Chapter 11

1.1K 114 2
                                    

Halila's POV

"Halila, anong ginagawa mo rito?" bungad na tanong sa akin ni Manong guard. Hinihingal pa nga ako dahil nag-aalala talaga ako sa kalagayan ngayon ni Ma'am Kaj. Hindi ko alam kung anong nangyari talaga sa baklang iyon, but I'm pretty sure that he needs help from me, and I'm willing to help him naman, anytime.

"Andiyan ho ba si Ma'am Kaj?"

"Oo, iha, kanina pa siya sa loob. Kararating lang din kasi ng mga kapatid niya. Dinig kong nagsisigawan sila sa loob. Bakit mo naitanong? Hindi kayo sabay umuwi?" Mabilis akong umiling kay Manong. Nandito ang mga kapatid niya? Sila kaya 'yung nagsalita kanina?

"Puntahan mo na si Ma'am Kaj sa loob, Halila. Nakita raw ng isang kasambahay ang kalagayan ngayon ni Ma'am Kaj, umiyak daw ito. Ayokong mangialam sa buhay nila dahil guard lang ako dito, Halila."

Kinagat ko nang mariin ang labi ko. Personal maid niya naman ako at anong pakialam ko kung may family conflict sila? Isa lang naman akong katulong, pero kailangan ako ngayon ni Ma'am Kaj, anong silbi ng trabahong 'to kung hindi ko siya pagsisilbihan.

"Pupuntahan ko na po siya,"

"Mag-iingat ka, Iha, lalo na sa dalawang kapatid niya."

Tumango ako 'saka nagpasya na pumasok na sa loob ng mansyon. Maraming mga katulong nakahilera sa labas ng bahay nang matagpuan ko ang pintuan, ang iba ay halos hindi mapakali, at 'yung iba naman ay sobrang seryoso ng mga mukha. Bakit kaya ganito ang mga mukha nila?

"Ikaw 'di ba 'yung personal maid ni Ma'am Kaj?" Napalingon ako sa katulong.

"Opo, bakit po?"

"Naku, pasukin mo na si Ma'am Kaj, awang-awa na kami sa kaniya!"

Hindi ako sumagot sa halip ay tinulak ko ang malaking pinto ng mansyon. Rinig ko ang iilang singhapan nang mabuksan ko na ito, hinanap ng mata ko si Kajik, and there I saw him, nakayuko siya habang may lalaking naka-suit sa kaniyang harapan habang nasa akin na ngayon ang buong atensyon nila.

"Who are you?" seryosong tanong ng isang lalaki na naka basketball jersey. Magulo ang kaniyang buhok at mukhang playboy dahil sa awra niya kahit seryoso 'tong magsalita.

Medyo gulat rin ang expression ng mukha niya pero agad din 'yung napalitan.

"I am, Halila Ella Montague, Personal maid of Ma'am Kaj, Sir." seryoso ko ring sagot at gustong-gusto na talaga siyang irapan dahil sa ngisi nitong nakakaloko.

"Hindi ko alam na ganito ka na pala kababa, Veston. Really? Personal maid? Naghihirap ka na ba talaga?" tumawa 'yung naka jersey.

Hayop.

"Umalis kana, Miss, huwag ka nang bumalik rito. Kayang-kaya naman ni Veston ang sarili ni--"

"No, this is my job, Sir. Hindi ako aalis hanggat hindi niya sinasabi sa akin 'yon," binalingan ko nang tingin si Kajik. Nag tama ang mata namin, galit na galit ang kaniyang mga mata kahit na may tumutulong luha galing roon. Bumuntong hininga ako sabay kuyom ng kamao ko. Tila nasasaktan ako sa kalagayan niya ngayon, I don't know what's the reason behind this, but I really want to know so I can defend him and help him. I may be look weak right now, but still, I will protect him from these idiots.

"Kami ang nagpapa-sweldo sa'yo, Miss, may karapatan kaming mag alis ng mga walang kwentang tao," nag igting ang panga ko sa sinabi nu'ng lalaking naka-suit. Hindi ko inaasahan iyon. Mukha ba akong walang kwenta sa paningin niya? Eh kung upakan ko kaya 'to, makikita niya talaga kung sino sa aming dalawa ang walang kwenta.

"If I were you, I'll leave this house quitely. Huwag mong hintayin na ako mismo ang hihila sa'yo palabas, Miss Montague,"

Hindi ako makapaniwalang humarap sa kaniya, lalo nat namukhaan ko kung sino ang lalaking nasa harapan ko ngayon. Napaatras ako, gulat na gulat rin ang mukha niya pero panandalian lamang iyon. Parang kilala ko siya, saan ko nga ba siya nakita...

Accidentally In love With A Gay[SOON TO BE PUBLISHED]Where stories live. Discover now