The Nerd

456 57 0
                                    

"Vernise! Handa ka na ba mamaya?" tanong ni Anya. Manager ko. Sa totoo niyan ay matapos ang nangyaring pagdadagsa sa akin ng mga fans ko ay nagpursege ako sa pangarap ko. Tinanggap ko ang mga invitations na galing pa sa mga sikat na kompanya. Pero hindi ko inaasahan 'tong isang kompanya na 'to. Naiinip at naiinis na ako. 

"Bakit ang tagal nila?" iritadong sagot ko. Kanina pa kasi kami naghihintay dito. Hindi ko ugaling mag hintay lalo na't sobrang late na ng mga taong 'yon. Isa akong Alderman, hindi nila worth ang oras ko. Ang dami ko pang gagawin mamaya.

"Isang oras na lang talaga, Vernise."

"Isang oras?! Uuwi na ako, Anya! May pinapatrabaho pa sa akin si Daddy, ayokong maghintay dito buong araw!"

Padarang akong umalis mula sa kinauupuan ko. Mukhang hindi na dadating ang mga 'yon dahil kanina pa kami naghihintay dito. Sabihin na lang kasi nila na ayaw nila sa akin dahil sa ugali ko, pakialam ko naman sa kanila. Mayaman ako, may pera ako. Kaya kong sumikat kahit wala sila. Bakit ko ba sinasayang ang oras sa mga walang kwentang tao na 'yon? They're not worth it.

"Kahit----"

"Kung gusto mo parin ang trabahong 'to, Anya? Aalis ka kasama ko."

Hindi rin malaki ang sweldo ko rito, ni hindi man lang lumagpas. Maswerte nga sila kasi pinili ko ang kompanya nila tapos gan'to lang natanggap ko? Mas malaki pa ang allowance ko kaysa sa perang binibigay nila sa akin. Hindi naman sa nagmamayabang, may pera lang talaga kami. Tapos ang usapan.

"Sasama po ako sa inyo, Ma'am!"

"Goods! Bilhan mo nga ako ng isaw diyan sa tabi!"

Sabay kaming lumabas ni Anya mula sa loob ng building. Since halata naman na hindi matutuloy ang shooting ngayon, edi sisirain ko na lang ang contract namin. Kung ayaw nila sa akin, ayaw ko rin sa kanila. As simple as that.

"Ano pong plano niyo ngayon?"

"Wala akong plano sa ngayon, Anya. Marami pa akong gagawin mamaya at 'saka balitaan mo ako kapag may naghahanap sa akin."

"Sige po!"

Nang tuluyan na kaming nakalabas. Tumango ako kay Anya nang mahagip namin ang isawan, pakiramdam ko tutulo na 'tong laway ko anytime. Masarap kasi ang isaw, ang iba diring-diri duon at halos mayayaman pa ang hindi kumakain ng isaw. Ang daming arte, makakain din naman 'yon. Kinakain nga nila ang buong manok, 'yon pa kaya?

Napairap ako sa naisip. Akmang tatalikod na sana ako para luminga nang mapahinto ako sabay taas ng kilay nang mahagip ko ng tingin si Kajik sa isawan. Kumakain din siya ng isaw? Himala.

Tumikhim ako. Dahan-dahan akong humakbang para sana lumapit kaso nga lang ay pagkatapos niyang bumili, bigla rin agad siyang sumakay sa kaniyang sasakyan. Ni hindi man lang ako nilingon. Napaka-ano talaga niya.

"Ma'am?"

Gigil na gigil ako.

"Putangina mo talaga, Kajik!"

***
"What's with the face, Luisa Vernise?"

"Anong balita sa inyong dalawa ni Kayzen?"

Pumikit ako nang mariin. Pwede kahit ngayon lang ay huwag niyo munang banggitin ang Kayzen na 'yon dahil hanggang ngayon ay sariwa parin sa akin ang ginawa niyang panggagago sa akin. Hinding-hindi ko talaga kakalimutan 'yon. Kung ayaw niyang magpakasal sa akin, kailangan ko parin siyang pilitin. Tanginang buhay 'to oh. 

"Ayos lang," mariing sagot ko. Habang halos durugin ko na ang karneng nasa harapan ko.

"Are you sure, Vernise? Hindi ka ba niya sinaktan?"

Binalingan ko ng tingin si Calista. Mukhang concern, mukhang hindi rin. Nakangisi pa siya, halatang gusto niya talaga akong pahirapan. Sa pagkakaalam ko, may gusto siya kay Kayzen. Gustong-gusto niya ring magpakasal sa damuhong 'yon, pero hindi niya alam na siraulo ang Kayzen na 'yon at walang kwenta. Bakit kaya ang daming nagkakagusto du'n?

"Gusto kong makasal agad kayo sa madaling panahon,"

I sighed deeply. "Kailangan ko pa siyang kumbinsihin, kung ayaw niya talaga. Wala na akong ibang choice kundi kidnapin nalang siya at piliting pakasalan ako. How's that?" kung hindi ko siya madadala sa mahinahong pakiusap? Kakatayin ko na lang siya.

"That's cruel, Vernise,"

"Anong gusto mong gawin ko? Lumuhod sa harapan niya para pumayag siya? I will never do that, fvck him!"

"Luisa!"

Tumalikod ako. Kailangan ko nang lumabas bago pa mahuli ang lahat, kung ayaw talaga ni Kayzen wala na akong magagawa pa. I will start tomorrow, I'll talk to him muna ngayon. Paninindigan ko talaga ang desisyong 'to, kayang-kaya ko 'to.

*Ring! Ring!*

Napahinto nang biglang tumunog ang cellphone ko. Tamad kong ginalaw ang kamay ko 'saka sinagot ang tawag mula
kay Hades.

"Babe..."

"What is it, Hades?"

"Hades..."

"I'm busy right now. Wala akong oras pumunta riyan ngayon, Hades. I need to finish and accomplish this or else I wil regret it."

"Busy flirting with Kayzen Vela Rosa? Really, Vernise? Do you like him? Do you want him to be your boyfriend? Is that what you mean?"

Pinikit ko ng mariin ang mata ko. "I will drop the call. I will you back later."

Hindi ko siya hinintay na sumagot sa halip ay pinatay ko ang tawag at tinungo ko ang sasakyan ko. Nagpasya ako na puntahan ngayon si Kayzen sa mismong bahay nila, wala kasing pasok ngayon. Sigurado akong nasa mansyon silang magka-kapatid ngayon. Gusto ko ring makita si Kajik. Hindi talaga maarte ang lalaking 'yon, masungit lang talaga siya. Matalino. Sanaol hindi ba?

Hindi naman kalayuan ang mansyon ng mga Vela Rosa kayat agad akomg nakarating. Lumabas ako ng sasakyan habang suot ang shades ko. May mga tauhan sila sa labas, nilahad ko ang card ko simbolo ng aming pamilya.

"Welcome, Miss,"

Tumango ako sa kanilang lahat 'saka pumasok sa loob ng mansyon.

"Ano ba!"

"Ibigay mo sa akin 'yan, Kaizer!"

"Habulin mo 'ko!"

"Gago ka! Kapag mahuli kita uupakan talaga kita, hayop ka!"

Napahinto ako nang makita ko si Kaizer habang may kasama 'tong babaeng mukhang mayaman dahil sa suot nitong mamahalin.

"Kai----"

"Vernise?"

Ngumiti ako kay Kaizer habang irap naman ang sinagot ko sa babaeng kasama niya. "Where's Kayzen?"

"Nasa loob kasama si Kajik." sagot niya sabay hila sa babaeng kasama niya. Umiwas naman ako ng tingin 'saka hinarap ang malaking pinto ng mansyon kaya lang...

"Vernise, what are you doing here?" tanong ni Kajik.

"If you're looking for my brother Kayzen. He's not here."

W-What?!

"Ginagago mo ba ako? Sabi ni Kaizer andito siya! I need to talk to him, Kajik!"

"Bakit ba ang kulit-kulit mo? Wala nga siya rito,"

"Bakit napaka-pakialamero mo? Hindi naman ikaw ang pinunta ko dito," gigil na sambit ko. Halos durugin ko na ang heels ko dahil sa kaniya. Ang sarap niyang batuhin.

"Umuwi kana,"

"Hindi ako uuwi!"

"Damn! Suit yourself!"

Bakit ang init-init ng ulo nito? Hindi ko naman siya inaano. 'saka si Kayzen ang kailangan ko hindi siya. Ang gulo-gulo niya.

"I told you earlier he---"

"Wala nga pala si Kayzen dito, Vernise. Umalis."

Fvck!

"Gago ka ba?"

***

Accidentally In love With A Gay[SOON TO BE PUBLISHED]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن