Chapter 9

1K 123 0
                                    

Halila's POV

"Halila!" malakas na sigaw ni Ambie. Pasukan na naman at andito ako ngayon sa loob ng classroom namin kasama ko si Ambie at limang kaklase rin namin. 'Yung iba naman ay lumabas dahil kailangan nilang mag interview ng mga taga ibang building para sa documentary namin. Kakatapos lang namin kayat heto kami sa loob, nag-uusap ng kung ano-ano, mabuti na lang hindi sinapian ng kabaklaan ngayon si Ma'am Kaj.

"Ano 'yon?" Nilingon ko si Ambie. May hawak siyang kape at itlog ng pugo.

"Ang gwapo ni Hades!" malakas na tili niya at tila kilig na kilig talaga.

Si Hades ay kaklase rin namin. Crush na crush 'yon ni Ambie pero mukhang wala siyang pag-asa roon, sobrang tahimik kasi ni Hades, minsan lang din siya nagsasalita pero kinakausap niya ako minsan. About naman sa mga kaklase namin, hindi niya pinapansin. Pakiramdam ko talaga may gusto 'yon sa akin eh, char! Ang assuming ko 'te. Kay Kajik lang 'to kakalampag.

"Oh? Tapos?" walang pakialam na tanong ko. Hinarap ko muli ang hawak kong papel. May meeting na magaganap mamaya sa gym kayat kailangan kong tapusin itong notes baka pagalitan ako ni Ma'am, shutaness talaga.

"Share ko lang, hihihi! Nakita ko nga rin pala si Madam Kaj sa canteen, and super pretty niya sa suot niyang dress! Ang expensive!" angil niya.

Himala pumunta ng canteen ang baklang iyon. Hindi niya naman kasi ugaling pumunta roon dahil ako lagi ang inuutusan niya, sabagay trabaho ko naman din 'yon. Pero, nakakapagtaka lang.

"Tapos?"

"Kasama niya na naman 'yung mga baklang friends niya, lagi naman eh. Hindi ba't binugbog ka ng mga baklang 'yon?"

Speaking of. Hindi man lang humingi ng tawad ang mga baklang 'yon sa'kin, sa halip ay iniirapan nila ako kapag nagkasalubong kami. Hindi ko talaga sila ma-gets, ang totopakin nila, parang nireregla eh wala naman sila nu'n. Baka may attitude problem talaga silang lahat lalo na si Kajik na tila naging tigre na naman. Nakaka-stress sila sa totoo lang.

"Medyo," sagot ko. Wala rin naman akong masabi dahil hanggang ngayon ay naiinis padin ako sa mga baklang iyon. Wala akong kasalanan, sila meron.

"Pero infairness ang astig mo ah, hindi mo sila pinatulan kahit na halatang gusto mo. Ganyan talaga ang mga mayayaman, Halila, akala nila mga reyna at hari sila. Ikaw pa 'yung mag mu-mukhang masama kapag binangga mo sila." Tumango-tango ako. Totoo, parang ako pa ang may kasalanan. Since, ayoko ng gulo at ayokong masangkot ang pamilya ko rito, hinayaan ko na lang ang mga ulikba na iyon.

"Lalo na si Madam Kaj, ang sama-sama nu'n, kilalang bully iyon dito sa campus. Sobrang yaman niya, sikat, marami ring manliligaw lalo na sa ibang schools, jusko 'te! May nanalo na talaga,"

"Edi siya na, pakialam ko." marami pa lang manliligaw ah. Auto pass sa maraming manliligaw. But, no way! Hindi ko ibibigay si Kajik sa iba, akin lang siya forever. No one can take my Kajik away from me.

"Ay wow! Talaga ba sis? Sabi mo sa'kin crush mo ang baklang iyon?"

"Marunong din naman akong mang un-crush," char lang.

"Totoo? Hindi mo na crush si Madam K?" Inangat ko ang tingin. Bumuntong hininga ako tsaka dahan-dahang tumango, para manahimik na 'tong gagang 'to. Ang daldal niya ah, halos hindi ko na matapos-tapos 'tong notes ko dahil sa kaniya.

"Yaks! Wala ka rin namang may pag-asa roon, Halila. Ang ganda kaya ni Madam K at super yaman pa tapos kung magiging lalaki man iyon talaga? Sobrang gwapo nu'n at hindi ka papasa sa taste niya." Tiningnan niya ako. Ano sa tingin niya hindi ako papasa sa standards ni Kajik? Well, hindi naman talaga. Pero sa tingin ko'y mas maganda pa nga ako roon, char. 

"Hindi ka maganda, maitim pa ang balat mo, kulot pa ang buhok mo. Baka kamo pag ikaw naging jowa ni Madam K, sigurado akong makakatanggap iyon lagi ng pamba-bash,"

Palihim akong napairap sa mga sinasabi niya. Hindi ko alam kung insulto ba 'yon or biro, medyo tinamaan kasi ako kaunti lang. Sino ba namang tanga ang papatol sa akin aber? Hindi ko naman itatanggi na hindi talaga ako kagandahan pero sumusobra na ang Ambie na 'to ah, baka gusto niyang ipakain ko 'tong notes ko sa bunganga niya. Hindi rin naman ako papatulan ni Kajik dahil bakla 'yon, itlog hanap nu'n hindi tahong. Punyeta.

"Umalis ka sa harapan ko," nagdidilim ang paningin ko sa'yo, Ambie.

"Huh? Na-offend ka ba? Totoo naman kasi 'yon, Halila, kaya habang maaga pa? Iwasan mo na si Madam K---"

*Ring! Ring!*

Hindi niya natapos ang sasabihin niya nang bigla na lamang tumunog ang cellphone ko.

"Umalis kana." timping sambit ko bago ko sinagot ang tawag ni bakla. Badtrip ako ngayon.

"Where are you?" bungad na tanong ni Ma'am Kaj. Tangina. Ang hot ng boses niya, lalaking-lalaki talaga pero punyeta, badtrip talaga ako ngayon.

"Anong kailangan mo, Madam Kaj?" tanong ko sabay lingon kay Ambie na napahinto nang marinig ang pangalan ni K. Ngumisi ako ng palihim.

"I'm asking you, Halila, where are you?" mukhang napikon na naman.

"Bakit mo ba gustong malaman? Nasa eskwelahan ako ngayon, kung may iuutos ka sabihin mo na agad, marami pa kasi akong ginagawa. May tatapusin pa akong notes pa---"

*TOOT TOOT*

"Ay puntangina! Pinatayan ako,"

Bwesit talaga 'tong baklang 'to eh! Kapag ganito, may iuutos na naman siya. Lintek, wala na akong magagawa kundi sundin ang hinapuyak na baklang iyon.

"Bwesit naman oh!" reklamo ko at tumayo na mula sa kinauupuan ko.

Binalingan ko nang tingin si Ambie na akala ko ay umalis na pero hindi pa pala. Nakakunot ang kaniyang noo habang naka tingin sa akin. Iniwas ko na lamang ang ulo ko 'saka napagpasyahan na puntahan ang bakla sa building nila. Sisigawan na naman ako no'n, panigurado.

"Saan ka pupunta, Halila?"

"Magpapakamatay, sama ka?"

"You're crazy!"

"Kung ayaw mo, edi don't."

"Alam kong makipagkita ka na naman kay Kajik! Sinasabi ko sa'yo, Halila, wala kang pag-asa sa baklang iyon!"

Kinagat ko ang labi ko. Kumuha ako nang pera sa loob ng bag ko. "Hindi mo sure." sagot ko sa kaniya at lumabas na.

"What?!"

Hindi ko talaga maintindihan si Ambie. Pakiramdam ko may gusto rin siya kay Kajik. Nahihiya pang umamin eh, kaloka.

"Oh my gosh! Si Madam K!"

"Saan ang tungo niya mga be!"

"Huwag kang dumaan diyan baka sisipain ka ni Madak K!"

"Ang ganda niya talaga,"

Kumunot ang noo ko nang marinig ko ang tilian ng mga kababaihan sa hallway. Mukhang may artista ah, sino naman kaya iyon?

Nilabas ko muli ang cellphone ko para tingnan kung may text ba na iniwan si Kajik pero wala. Bwesit talaga ang baklang iyon, may attitude problem nga. Dating gawi na naman, bibili ako ng pagkain niya.

Tinago ko muli sa loob ng bulsa ko ang cellphone ko 'saka taas noong humakbang kaya lang napahinto ako bigla nang mahagip ko ang bakla na si Kajik na confident na rumarampa sa malawak na hallway namin. At papunta pa sa akin ang direction niya. Shete!

"Ang ganda ni Ma'am Kaj!"

"WAHHHH!"

Ang taray kumembot ni Ma'am Kaj. Feel na feel talaga ang heels na suot ano? Sana madapa kang bakla ka, punyeta ka, kahit ang ganda mo ngayon at fresh, badtrip parin ako sa'yo kayat umayos ka at dalian mo.

"Halila," huminto siya sa harapan ko.

"Oh?" irap na sagot ko. Tumaas naman ang kilay niya sa sagot ko.

"What's wrong? At bakit amoy asim ka ngayon?"

"PUTANGINA MO TALAGA EH ANO!"

***

Accidentally In love With A Gay[SOON TO BE PUBLISHED]Where stories live. Discover now