Chapter 16

954 93 0
                                    

Halila's POV

Bakit sobrang lamig? Hindi naman naka-aircon ang bahay namin ah. Hindi namin afford 'yon 'saka bakit ang lambot ng kama ko ngayon. Ang gaan sa pakiramdam. Nasaan ako? Sigurado akong wala ako sa bahay.

"Halila, anak..."

Nanay?

Dahan-dahan kong minulat ang mata ko. Unang bumungad sa akin ay ang puting kisame ng hospital. H-Hospital?! Wait--

"Halila!" bago pa man ako makapag-react ng husto. Biglang may yumakap sa akin kayat napapikit ako. It was my nanay.

"Halila." Niyakap niya ako ng sobrang higpit habang humahagolgol. Wala akong matandaan sa nangyari, ang alam ko ay may mga imaheng pilit nagpapaalala sa akin. hindi ko alam kung anong pinapahiwatig nu'n, wala akong ideya. Did I have a memory loss? How?

"Huwag mo akong takutin ng ganu'n, Halila. Ayokong pati ikaw ay mawala sa akin,"

Ngumiti ako. Unti-unti kong inangat ang kamay ko parang haplusin ang likod ni nanay. Pinag-alala ko talaga siya, I'm sorry, nanay.

"Tahan na, 'nay. Hindi naman ako mawawala eh,"

"Kahit na, anak! Natatakot parin ako. Baka dumating ang pa--"

"EHEM!" hindi natapos ni nanay ang sasabihin niya nang makarinig kami ng malakas na tikhim mula sa likuran niya. Mabilis namang kumalas si nanay at umupo sa tabi ko. Tila bigla siyang namutla.

Kumunot naman ang noo ko. "Calista? Anong ginagawa mo rito?" si Calista lang pala. "At anong nangyari sa'yo?" ang gulo ng buhok niya ngayon. May iilang mansta rin ang uniform niya, hindi ko matukoy kung dugo ba 'yon or ano. Napaaway kaya ang babaeng 'to?

"Napaaway kaba?" tanong kong muli. Parang kinabahan ako bigla sa kaniya. Paano kung oo? Baka balikan siya ng mga kalaban niya at patayin. Jusko naman. 'Yan na kasi ang uso ngayon. Ang patayan.

"I'm fine, Halila. May nakabangga lang ako sa labas, ang dami kasing humaharang." seryoso niyang sagot. Napatango naman ako at binalingan ng tingin si nanay na ngayon ay tahimik na.

I reached her hands and hold it. "Ayos lang ako 'nay. Hindi na mauulit," ngumiti ako ng sobrang tamis sa kaniya. Talagang nag-aalala talaga siya para sa akin, halata naman kasi sa mukha niya. Papaiyak na naman oh.

"'Nay, ayos lang talaga ako. Tingnan mo ako oh! Nagsasalita na, gumagalaw na." gusto ko ring sumayaw para ipakita sa kaniya na ayos lang talaga ako. Ayokong pinag-alala si nanay dahil ang bilis niyang kabahan. "Ngumiti kana, 'nay. Papangit ka talaga niyan, sige ka!"

"Ikaw talagang bata ka! Oo na! Oh siya, bibili muna ako ng pagkain mo sa labas ah? Kausapin mo muna 'tong kaibigan mo, kanina pa 'to naghihintay sa'yo. At 'saka kailangan mo talagang kumain, Halila."

Nilingon ko si Calista. Hindi parin nagbabago ang expression niya, sobrang seryoso niya parin. "Hindi ko siya kaibigan, 'nay. Mag-iingat ka ah!"

"Loko ka talagang bata ka. Pinag-alala mo ako ng husto!"

"Peace po! hehehe!"

"Ewan ko sa'yo!"

Kumaway ako kay nanay nang lumabas na ito. Inangat ko ang tingin para salubungin na naman ang seryosong mukha ni Calista. She looked mess right now, ni hindi man lang umupo ang gaga. Gusto niya atang tumayo magdamag sa harapan ko.

"What do you need? And what's with the mess? Ayaw mong umupo?"

"I'm here to--"

Tumaas ang kilay ko. Ang weird niya ngayon. "What?"

Accidentally In love With A Gay[SOON TO BE PUBLISHED]Where stories live. Discover now