Epilogue

1.3K 94 0
                                    

Halila's POV

"Nasaan ka ngayon!" malakas na sigaw ko habang kausap ko si Chantria sa kabilang linya. Nasa concert kasi ako ngayon ng X-Skeleton kasama ko si Marites na kanina pa hiyaw ng hiyaw. Kilig na kilig pa sa tabi ko.

"Nasa bahay ninyo! Sabi ng kasambahay niyo wala ka rito. Nagpa-party ka na naman na hindi ako kasama, ano?" alam kong sa mga oras na 'to ay umiirap na siya. Napatawa naman ako sa naisip.

"Nasa concert ako ng X-Skeleton! Nasa Albanya ako! Puntahan mo 'ko rito! Kasama ko si Marites at ang boyfriend niya!"

"Gaga ka talaga eh! Pinapanood mo na naman 'yang walang kwentang banda na 'yan! Makikita ko na naman ang nakakagigil na mukha ni Inez, naku! Sinasabi ko sa'yo."

"Pumunta ka na lang dito, Chantria. Ang dami mo pang sinasabi! Sige na papatayin ko na!"

"Kingina mo! Alam kong hanggang ngayon ay hindi ka parin naka-move on diyan sa bakla mong ex, shuta ka!"

Napailing ako at natawa sa sinabi niya. Akala niya siguro kasali si Kajik sa bandang 'to, naikwento ko kasi sa kaniya noon na may naging ex ako sa X-Skeleton. Gusto ko lang naman siyang biruin pero tinotoo ng gaga. Kakaloka siya, hindi naman sasali ng banda 'yon si Kajik kahit anong gawin ko. Ayaw na ayaw niya dahil nagsasayang lang daw siya ng oras. Mas gusto niyang I-tuon ang atensyon sa kompanya para maka-ipon at para narin matustusan ang kasal namin. Shutanginang baklang 'yon, lagi akong pinapakilig. Mahal na mahal ko talaga ang lokong 'yon kahit hindi niya ako sinamahan ngayon. May importante raw kasi siyang kakausapin, wala akong ideya kung sino 'yon. Binantaan ko pa siya bago ako umalis, baka mangangabit. Papatayin ko talaga silang dalawa.

"Anong nangyari sa mukha natin, Te?" pansin sa akin ni Marites. Nabaling din ang tingin ng kaniyang boyfriend sa akin.

"May iniisip lang ako," sagot ko at ngumiti.

"Sigurado ka ba? Gusto mo na bang umuwi? Pasensya kana ah kung inaya ka naming dalawa dito, hehehe! Ang ganda mo ngayon, Halila. Hindi ako makapaniwala na kaharap ko at kaibigan ko pala ang sikat na si Luisa Vernise Alderman." Lumapit si Marites sa akin. Hinaplos niya ang buhok ko at inamoy. Napangiwi naman ako sa ginawa niya. Hindi na ako si Luisa Vernise ngayon, pinalitan ko ang pangalan ko pero dala ko parin ang pangalan ng magulang ko. Ako na lang kasi ang natitirang anak nila Mommy at Daddy ngayon, sa akin nila imamana ang lahat.

"Fan na fan mo talaga ako. Lagi kong pinapanood ang fashion show mo noon sa france, kapag may mga bagong magazines. Iniipunan ko para mabili ko lang. Hindi ka lang maganda, Halila. Ang bait bait mo pa. Hindi ako nagsisisi na naging kaibigan kita, natutuwa pa nga ako!"

Ngumiti ako. Limang beses lang naman ako nagpakita sa France, inimbitahan kasi ako. Hindi ko inaasahan na sisikat agad ako roon. Pagkauwi ko galing sa bansang 'yon ay kumakalat na agad ang mga pictures ko. Honestly, it was just a small thing for me. I was asked by my friend and I did it. Dahil sa fashion show na 'yon, nakilala ako. Nasa college pa ako nu'ng mga araw na 'yon. Hindi lang talaga halata dahil minsan hindi ako pumasok, but because of the use of money, I got high grades. Meron din naman akong pinaghirapan, hindi naman lahat 'yon gamit sa pera.

Hindi ko alam ang sasabihin kay Marites. Natutuwa rin naman akong nakilala at naging kaibigan siya, kung hindi dahil sa kaniya hindi ko makikita at makakasama si Kajik. Siya ang nag turo sa akin sa tamang landas. Ang bait niyang kaibigan sa akin kahit loka-loka siya minsan at chismosa.

"Masaya ako para sa inyong dalawa ni Sir Kajik. Mahal na mahal ka nu'n, Halila. Naalala ko pa 'yung nadatnan ko siyang nakatayo sa labas ng bahay ninyo. Rinig kong wala ka roon nang gabing 'yon. Gusto ko sanang sabihin sa kaniya na wala ka nu'n pero natatakot ako."

Accidentally In love With A Gay[SOON TO BE PUBLISHED]Where stories live. Discover now