Pangkalahatan

236 7 0
                                    

Isa sa mga maimpluwensyang Pamilya ang Pamilya Alderman. May batas sila na sinunod at kapag lumabag ang sinuman sa pamilya ay tiyak na makakatanggap ng parusa. Parusang laging nakabaon sa alaala at hindi makakalimutan. Mailap ang pamilyang ito, pili lamang ang mga okasyong pinupuntahan nila. Kapag sa tingin nila'y hindi importante ay babalewalain nila.

May dalawang babaeng anak sa Pamilyang Alderman. Ang panganay ay si Calista Alderman, sikat na sikat si Calista sa kanilang eskwelaham dahil hindi lang ito maganda at mayaman kundi ay magaling itong makipaglaban. Ang bunsong anak naman ay si Luisa Vernise Alderman. Kilalang-kilala si Vernise ng mga tao dahil sa angking galing nito sa pagmomodel. Hinahangaan siya ng lahat, kaya lang ay matigas ang ulo ni Vernise hindi tulad ni Calista. Laging tumatakas sa gabi para makipagkita sa mga kaibigan, minsan naman ay nagcu-cutting sa klase. Kahit na ganu'n ay nakakakuha parin siya ng mga pasadong marka.

Napag-desisyonan ng magulang nina Vernise at Calista na ipakasal ang isa sa kanila. Gusto pa lalo ng mga magulang nila na makilala ng lahat at mapalago ang negosyo. Dahil duon ay napagpasyahan nilang ipakasal si Vernise sa nakakatandang kapatid ng Pamilya Vela Rosa, isa rin sa mga kilalang Pamilya.

Ang nakakatandang kapatid o mas kilalang si Kayzen Vela Rosa ay isang campus playboy sa kanilang campus. Maraming humahanga sa binata dahil may ibubuga rin itong mukha at mabait sa mga babae. May lihim itong pagtingin kay Vernise kaya't agad niyang napapayag ang magulang nito na ipakasal sa kaniya si Vernise.

Ayaw ni Vernise na ma-disappoint ang kaniyang magulang kayat ginawa niya at sinunod na pakasalan si Kayzen. Hindi madali para kay Vernise ang lahat. Hinanap at hinabol-habol niya pa si Kayzen kasi minsan lamang ito namamalagi sa kanilang eskwelahan. Habang ginagawa ang pinagawa sa kaniya ng magulang ay hindi niya inaasahan lumalapit ang loob niya sa nakakabatang kapatid ni Kayzen na si Veston Kajik Vela Rosa.

Tahimik, matalino, may malaking eyeglasses sa mata, panget at baduy manamit si Kajik kayat napipikon at naiinis si Vernise sa kaniya kapag magtapo ang kanilang landas. Lagi rin itong umeepal kapag hinahanap niya si Kayzen. Minsan ay nahuhuli pa siyang tumatakas at nagpaparty kasama ang mga kaibigan. Dahil sa ayaw ni Kajik na masira ang imahe ng kaniyang kapatid ay binabantayan niya ang bawat galaw ni Vernise. Sinusundan niya ng palihim at inaalam kung anong ginagawa nito.

Sa kabila ng mission ni Vernise. Hindi nila namamalayam na nahuhulog na pala ang loob nilang dalawa. Alam ni Vernise na bawal magkagusto sa iba kapag siyay tinadhana na. Papel lang naman ang kasal nila ni Kayzen pero legal iyon. At kapag malaman ng kaniyang magulang ay tiyak na paparusahan silang dalawa ni Kajik.

Ayaw mangyari ni Vernise 'yon. Palihim silang nagkikita sa gabi at sa umaga naman ay tila hindi nila kilala ang isa't-isa. Masayang-masaya kapag sila'y magkasama, dinala siya ni Kajik sa tagong lugar nito at duon bumuo ng mga memorya. Tila nakakalimutan na ni Vernise ang tungkulin niya. Ngunit sa kabila ng masaya at palihim na pag-iibigan na 'yon ay wala talagang sekretong hindi nabubunyag.

Nahuli silang dalawa. Bago pa man umaksyon ang kaniyang magulang ay nagpatulong siya sa kaniyang nakakatandang kapatid kahit na hindi maganda ang kanilang pakikitungo sa isa't-isa. Gustong iwan ni Vernise si Kayzen, gusto ito ng ate niya kaya't iyon ang condition na binigay niya. Iiwan niya si Kayzen para sa kapatid.

Kapalit nu'n ay tutulungan ni Calista si Vernise. Dinala nila si Kajik sa tagong lugar nito, hindi niya pinaalam kay Kajik na hinahanap sila ng magulang nito dahil ayaw niyang madamay ito.

Laking pasalamat niya sa kapatid. Nagpasya siya na iwan muna si Kajik kay Calista, babalik siya kapag maayos na ang lahat. Sumama si Vernise kay Hades na lumayo ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay may isang trahedyang nagbago sa lahat.

Sa pagmulat ng kaniyang mga mata, nabaon sa limot ang lahat. Nang tumapak ang kaniyang paa sa sahig, isa na lamang siyang ordinaryong tao na nangangalang Halila Ella Montague. Nawala ang kaniyang memorya dahil sa aksidente. Dinala siya sa hospital at pagmulat niya ay wala siyang maalala at sumalubong sa kaniya ang isang matandang babae at dalaga. Nagpakilala 'yung kaniyang ina at ate.

Accidentally In love With A Gay[SOON TO BE PUBLISHED]Where stories live. Discover now