New

354 53 0
                                    

Vernise's POV

"Bakit mo pinakasalan ang kuya ko?"

Napangiti ako ng palihim nang marinig ko ang tanong ni Kajik. Nasa Kaliton kasi kami ngayon. Since walang pasok, naisipan naming bumisita sa tagong lugar ni Kajik. Ayoko rin naman makita si Kayzen dahil nag-iinit ang ulo ko sa kaniya. Hindi ko siya mahal, ginawa ko lang naman ang lahat ng ito para sa pamilya namin. Lagi niya akong binibwesit, iniinis. Minsan ang sarap niyang sapakin, pinipigilan ko lang ang sarili ko. Ayaw kong isipin nila Mommy at Daddy na sinasaktan ko si Kayzen kahit gustong-gusto ko.

Hinarap ko si Kajik. Napawi ang ngiti sa labi ko nang makita siyang seryosong nakatitig sa akin. Walang emosyon ang kaniyang mukha, para siyang estatwa.

Nitong mga nakaraang araw. Isa rin siya sa mga taong nambwesit sa akin pero mas matino siyang kausap kaysa sa kuya niya at mga kaibigan ko.

"I want to prove something," sagot ko kahit naiilang sa titig niya. Matagal ko nang gusto si Kajik. Ayaw ko lang aminin dahil ayoko siyang masaktan, baka mas lalong magkagulo. Ayaw ko rin namang mapahamak ang buhay niya lalo na't nagdududa na ngayon ang magulang ko. May batas kasi kami sa pamilya namin, kapag kasal na kami. Hindi na kami pwedeng makipagkita sa ibang lalaki lalo na't kapag 'yung taong 'yon ay may malalim na nararamdaman sa'yo.

Kumunot ang noo niya at dahan-dahang umiwas ng tingin sa akin. Tinuon niya ang pansin sa ferris wheel. Yumuko ako. Kinuyom ko ng mariin ang kamao ko, hindi ko alam hanggang kailan ako mananatili sa lugar na 'to, sa tabi ni Kajik. Mahal na mahal ko siya, kaya kong itaya ang lahat para sa kaniya. Kaya kong iwasan at labanan ang pamilya ko alang-ala sa kaligtasan niya. Hindi niya alam na may gusto ako sa kaniya. Matagal ko na siyang gusto. Simula noong mga bata pa kami, lagi akong nagpapapansin sa kaniya noon pero binabalewala niya lamang ako, iniiwasan. Nasasaktan din naman ako, pero hindi ako tumigil.

"You are enough. You don't need to prove something," nilingon niya ako. "You are enough, Vernise."

"For me, you are."

Hindi ko alam kung ano ba dapat ang mararamdaman ko sa mga oras na 'to. Tila tumigil ang lahat, tanging ang Ferris wheel lamang ang umiikot sa harapan namin. Walang tao, kundi kaming dalawa lamang.

Naramdaman kong tumibok ng malakas ang dibdib ko. Hindi lang tumigil ang lahat. Tumigil din ang pag tibok ng puso ko.

"VERNISE!"

"VERNISE!"

Sobrang sakit ng ulo ko. Halos hindi ko mamukhaan ang taong nasa harapan ko na tila umiiyak na ngayon. Gusto kong abutin ang mukha niya at pigilan ang mga luhang 'yon ngunit papaano ko gagawin 'yon gayong wala ako gaanong makita. Liwanag ang nakikita ko, patay na ba ako? Or baka naman nanaginip lamang ako?

"VERNISE!" isang malakas na sigaw naman ang narinig ko. Tila nasasaktan ang taong 'yon, pilit niya akong ginigising pero ayaw talaga gumalaw ng katawan ko. Ayaw din bumuka ng bibig ko. B-Bakit?

"No, this can't be! Vernise, I'm really sorry. Kung hindi dahil sa akin hindi mangyayari sa'yo ito! I'm really sorry, Vernise..."

"I'm really sorry, Vernise. Wake up! Please! Please!"

Wala kang kasalanan...

Duguan ang katawan ni Hades. Gusto ko siyang abutin ngunit naninigas ang buong katawan ko.

Dahan-dahan akong pumikit. Tila pagod na pagod na sa lahat. Isang butil ng luha ang pinakawalan ko bago sambitin ang pangalan ni Kajik.

Maya-maya pa ay tuluyan na ngang sumara ang mga mata ko habang walang tigil sa pag-agos ang mga luha.

I felt hurt.

***

"Anak!"

"Halila!"

Minulat ko ang mata ko. Unang bumungad sa akin ay ang puting kisame ng hospital. Bakit ako nandito? Anong nangyari?

"Halila!"

Binaling ko ang tingin sa isang ginang na nasa gilid ko. Tumutulo ang kaniyang luha habang nakatingin sa akin. Sino 'to? Anong ginagawa niya rito?

"Anak, mabuti't gising kana. Nag-aalala talaga ako ng husto,"

A...Anak?

"Maayos na ba ang pakiramdam mo? Wala na bang masakit sa'yo? Nagugutom ka ba?" Tumayo siya. Nilapitan niya ako at hinawakan niya ang kamay at noo ko. Hindi ako sumagot dahil naguguluhan ako, paano ako napunta sa hospital? Bakit may benda ako sa ulo? Wala akong maintindihan, wala akong maalala.

Nanay ko ba talaga ang nasa harapan ko ngayon? Bakit hindi ko matandaan.

"Pinag-alala mo ako, Halila. Sa susunod huwag mo nang gagawin 'yon, maliwanag? Ayokong mapahamak ka, Halila. Kayang-kaya ko namang maglako sa kalsada,"

"Tingnan mo kung anong nangyari sa'yo. Muntik ka nang mamatay, Halila. Mabuti na lang mabait 'yong nagdala sa'yo rito."

"Akala ko hindi ka na gigising, anak. Alalang-alala talaga ako sa'yo."

Binalingan ko nang tingin ang bintana. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa kaniya or hindi. Pero base naman sa kaniyang mukha. Mukha siyang nagsasabi ng totoo. Halo-halo ang kaniyang emosyong pinakita. Ayokong tumingin sa kaniya dahil nasasaktan ako. Ngayon ko lang naramdaman ang pakiramdam na 'to, parang napaka-importante ko sa taong 'to. Takot na takot na mawala ako. Siya ba talaga ang nanay ko?

"Nagpapa-salamat talaga ako sa lalaking 'yon dahil binayaran niya ang bayarin dito. Hindi ko kasi kayang bayaran ito, anak. Ang gara ng hospital na 'to tapos halos mga mayayaman ang andito."

"Mayaman pa 'yon nag ligtas sa'yo kanina. Mabait pero mukhang mailap sa ibang tao, sobra rin siyang nag-aalala sa'yo, anak. Kilala mo ba 'yon?"

Nilingon ko siya. Sinong lalaki? Blangko ang isip ko ngayon, wala akong maalala. Parang bumalik ako sa umpisa. Noong sanggol pa lamang ako, walang kamuang-muang.

"G-Gusto ko siyang m-makita..." sa pag bukas ng mga labi ko, siya namang pag bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam para saan 'yon or para kanino. Basta't ang alam ko ay nasa bagong mundo ako na sinilang muli.

NASA gilid ako ng kalsada ngayon naghihintay ng masasakyan pauwi sa amin. Paniguradong pagagalitan na naman ako ni nanay dahil late akong umuwi ngayon. Pambihirang mga tambay kasi 'yon. Gusto ko lang naman magtrabaho, kakainis.

"Miss!"

"Miss!"

Napasinghap ako nang may bigla na lamang humawak sa braso ko. Sisigawan ko na sana siya nang makitang naghihinalo siya. Pawis na pawis ang kaniyang noo at kusot naman ang uniform niya.

"Anong k-kailangan mo?" tanong ko sa kaniya.

"Pwede makihiram ng pera, Miss? Kailangan na kailangan ko talaga, Miss. Mali--

"Pasensya na po, pero wala po akong p--"

"Babayaran ko ng doble, Miss. Sige na Miss, ayokong mawalan ng trabaho. Pangako babayaran ko, dadagdagan ko pa."

"Babayaran kita kapag nagkita tayo ulit."

At dahil sa mukhang pera ako. Pumayag ako, nilahad ko sa kaniya ang 100 ko. Mukhang kailangan niya rin kasi 'yon, 'saka sabi niya dadagdagan niya kayat um-oo agad ako. Mahirap tumanggi sa grasya.

"Kakaloka." Binuksan ko ang wallet ko nang makita ko na ang paparating na jeep. Kaya lang nagtaka ako nang wala akong makapa na pera sa loob ng wallet ko.

"Shutangina, wala na akong pera!"

"Ang malas naman oh!"

Inutang ko pa kay Aling Pasing 'yon. Lagot na ako kay nanay ngayon. Argh! No choice, kailangan kong lumapit kay Aling Pasing ulit at umutang.

Pinautang nga ako ni Aling Pasing pero may kapalit. 'yon ay magbebenta ako ng balut. Shutangina! Madadaanan ko na naman 'yong mga tambay na 'yon, pambihira.

Kailan kaya ako babayaran ng babaeng 'yon?

***

Accidentally In love With A Gay[SOON TO BE PUBLISHED]Where stories live. Discover now