Ramp

519 32 0
                                    

I was invited to join a fashion show next week. Hindi ko pa alam kung pupunta ba ako or hindi. May pasok kasi ako at final exam namin 'yon, but who cares naman hindi ba? I can use my money and pay for it. Gustong-gusto ko ang pagmomodel. Pangarap ko 'yon. Dahil sa mga maarte at mataray na mga kompanya? Umalis ako na walang statement. Ayoko kasi sa mga kompanyang may attitude problem. Hello? Alderman ako, may karapatan din akong magreklamo. Hindi naman malaki ang sahod dito sa Pilipinas. Mas gustuhin kong magtrabaho sa ibang bansa kaysa rito.

Inayos ko ang straight brown kong buhok. Sinuot ko ang dilaw na headband ko, heels na pula at kinuha ko ang pink na bag ko. Pupunta muna ako ng Starbucks ngayon. Gusto kong magkape. Ang aga aga pa kasi.

Dumeretso ako sa garahe namin at tinungo ang daan papuntang mall. Hindi naman matagal ang byahe dahil malapit lang at kaharap lang din nito ang school ko. Lumabas ako at pumasok ako sa Starbucks. Pagkakuha ko ng kape ko ay dumeretso ako sa school.

Habang naglalakad ako maraming napapatingin sa akin. Hawak ko ang kape sa left at sa right naman ay ang bag kong pink. Mula rito ay kitang-kita ko naman ang pag arko ng kilay ni Benji. Mukhang badmood na naman ang bakla. Ngumiti ako sa kanila at lumapit.

"Feel na feel talaga ang atensyon ano?"

"Oo naman, minsan lang kaya 'to!" sagot ko naman at kinindatan siya. Mabilis naman siyang napangiwi, mukhang nandidiri. Loka loka talaga ang baklang 'to.

"Nga pala, si Alex?"

"May kinuha sa library. Papasok ka na ba? Maaga pa naman. Himala at maaga ka ngayon, anong nakain mo?"

"Kaya nga ako may hawak nito kasi hindi ako nag-agahan."

"At bakit naman aber? Hindi ka naman naghihirap," sabi niya. Inirapan ko lang siya at pinagpatuloy ang pag-iinom.

"Pinag-aralan mo na ba 'yung finals natin?"

"Kailangan pa ba 'yon?"

"Gaga ka! Mag bago ka na nga! Ang ganda ganda mo tapos bokya ka sa pag-aaral. Jusko, Vernise. Gamitin mo naman 'yang utak mo, huwag puro ganda."

"At least maganda."

He rolled his eyes. Mukhang wala na naman siyang magagawa sa akin. Ang sarap talagang pikunin nitong baklang 'to. Gwapo naman si Benji, mayaman din naman at maraming nagkakagusto pero binabae talaga siya eh. Ewan ko bakit ganyan 'yan. Sayang ang lahi.

"Kailangan nating mag-aral ng mabuti, jusko!"

"Oo na! Akala mo naman nag-aaral talaga eh!" asik ko naman. Mabilis niya naman akong binatukan sa ulo. "Gaga! Ano sa tingin mo naglalaro lang tayo ng bahay-bahayan? Magtino kana rin, gaga ka."

Hindi ko nalang siya pinansin at nilibot ko na lamang ang tingin ko. Napahinto naman ang mata ko sa pigura ni Kajik Vela Rosa. Mabilis na umarko ang kilay ko dahil sa suot nitong sinauna pa yata. Naiinis ako sa malaking eyeglasses niya, sa magulo niyang buhok at sa panget niyang mukha. Gwapo naman 'yung dalawang kuya niya pero siya? Ang malas malas naman niya sa buhay.

"Makatitig ah parang nanghuhusga,"

"Kahusga-husga naman kasi ang porma niya. Ang sakit niya sa mata. Sinisira niya ang araw ko," sabi ko naman.

Iniwas ko ang tingin ko. Tinuon ko na lamang sa cellphone ko ang atensyon. Gusto kong kalimutan ang nakakainis na mukha ni Kajik. Mayaman naman sila, kaya niya namang ayusin ang sarili niya pero bakit hinahayaan niya? Or panget nga talaga siya. Ayaw niya sigurong mapahiya.

"Grabe ka naman. Porket maganda ka gaganyanin mo an---"

"Kinakampihan mo ba ang panget na 'yon?" Taas kilay na tanong ko. Mabilis naman siyang umiling. Hindi niya ako sinagot sa halip ay tinuro niya si Hades na papalapit sa amin.

Accidentally In love With A Gay[SOON TO BE PUBLISHED]Where stories live. Discover now