Chapter 21

972 85 1
                                    

Halila's POV

"How's your bother?"

"Still a freak!" sagot niya sabay hapit sa aking bewang. Nilagay niya sa leeg ko ang baba niya habang yakap niya naman ang bewang ko mula sa likuran.

"Kajik! I'm cooking!" angil ko sa kaniya. Hindi ko na naman siguro matatapos 'to dahil sa kalandian ni Kajik. Kahapon pa 'to, hindi talaga mapakali.

"I want to cuddle, Halila. I missed you so much, you knew that." maktol niya. Mas lalo pang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin. Nagpakawala naman ako ng hininga at hinarap siya. Hinawakan ko ang magkabila niyang pisnge 'saka ko siya binigyan ng halik sa labi.

Kita ko naman ang pagsilay ng ngisi niya. Magsisimula na naman 'tong lumandi. Mukhang walang exam ang kupal.

"I love you," bulong niya. Napangiti naman ako at hinalikan siyang muli sa labi, mabilis lang 'yon dahil kailangan ko munang tapusin ang niluluto ko dahil dito kakain sina nanay at magulang ni Kajik ganu'n din naman sa akin.

"I love you too! Maligo kana, tatapusin ko lang 'tong niluluto ko. Baka maya-maya darating na sila," ngumuso siya.

"Sige na, Kajik! Ang landi landi mong bakla ka!"

"Eh, kung buntisin kaya kita diyan!" angil niya dahilan ng pag tawa ko. Loko-loko. "Sige na! Maligo kana!"

Nasa Katilon parin kami ngayon. Dito namin naisipang mahirahan muna pansamantala ni Kajik habang inaasikaso ko pa 'yung mga papel ko ganu'n din naman siya. Babalik siya sa kompanya nila habang ako naman ay balik sa pagmo-model. Gusto ko kasing maging sikat na model, gustong-gusto rin 'yon ni Calista. I feel sorry for her. Dahil sa kaniya kaya ako babalik sa pagmo-model, para sa kaniya 'tong gagawin ko. I miss her. Pero bago ang lahat ay may exam muna akong tatapusin.

Binalik ko muli ang atensyon ko sa niluluto. Kailangan kong matapos agad ko bago dumating 'yung mga bisita namin. Bigating mga bisita pa naman 'yon. Nang malaman nila Mommy na buhay ako at wala na si Calista, nalungkot sila. Akala nila nagbago na daw si Calista dahil pumasok siya sa HU para bantayan ako. Pakiramdam ko nagbago na talaga siya nu'n kaso lang ay sinapian na naman. Nang malaman naman nilang buhay ako ay syempre natuwa sila, sinugod pa nga si Daddy ng malaman niya. Mabuti na lang walang nangyari sa kaniyang masama, muntik pa akong humagolgol nu'n. At sa mga oras na 'yon, kung ako ang nasa pwesto ni Calista? Masasaktan at maiinggit rin ako. Tama siya, nasa akin lahat ng atensyon ng parents namin. Ni hindi man lang sila lumingon kay Calista.

Sana masaya na siya sa itaas. Umaasa ako na duon ang bagsak niya.

NASA salas kami ngayon. Kaharap ang buong pamilya namin. Kasama na ang isang kapatid ni Kajik dahil si Kayzen ay nasa kulungan. Nag bago na talaga ang mokong na 'yon, halos hindi ko na siya makilala ngayon.

"Maayos na ba ang pakiramdam mo, anak?" tanong ni Mommy. Ilang beses niya na 'tong tinanong sa akin. Alalang-alala talaga siya sa akin. Ngumiti ako kay Mommy at dahan-dahang tumango.

"Maayos napo, Mommy," sagot ko. Maya-maya pa ay naramdaman ko na naman ang kamay ni Kajik sa binti ko. Hinahaplos-haplos niya ang binti ko kayat hindi ko mapigilang hindi siya panlakihan ng mata. Pasimple niya naman akong kinindatan at pinasok niya sa loob ng damit ko ang kamay niya.

Tumikhim ako para masindak siya ngunit tumawa lamang ang gago. Ginigigil talaga ako Kajik ah, humanda kang gago ka. Kapag talaga nasa mesa kami lagi niya akong ginaganito. Minsan hinihimas ang braso ko kahit andito mga kaibigan niya. Minsan hinahaplos ang binti ko, hinalik-halikan ang leeg ko. Punyetang lalaking 'to! Gustong-gusto ko naman.

"Anong plano niyong dalawa?" tanong ni tita. Ang Mommy ni Kajik.

"Kailangan ba may plano, Ma?" Kamot na sagot ni Kajik kayat nakatanggap siya ng sapak mula sa nanay niya.

Tumawa naman kaming lahat.

"Walang hiya ka talagang bata ka! Umayos ka, Kajik! Ang tanda-tanda niyo na. Kailan niyo balak magpakasal?"

Nagkatinginan kaming dalawa ni Kajik. Wala pa sa plano namin ang magpakasal. Kailangan ko munang pumasa sa exam at bumalik muli sa pagmo-model. Kapag nakaipon ako, ganu'n rin si Kajik. Duon na kami magpapakasal. Gusto kasi namin sariling sikap namin kikitain ang pera para sa kasal namin. Ayokong umasa sa mga magulang namin, sometimes need din nating maging independent sa buhay. I learned this form my past. I'm very thankful kay nanay talaga.

"Ang apo ko?" tanong din naman ni nanay. Hilaw na napangiti ako habang si Kajik ay ang laki ng ngiti niya, lampas langit.

"Pagkatapos ng kasal, Nay. Huwag po muna ngayon kasi kailangan po muna naming mag ipon sa sariling sikap namin." ngumiti ako sa kaniya.

"Mabuti 'yan, anak. Masaya ako para sainyo."

"Salamat po, Nay."

Nang umalis na sila Mommy ay hinila agad ako ni Kajik papuntang kama. Kiniliti niya ang tagiliran ko kayat nasipa ko ang mukha niya.

"Fvck!" mura niya. Tumawa naman ako dahil mukhang masakit nga talaga 'yon. I pouted my lips. Umirap naman siya, nagtatampo.

"Sorry," hinging paumanhin ko. Akala ko hindi niya na ako papansin. Nabigla na lamang ako nang halikam niya ang labi ko.

"I'll punish you, Halila. Ang sakit nu'n." sabi niya. Ngumisi naman ako at sinabayan ang bawat galaw ng labi niya, damn it.

Ang expert naman humalik ng baklang 'to.

"Saan mo gustong pumunta mamaya?"

"May pupuntahan tayo?" kunot noo kong tanong. Saan niya naman kaya ako dadalhin?

May exam kasi kami bukas. Kailangan kong mag-aral kundi hindi talaga ako papasa. Last year na 'to ngayon. Gustong-gusto ko talagang bumalik sa pagmo-model. Kamusta na kaya 'yung Manager ko noon? Is she still alive? Nakalimutan ko na ang pangalan niya pero babae siya.

"Somewhere, gusto kitang masolo."

"Ang harot harot mo! May exam ako bukas, ikaw ba? Finals niyo na ah?"

"Madali lang naman 'yon. 'Saka matataas ang grades ko kumpara sa'yo,"

"Wow ah? Nakakahiya naman sa'yo, Kajik?" sabagay matalino naman talaga siya. Nu'ng 1st year kami lagi siyang DL, kasama niya pa 'yung girlfriend niyang si Kali noon. Kamusta na kaya iyon? Sa pagkakaalam ko, Architect ang kinuha nu'n.

"Lakwatsa ka kasi noon, mabuti nalang maganda ang baby ko,"

"Heh!" angil ko naman. Naalala ko 'yung mga araw na 'yon. Hinabol-habol ko pa si Kayzen para pumayag na pakasalan ako. Pambihira! Nakakahiya, 1st year college pa kasi kami nu'n at 'yon din naman ang gusto ko imbes na si Calista ang magpapakasal sa playboy na 'yon.

Ayoko kasing magtrabaho sa kompanya, hindi 'yon ang gusto ko. Wala akong talent sa ganu'n, si Calista naman ay napilitang sumama kay Daddy. Wala siyang choice kundi sundin 'yon dahil mas matanda siya at nababagay sa kaniya ang trabahong 'yon.

"Baby, I love you so much!" Hinalik-halikan niya ang pisnge ko.

Mahal na mahal ko rin si Kajik.

I fell deeply inlove with him. Lalo na nu'ng nag panggap siyang bakla, naputanayan niyang kahit bakla siya, may karapatan parin siyang mag mahal. And that is the reason why I Accidentally Fall in love with a Gay.

I smiled and kissed him.
***

Accidentally In love With A Gay[SOON TO BE PUBLISHED]Where stories live. Discover now