Chapter 10

1.1K 117 1
                                    

"What? Badtrip ka na naman? Hindi kita inaano riyan, babae kaya umayos ka kung ayaw mong masisante," ang bait talaga ni Ma'am Kaj ano?

"Pasensya po, Ma'am Kaj, hindi naman po ikaw ang dahilan kung bakit badtrip ako ngayon, sorry ah? Sorry ah?" gusto ko talaga siyang irapan ng todong-todo, 'yung tipong wala na talaga siyang magagawa kundi hayaan muna ako ngayon. May meeting pa kasi akong pupuntahan mamaya, 'saka hindi ko pa tapos ang notes na pinagawa sa akin dahil sa kadaldalan ni Ambie. Ako naman si engot nakinig din sa chismis niya, tungkol din kasi 'yon kay Kajik kaya iigting talaga 'tong tainga ko.

"Samahan mo 'ko," sabi niya. Literal naman na tumaas ang tainga ko sa sinabi niya. "Saan po?" pilit na ngiting sagot ko.

"Somewhere, wala rin naman akong pasok dahil may meeting mamaya. Take me somewhere, I want to get away from these toxic people, kahit ngayong araw lang." Kumunot ang noo ko sa mala-mmk niyang sinabi. Sa tingin ko'y may problema 'tong baklang 'to ngayon.

"Broken-hearted ka ba, Ma'am Kaj?"

"Stupid," malutong na sagot niya. Napasimangot ako, wala talagang kwenta kausap ang baklang 'to. Mabuti na lang medyo sanay na ako sa ugali niya, pero minsan ay natatakot ako sa kaniya, lalo na sa salita niyang sesantihin niya ako. Gago talaga, pero medyo bumait na siya ngayon. Medyo lang talaga.

"Baka lang naman, hehe. Ayos lang 'yan, Ma'am Kaj, gusto mo shot na lang tayo mamaya? May pambili akong beer dito," nilabas ko sa loob ng bulsa ko ang 100 at pinakita sa kaniya.

Ngunit sinamaan niya ako ng tingin. "Shut up and save that money, namumulubi ka na nga iinom ka pa, tss."

Grabe na talaga siya sa akin. Hindi naman ako namumulubi ah, kaloka talaga ang Kajik na 'to. "Ipon ko 'to, gusto lang naman kitang damayan, ang arte mo ah,"

"Hindi ko sinabing damayan mo 'ko." malamig na sagot niya at dahan-dahang tumayo. Actually, nasa canteen kami ngayon, nag-uusap. Ramdam na ramdam ko nga mula rito ang mala-dagger na mata ng mga kaibigan niyang bakla. Kanina pa sila sa likuran namin pero hindi man lang pinapansin ni Kajik, busy kasi siya sa akin, wheheh.

"Bahala ka. Sabay ba tayong uuwi mamaya?"

"Nah, I don't want to go home yet. Take me somewhere, Halila, I want to be alone,"

"Gusto mong mapag-isa pero isasama mo 'ko, may saltik ka ba sa utak, Ma'am Kaj?"

"What?! Mukha bang may saltik ang utak ko, Halila? Just shut up and go with me, as simple as that. Ang dami mo pang sinasabi." ayan galit na naman ang lola niyo. Gusto niya kasing mapag-isa pero kasama ako, ano meaning nu'n, aber?

"Baka hahanapin tayo."

"Don't worry, I'll explain everything to them when we get home, don't think too much, para ka namang bata,"

Pigilan niyo 'ko, pigilan niyo 'ko. Ang sarap niya talagang sapakin kahit crush na crush ko siya, pero nyeta lang ah, ang dami niya raw manliligaw sa ibang schools. Sa tingin ko mga pogi at fresh din ang mga 'yon, ang dami ko namang kaagaw sa kaniya, punyeta.

"Sige, sama na ako! Kapag talaga may mangyari sa atin ikaw talaga ang sisisihin ko,"

"I won't let that happen to us, trust me." Nilingon niya ako. "Ang baho mo,"

Walang hiya talaga eh!

*** 

So, ayun nga, dahil sa crush kong bakla nag cutting ako, bwesit! Ngayon ko pa lang nagawa 'to sa buong buhay ko. Shutaness, pakiramdam ko ang laki ng kasalanan ko. Gusto ko lang naman mag-aral pero ito kasi si bakla, idadamay ba naman ako sa kabaliwan niya. Hindi niya na lang ako deretsuhin na gusto niya akong I-date, ang dami niya pang sinasabi parang wtf.

Accidentally In love With A Gay[SOON TO BE PUBLISHED]Where stories live. Discover now