Marriage

700 58 0
                                    

Vernise's POV

"What? Mom! Don't tell me, ipapakasal mo si Calista sa lalaking panget na 'yon?" gigil na tanong ko habang kaharap ko silang dalawa ni Daddy. Walang imik si Daddy habang si Mommy naman ay sumisimsim pa sa kaniyang kape na tila buo na ang kanilang desisyon na ipakasal si Calista sa Kayzen Vela Rosa na 'yon. Kilalang playboy 'yon sa Campus lalo na 'yung kapatid niyang si Kaizer na walang ibang ginawa kundi mambabae rin. Fvck! Hinding-hindi talaga ako papayag na gawin 'to ni Mommy kay Calista. NOT WITH THOSE JERKS. Mayaman din naman ang mga Vela Rosa's pero ayoko talaga. Masisira imahe namin sa mga hinapuyak na 'yon.

Sakit nila sa ulo. Mabuti nalang talaga maganda ang gabi ko. Well, dahil duon ay dinagsa ang IG account ko at facebook ko.

"We already talked about this, Vernise. Buo na ang desisyon naming ipakasal si Calista kay Kayzen Vela Rosa. Unless?" tinaasan niya ako ng kilay kayat hindi ko mapigilang hindi umirap.

"Unbelievable! Sa mga Vela Rosa pa talaga! Wala na bang ibang pamilya riyan, Ma? Alam niyo naman po sigurong babaero ang lalaking 'yon at walang kwenta!"

"Luisa Vernise!" malakas na sigaw ni Daddy sabay tayo. Napalunok naman ako. Nyetang buhay 'to.

Totoo naman na walang kwenta ang Kayzen na 'yon. Ano kaya ang ambag ng dalawang 'yon? Pogi, katawan at yaman lang? Pambihira. Mabuti pa 'yung kapatid nilang si Veston Kajik Vela Rosa, tahimik, matalino kaso nga lang ay hindi uso sa kaniya ang fashion sense. Wala yata sa vocabulary niya ang mag-suot ng mga magagara at mag-ayos. Hindi siya maarte, masungit siya at snobber. Ang hirap niyang pakisamahan. Classmate kasi kami. Kahit ilang beses ko na siyang kinukulit hindi niya parin ako pinapansin like what the fvck? Hindi niya ba alam na sikat na sikat ako sa loob ng campus?! Ang daming nanliligaw sa akin, nagpapapansin pero siya DEDMA.

Argh!

"Saan na naman ang punta mo, Vernise?" pansin ni Daddy nang tumayo ako.

"Hindi pa ba tapos 'to? May pupuntahan pa kasi ako," walang gana kong sagot sabay baling ng tingin kay Calista na mukhang kakagising lang. Nasa hamba siya ng hagdan namin.

"Vernise!"

"Saan ka na naman pupunta?"

"Why? Are you concern now?"

"Vernise, huwag mong painitin ang ulo namin." mahinang nagpakawala ng hininga si Daddy habang si Mommy naman ay halatang hindi na mapipigilan. Alam kong sa pagkakataon na 'to gustong-gusto na nila akong kutusan, pero anong magagawa nila kung gusto kong mag lakwatsa? Wala rin naman akong magagawa sa loob ng bahay na 'to, tsaka sawang-sawa na akong makinig sa kanila. Kung gusto nilang ipakasal si Calista sa gagong Kayzen na 'yon? Wala na akong magagawa pa. Matanda naman si Calista, actually, ate ko siya. Pero mas mukhang ako pa ang matanda sa aming dalawa. Hindi ko rin siya tinatawag na ate dahil ayoko.

"May mga bisita mamaya and you should be there!" sambit ni Mommy..

"Mom! I told you, I don't want to join in your business stuffs. Wala akong alam sa mga bagay na 'yan kaya will you please stop dragging me into that!" sagot ko. Nakakainis. Wala naman akong balak magpatakbo ng kompanya dahil hindi 'yon ang gusto ko, damn this family.

"Wala nang ibang magpapatakbo ng kompanya, Vernise. Ikaw na lang ang natira dahil ipapakasal ko si Calista kay Kayzen,"

"What?! Ayoko! Wala akong alam sa pagpapatakbo ng kompanya, Mommy! Hindi 'to ang gusto kong gawin!"

"Anong gusto mo? Ang tumamabay lagi sa loob ng bar? Party?! Lakwatsa?! My God! Vernise, tulungan mo naman ang pamilyang 'tong makahaon kaysa riyan sa mga walang kwenta mong bisyo!"

Napasinghap ako nang marinig ko ang nakaka-bwesit na boses ni Calista. I crossed my arms while watching her. Para siyang reyna kung humakbang pababa ng hagdan, tch!

"Bakit ka ba nangingialam? Ikaw na lang kaya magpatakbo ng kompanya at ako na ang magpapakasal kay Kayzen! Tapos ang usapan!" mabilis na sabi ko sabay talikod sa kanilang tatlo. Ayokong makarinig ng mga walang kwentang salita mula kay Calista baka masipa ko siya nang wala sa oras.

"It settled then. Calista you will assist me in our company and you Vernise. Talk to Kayzen Vela Rosa and force him to marry you."

Nang marinig ko ang seryosong sinabi ni Daddy, bigla akong nanlumo sa kinatatayuan.

Tila maling desisyon yata 'yung pinili ko dahil kilalang playboy ang hinapuyak na iyon at tiyak na mahihirapan ako. But I chose this, kaya ko 'to.

'Saka ko nalang kikitain sina Alex at Benji. Kailangan ko munang gawin ang pinagawa sa akin. Kakaimberna.

***

Bakit ko ba ginagawa ang walang kwentang bagay na 'to. I didn't meant to say those cursed words. Damn it! Hindi ba nila napapansin na halos patayin ko na ang Kayzer na 'to pero gusto parin nila akong ipakasal sa kaniya, bwesit.

"Vernise, you chose this." fvck!

Binuksan ko ang cellphone ko. Napasinghap ako nang makitang nakailang missed calls na sa akin si Hades, ang boyfriend ko. Punyeta 'to! Mukhang hindi ako makakapunta mamaya sa bar dahil kailangan kong makausap si Kayzen tungkol sa kasal kuno, putangina talaga. Kung hindi lang 'to dahil sa business at desisyon ko, hinding-hindi ko talaga gagawin 'to. Wala akong choice kundi sundin sila dahil sila parin daw ang masusunod. Walang hiya.

"Pare, si Vernise oh!" rinig kong bulong ng isang lalaki mula sa likuran ko. Napairap naman ako at nilingon silang dalawa habang may ngiti sa labi.

"Hello! Kilala niyo ba si Kayzen Vela Rosa? Kailangan ko kasi siyang makausap, andito ba siya?"

"Ay si Kayzen? Umuwi na siya eh kasama 'yung kapatid niyang si Kaizer. Pero si Kajik ay andito pa," bakit niya sinali ang nerd na 'yon, tss. Wala akong pag-asa sa mokong na 'yon.

"Sige, salamat!" Tumalikod ako at akma na sana akong aalis nang magsalita muli siya. "Pwede ko bang makuha ang number mo, Vernise? May boyfriend ka na ba?"

Hinarap ko siya. "Anong kl---" hindi ko natapos ang sasabihin ko at nanlaki pa ang mata ko nang may naramdaman akong brasong humawak sa bewang ko. Fvck!

"Are you looking for me, babe?" mahinahon na tanong ni...

"Sir Kayzen!"

"Are they pestering you?" Nilapit niya sa tainga ko ang labi. "If they did, let me teach them a lesson, babe,"

Mabilis ko siyang tinulak at sinampal nang napakalakas sa mukha. "You maniac! Fvck you!" malakas na sigaw ko at tumakbo palayo kay Kayzen Vela Rosa. Tangina!

KAYZEN. THE FVCKER.

Takbo ako nang takbo. Hindi alintana 'yung mga matang nakatingin na ngayon sa akin, sa pagkakataon na 'to. Hiyang-hiya ako. Hindi ko inaasahan ang galaw ni Kayzen, masyado siyang matinik. Akala ko ba umuwi na 'yon? Mali yata ang desisyon kong kausapin siya ngayon, siguro bukas na. Argh! You piece of shit, Kayzen Vela Rosa.

"Nakakainis! Bakit siya pa ang pakakasalan ko, bwesit!"

"Pakakasalan?"

"Ay kabayo!"

Napatalon ako nang tumambad sa harapan ko ang katawan ni Kajik. Dala niya na naman 'yung sandamakmak niyang mga libro. "Ano ka ba! Bakit ka nanggugulat?!"

"I didn't." sagot niya. Ang sarap niya talagang kutusan. Nakakairita ang mukha niyang inosente at wala pa sa ayos. Such an eyesore.

"Tumabi ka dadaan ako,"

"Pakakasalan mo ang kuya ko?" tanong niya. Napabuntong hininga naman ako sabay lingon roon sa pwesto ni Kayzen. Ngisi-ngisi pa ang gago pero nu'ng nilingon niya ang kaharap ko, biglang nawala ang ngisi niya. Kumunot naman ang noo ko at hinarap si Kajik kaso ay nakatingin na siya ngayon kay Kayzen with sama pa ng tingin. Anong problema ng dalawang 'to?

"Wala akong choice, kailangan."

"You don't have to. He's not worth it." aniya bago ako talikuran. Nalaglag ang panga ko.

Damn!

***

Accidentally In love With A Gay[SOON TO BE PUBLISHED]Where stories live. Discover now