Prologue

1.7K 60 0
                                    

Hindi ako 'yong klaseng tao na kaagad magkakagusto sa isang tao. Tinitingnan ko muna kung pasok ba siya sa taste ko, lalong-lalo na kapag usapang pormahan at estado sa buhay. Maarte, mapili at mapanliit akong tao. Kung hindi kita gusto at gusto mo ako? Huwag munang subukang manligaw o magpapansin dahil wala kang mapapala sa akin. 

Binalingan ko ng tingin ang aking kaibigan na si Benji. Nagtitipa ito sa kanyang selpon habang may malalaking ngisi sa labi. May kalandian naman siguro ang baklang ito. Akala niya siguro seseryosohin siya ng lalaking iyan. Sa henerasyon ngayon, iilan na lamang ang matinong lalaki. Halos mga baduy at walang modo na. Swerte mo kung makakahanap ka ng matinong lalaki. 

"Hoy, anong nginingisi mo riyan? May bago ka namang target noh?" kutya ko sa kaniya. Inirapan niya naman ako at hindi sinagot kayat napanganga ako. What the heck? Porket may kalandian siya ay gaganyanin niya ako? Ang kapal ng baklang ito naman oh. 

Saan na ba kasi sina Alex at Kendra? Kanina pa kami naghihintay dito sa labas ng campus. Nilalamok na ako, ramdam ko rin ang panlalagit ng balat ko dahil sa mga usok ng sasakyan. Gosh! Ayoko talagang pinaghihintay ako. Mabuti nalang talaga kaibigan ko ang mga iyon kundi kanina pa ako nag-walk out. May pupuntahan pa kasi ako, kakausapin daw ako ni daddy mamaya sa kanyang office. Ewan ko kung para saan na naman iyon. Kakatapos lang nga namin mag-usap tungkol duon sa pagpapakasal kuno namin ni Kayzen. Honestly, I don't really like that idea. Ginawa ko lang naman 'yon dahil ayokong masangkot sa kompanya ni dad at para narin sa nakakatanda kong kapatid na si Calista. Mukhang hindi naman siya natuwa nang nalaman iyon, pero para sa akin mas mabut 'yon dahil magiging daan 'yon para mapalapit sa kaniya sina mommy at daddy. Gusto niya ng atensyon kaya ayan ibibigay ko sa kaniya. 

"Matagal ba pa sila?" inip na tanong ko. 

"Mamaya pa 'yon, Vernise. Alam mo naman 'yung Kendra na 'yon, andaming kaartehan sa buhay," sagot niya habang may pailing-iling pa. Bagong kaibigan namin si Kendra. Nakilala namin siya dahil sa pamilya niya at naging kaklase din namin sa iilang subjects. She's smart at laging matataas ang marka. Tahimik din minsan, nagsasalita lang kapag alam niya ang usapan. 

Ngayon lang yata 'yon umarte dahil kay Maximillian Fuego, soon-to-be husband niya. Laging umuusok ang ilong nun kapag nakikita niya si Maxi sa campus. Sa totoo lang, gwapo si Maxi, mayaman din ang pamilya niya. Sobrang famous niya rin na halos lamangan na ang mga artisa sa Pinas. Kung magiging asawa mo iyon, aayaw ka pa ba?

"Uuwi na lang ako, Benji." pinal na sabi ko at akma na sanang aalis nang mahagip ko hindi kalayuan ang pigura ni Kajik. May kasama siyang babae, nag-uusap sila habang tinatahak ang daan papasok sa campus. 

Kumunot ng bahagya ang aking noo. Hindi naman ito 'yung girlfriend niya ah. Sino na naman 'tong kasama niya? Panay pa kung makatawa samantalang si Kajik tanging tango lamang ang sinasagot. Nasisiyahan siguro sa kausap. 

"Sana inayos niya muna ang sarili niya bago makipaglandian."

Iiwas ko sana ang tingin ko sa kanila nang bigla itong lumingon sa akin. Kitang-kita ko mula rito sa aking kinatatayuan ang pag igting ng kanyang panga at pagtaas ng kaniyang kilay. Napansin naman 'yun ng kaniyang kausap kayat nabaling din ang tingin sa akin. Tinaasan ko lamang siya ng kilay tsaka napagpasyahan na lumapit sa kanila. 

"Gaga, Vernise! Ano na naman ang gagawin mo?!" halos magkadapa-dapa si Benji sa paghabol sa akin. Akala niya siguro susugurin ko 'tong babaeng kasama ni Kajik. 

"Vernise! Ano ba!"

Nang makalapit ay tumigil silang dalawa. Ni-head to foot ko ang babae. Katawan lang ang maganda sa kaniya. Pangit naman ang mukha niya kaya siguro nilalapitan ni Kajik dahil kauri niya?

"Ayan na naman ang judgemental look mo, Vernise ah..." bulong ni Benji na kami lamang ang nakakarinig. 

"What do you want, Vernise?" malalim na tanong ni Kajik. Kitang-kita na sa mukha niya ang pagkadigusto na makita ako sa kaniyang harapan. Kung gwapo lang ito baka siya ang pinakasalan ko, sayang ka, Kajik. 

"Wala lang. Girlfriend mo?" 

"No."

"Weh? Magkasama nga kayo," sabi ko. Yumuko ang babae, mas lumapit pa kay Kajik. Napatawa ako ng mahina sa ginawa niya. This girl. Alam niya ba ang ginagawa niya? Nakakapikon siya. 

"Kung wala kang sasabihin aalis na kami." bago pa man ako makapagsalita ay hinila niya na 'yung babae at lumisan sa aming harapan. 

Napanganga ako habang pinagmamasdan silang lumalayo sa akin. Wow, how dare them do this to me? Wala pang sinuman ang tumatalikod sa akin but that stupid ugly creature? How dare him! Ang kapal niyang talikuran ang isang tulad ko! 

Ngayon mo lang 'yan magagawa sa akin, Kajik Vela Rosa. Sa muling pagkikita natin hindi lang pagtalikod ko ang gagawin ko. Makikita mo ang hinahanap mong pangit ka! I really hate you! Everything about you!

Padabog akong umalis at pilit kinalimutan ang eksenang iyon. That was my fvcking first time at hindi ko matanggap lalong-lalo na't sa kaniya pa nanggaling. Hinding-hindi talaga ako magkakagusto sa pangit na iyon! 

"Kinain mo din pala ang sarili mong salita." 

***

Accidentally In love With A Gay[SOON TO BE PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon