Luisa Vernise Alderman

390 33 1
                                    

"Congratulations, Vernise!"

"Masayang-masaya ako sa'yong bruha ka!"

"Ang ganda mo teh!"

Napangiti ako. Matagal ko nang gusto 'to. Ang makilala ng maraming tao. Hindi man ako kasing talino ni Calista ay kaya ko namang humakbang patungo sa inaasam kong pangarap. Hawak ko ngayon ang award na natanggap ko. Sobrang saya ko dahil sa wakas ay kilala na ako ng mga tao ngayon. Pinaghirapan ko ang pangarap na 'to, marami akong paghihirap na pinagdaanan. Hindi ako nagsisisi na tiniis ko ang mga paghihirap na 'yon, kung hindi ko naranasan ang mga 'yon ay wala ako ngayon dito.

Nasa France ako ngayon. Dahil sa magaling akong model at isa ng ambassador sa isang clothing line, labis akong natutuwa. Simula pa lamang 'to, aangat pa ako.

***

Dala ang aking hindi kalakihang maleta. Tinungo ko ang bahay ni Kajik dito sa Kaliton. Miss na miss ko na kasi siya. Nitong mga nakaraang araw kasi ay naging busy ako, hindi lamang sa pagmomodel kundi sa pag-aaral din. Ganu'n din naman siya, nagsusumikap din. Imbes na tumungo ako ngayon kay Kayzen, pinili ko rito. Ayokong makita ang lalaking 'yon, hindi ko talaga siya magugustuhan.

Oo nga't gwapo si Kayzen at mabuting asawa rin naman siya pero kahit anong gawin ko ay hinding-hindi talaga ako mahuhulog sa kaniya. Nakokonsensya ako dahil hindi ko man lang masuklian ang kabaitan niya sa akin.

Mas mahal ko ang kapatid niya. Alam kong nilabag ko ang batas namin pero wala akong pakialam sa batas na 'yon. Gusto ko lang naman magmahal ng tunay, hindi 'yung pinipilit ako sa taong hindi ko gusto.

Isang batas na sisira sa aming dalawa ni Kajik. Alam ko na 'yon. Andito ako para makita at makasama siya sa sandaling panahon. Iiwan ko kasi siya, lalayo ako sa kaniya para sa kaligtasan niya. Ayokong mapahamak siya dahil sa akin.

"Kajik?" tawag ko sa kaniya habang nililibot ko ang buong paligid. Sobrang tahimik, mukhang walang tao.

"Kajik!"

Nilagay ko ang maleta ko malapit sa pintuan. Umakyat ako nang hagdan at akma na sanang bubuksan ang kwarto niya nang may biglang yumakap sa akin. Napangiti ako nang maamoy ko ang pabango niya. Miss na miss ko na talaga siya.

"Baby..."

"Kajik,"

"I love you, Vernise!"

"I love you too, Kajik!"

Kahit sandaling araw lamang 'yon. Masayang-masaya parin ako dahil nakasama ko ang taong mahal ko. Kaya kong itaya at labagin ang batas alang-alang sa kaniya. Mahal na mahal ko si Kajik.

***

Accidentally In love With A Gay[SOON TO BE PUBLISHED]Where stories live. Discover now