Chapter 19

895 86 0
                                    

Halila's POV

So, ayun nga. Naligo ako kasi 'yon ang utos ni bakla. Binilhan niya rin ako ng oversized t-shirt at tsinelas na pink. Ang hilig niya talaga sa pink, ano? Baklang-bakla talaga ang datingan. Minsan bakla siya kung umasta, minsan naman lalaking-lalaki talaga. Naguguluhan ako sa personality niya. May split personality siguro si bakla.

Bumaba ako nang hagdan habang bitbit ang cellphone na pinahiram sa akin ni Calista. Baka kailangan ko raw tawagan sila nanay. Gusto ko silang kamustahin kaya lang ay wala silang cellphone. Mahirap lang kasi kami, kung anong meron. 'yon na talaga 'yun.

"Halila!"

"Ngina mo!" gulat na bulalas ko. Muntik pa akong matisod dahil sa ginawa niya. Kapag ako nadapa uupakan ko talaga 'tong babaeng 'to.

"Wow!" Lumunok ako habang pinagmamasdan niya ang buong kabuoan ko. Sa totoo lang, iritang-irita ako kanina sa loob ng banyo. Wala akong nagawa kundi ilabandara na talaga ang totoo kong kulay.

"Ang puti mo! Gaga ka! Anong gamit mong sabon, Halila? Ang ganda mo!"

Umiwas ako ng tingin at tinuon ang mata sa labas. Wala akong ibang choice kundi ipakita na talaga 'to. Ganu'n parin naman ang buhok ko, buhaghag. 'Saka ko na siguro 'to ipapaayos kapag sinapian ako ng kasipagan. Sa ngayon kasi, kailangan kong bantayan ang bawat kilos ko. Baka sa isang iglap, binaril na pala ako.

I sighed. "Ang oa mo. Tanungin mo si Kajik, siya nag bigay sa akin ng sabon," sagot ko.

"Himala! Namimigay pala ng sabon ang baklang 'yon?"

"Kakasabi ko nga lang e,"

"I mean is, madamot siya, Halila. Himala, binigyan ka niya ng sa--"

"Akala niya kasi maitim ang balat ko. Hindi naman talaga maitim ang balat ko, gusto ko lang talaga takpan dahil 'yon ang gusto." Binaba ko ang cellphone niya. Akma ko na sana 'tong ilalahad sa kaniya nang mahagip ko si Kajik na papalapit sa amin.

Mabilis namang umayos ng tayo si Calista. Mukhang natuliro na naman, ano kaya ang problema niya? Hindi naman siya kakain ni Kajik kahit mukha siyang dinosaur minsan.

"Are you fully-dressed?"

"As you can see..."

"Right. Come with me, I have something to show you," saad niya. Agad namang kumunot ang noo ko pero sumama parin ako. Hindi ba siya nagulat sa balat ko? Or ayaw niya lang talagang aminin na mas maputi ako sa kaniya, hehe.

"H-How about me naman?"

"You stay here, Calista. Kailangan ng bahay ko ng taga-bantay."

"W-What?! Mukha ba akong aso sa paningin mo, Kajik?"

Kajik...

"Hindi lang mukha. Aso talaga." Nilingon niya ako. Walang bakas na biro 'yon, sobrang seryoso ng kaniyang mukha. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mailang sa kaniya bigla. He's not wearing any stuff like girl's used to. Anong klaseng hangin naman kaya ang sumapi sa kaniya? Is he acting like a grown up man now? That's impossible.

"Bakit hindi mo suot ngayon ang off-shoulder mong pink?" tanong ko sa kalagitnaan ng lakad namin. Where are we going? Ano kaya 'yung ipapakita niya.

"Why? Are you bothered?" kunot noo niyang tanong. Agad akong umiling.

"Hindi naman! Mas bagay sa'yo magsuot ng ganyan. Ang hot mo!"

"Huh?"

Nang ma-realized ko ang sinabi ko. Bigla kong tinakpan ang bibig ko at nag peace-sign sa kaniya.

"Tss..." at mas lalo yata siyang sumungit ngayon mga mare.

"Saan mo 'ko dadalhin?"

"Somewhere..."

Accidentally In love With A Gay[SOON TO BE PUBLISHED]Where stories live. Discover now