Nakakaloka siya. Gusto kong tumawa ngunit pinipigilan ko baka ma-offend siya at magalit.

"Nakakatawa ka," sagot ko. Kumunot naman ang noo niya. Hindi inaasahan ang sagot ko.

"Wala namang nakakatawa sa sinabi ko dahil lahat ng 'yon ay totoo."

"Think about it, Calista. I'm not a queen nor look like a queen. I just want to live like this, away from these toxic people. I'm contented without friends, Calista." Binalingan ko siya ng tingin. I saw shocked written on her face. I smiled and tap her shoulder.

"Wanna eat outside?"

"H-Halila..."

"But, bente lang ang pera ko ngayon hehehe!" shutangina. Nakakahiya 'yon. Totoo naman kasi, punyetang bakla kasi 'yon walang pera kagabi at ako pa mismo ang nagpakain sa kaniya. Tsaka matagal pa 'yung sweldo ko kayat hintay-hintay lang muna ngayon. I can wait naman.

"Libre kita!" mabilis na sagot niya.

"Huy! Jusko! Huwag na, Calista. Kasyang-kasya naman sa akin 'tong bente pesos, 'saka ang gustong-gusto ko lang naman na kainin sa canteen ay 'yung itlog ng pugo,"

Accidentally In love With A Gay[SOON TO BE PUBLISHED]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora