Chapter 14

1K 97 0
                                    

"Anong pinag-usapan niyo?" tanong ni bakla. Nasa garden kami ngayon kasama si Calista na walang imik sa tabi ko habang kumakain. Mukha siyang patay gutom sa ginagawa niya, parang wala sa sarili. Bakit kasi sumama pa ang baklang 'to rito. Nakakaistress siya ah.

"Tungkol lang po sa paparating na intramurals," sagot ko at ngumiti ng pilit. Nilingon ko si Calista, ngisi ng ngisi ang gaga.

"Cut the 'po', Halila. Mas mukha ka pang matanda sa akin, I should be the one putting a 'po' while talking to you." irap na sagot niya dahilan nang pag ismid ni Calista sa tabi ko. Ubo siya ng ubo habang hawak ang burger na nasa kamay niya.

Agad ko siyang nilapitan at inabutan ng tubig. "Ayos ka lang ba? Ang tanga naman!"

"Ayos lang ako, Halila. Punta lang muna ako roon ah? Usap muna kayo ni Madam Kaj, mukhang nakakaistorbo kasi ak--"

"Ano kaba! Huwag ka namang ganiyan. Samaha--"

"Leave, Alderman." seryosong sambit ni Kajik.

"Opo! Opo!"

Shutanginang baklang 'to. Ano ba talaga ang gusto niyang mangyari? Kung gusto niya akong solohin, ayos lang. Pero nakakabadtrip parin talaga siya hanggang ngayon. I'm still pissed at him. Ikaw ba namang sabihan ng ganu'n porket magkamukha kami gaganunin niya na ako? May utang na loob din naman ako kahit masama minsan ang timpla ng araw niya. At ang gulo niya rin minsan.

"Hindi muna ako uuwi sa mansyon ngayon. I don't want to see their ugly faces,"

"So, you're staying at your condo?" obvious naman siguro, Halila, ano? But kailangan niyang umuwi ngayon dahil inutos din sa akin ni Manang Ellora. Baka raw kasi may mangyaring masama kay Kajik na imposible namang mangyari dahil kaya niya namang protektahan ang sarili niya, siya na nga mismo nagsabi nu'n. Wala naman sigurong sasaksak sa kaniya, may mga bodyguards din namang nagbabantay sa kaniya. Hindi niya pa siguro napapansin or nagbubulag-bulagan lang siya.

"About earlier. I know you're still pissed and mad at me. I'm just confused about something, nadamay ka pa. You had the same face but different personality. Vernise is a spoiled-brat, she loves to fight, making mess, messing up with other people. While you? You're the jolly, ugly, dumb, poor personal assistant of mine."

"Are you comparing me to her?"

Insulto ba 'yon? Ang sakit ah.

"I'm just saying. Totoo naman, may mali ba sa sinabi ko?"

Gusto ko talaga siyang upakan kahit boss ko pa siya. Sometimes, seryoso siya at lalaking-lalaki talaga ang datingan. Minsan naman ay bakla gumalaw, nakakainsulto naman ang mga binibitawan niyang salita. Sobrang taray niya, suplado, ang daling mapikon. Wala akong maintindihan sa ugali niya, sa ugali ko rin. I don't know why. I used to be jolly all the time, make fun of something but these days? I'm more serious about things. Sanay rin akong pinagloloko si Kajik noon, but now? I can't help but get annoyed. This isn't me.

"I noticed. You're changing, you are not the bungangera girl I've known before. You changed a lot huh? You knew how to talk in a formal way."

"May iniisip lang po talaga ako Ma'am Kaj,"

"About what?"

"Wala po 'yon, Ma'am. Pero kailangan niyo pong umuwi ngayon dahil 'yon ang utos ni Manang Ellora sa akin." kahit nakakairita 'yung mga mukha ng dalawang 'yon, kailangan niya paring umuwi. Sa tingin ko'y may pag-uusapan silang magka-kapatid. Ayokong ma-behind si Ma'am Kaj lalo na at siya ang mamana ng lahat.

"I can't go home, yet." sagot niya at tumayo. "Bakit ho?"

"You don't need to obey orders from the mansion. Especially when I'm not ordering you to do so. I'm the one who pays you, you only obey my orders not them."

"Masusunod po, Ma'am Kaj."

"And cut acting like a good girl, Halila."

Good girl naman tagala ako. Palihim akong umirap.

***

"Kamusta ang trabaho, anak? Ang pag-aaral?" bungad na tanong sa akin ni nanay nang makauwi ako galing sa sagutan namin ni Ma'am Kajik. Ayaw niya talagang umuwi sa mansyon. Muntikan pa akong sipain palabas kanina dahil ang kulit kulit ko raw. Punyetang baklang iyon. Bahala siya sa buhay niya.

"Ayos lang naman po, nay. Nga pala kamusta po si ate?" hanggang ngayon ay wala paring planong lumabas ang anak niya mula sa sinapupunan. Mukhang ginanahan sa loob. Sabagay, kung ako 'yon, pipiliin ko ring manatili sa loob kaysa ma-stress dito sa mundo at tumandang dalaga, jusko. Naloloka na talaga ako kay Kajik sa totoo lang.

"May pinuntahan sa bayan. Bakit mo pala naitanong, anak?"

"Hindi lang po ako sanay na walang riffle na bumati ngayon sa akin, nay."

"Ikaw talagang bata ka! Siya, mag bihis kana roon. Ang lagkit-lagkit mo na oh, 'saka mas lalo ka yatang umitim ngayon, Halila? Hindi mo ba ginamit 'yung sabon na binigay sa'yo ni Kajik?"

"Ginagamit ko naman po, hihihi." maputi naman ang balat ko. Hindi ko na kailangang gamitin 'yung sabon na binigay sa akin ni Kajik. Ayoko lang talaga ilabandara ang balat ko baka maiingit si bakla at sesantihin ako. Inggitera pa naman 'yon. Char!

"Hindi yata tatalab sa'yo, anak,"

"Nay, naman!"

"Mag bihis kana, maganda ka naman, anak mula ulo hanggang paa!"

Napangiti ako sa sinabi ni nanay kayat hindi ko mapigilang hindi siya yakapin kaya lang sa kabila nang yakapan namin. Biglang umikot ang paningin ko.

"Halila! Anak! Anak!"

Nahihilo ako. Sumasakit at tila binibiyak ang ulo ko. Argh!

"Halila! Dadalhin kita sa hospital!"

May mga imaheng lumalabas sa utak ko. Hindi ko gaanong mamukhaan dahil sobrang---Ackk! Fvck!

"Halila!"

And the last thing I knew. Bumagsak ako habang sigaw ng sigaw si nanay.

What was that for?

***

Third Person's POV

"Everyone can recognize me now. Sino ba namang hindi makakilala sa mukhang 'to? Si Vernise ay kilalang sikat na sikat na model at isa rin siyang ambassador sa isang sikat na clothing line. May asawa rin siyang super yaman,"

"You're daydreaming again." bulong sa kaniya ng isa sa mga nurse na kasama niya sa loob ng kwartong pinagtutuluyan niya.

"Totoo naman! Look at my face! Don't you know me?" mataray na tanong ng babae sa nurse. Bumuntong hininga naman ang nurse at tila gusto nang sumuko sa kabaliwan niya ngunit tiniis parin ng nurse na pakisamahan ang babae dahil parte 'yon sa trabaho niya. Alam ng nurse ang totoong pagkatao ni Luisa Vernise Alderman. Sino ba namang hindi makakilala sa babaeng iyon? Sobrang sikat niya at sobrang yaman din. Hindi rin siya mahinang babae na basta-basta na lang susuko sa halip ay lumalaban talaga ito pabalik.

Ngunit, dahil sa isang trahedya. Nabalitaang patay na si Vernise.

"She's not a desperate and low class woman, Ma'am. Hindi niyo po mapapantayan si Ma'am Alderman she's above among us,"

"W-What?!"

"I don't want to sounds mean, but you already getting into my nerves, Ma'am. Leave."

"I'm also a patient here!"

"Yes po, Ma'am but you don't have to worry about those tiny bruises, It won't kill you." ngumiti ang nurse bago iwan ang babaeng nanggigigil sa galit.

"Just you wait! Bitch!"

"Maghihiganti ako!"

***

Accidentally In love With A Gay[SOON TO BE PUBLISHED]Where stories live. Discover now