Fight

377 53 0
                                    

"Wala ba talaga siya rito?" pang ilang beses na 'tong tanong ko kay Kajik. Baka kasi andito talaga si Kajik, ayaw lang nilang sabihin sa akin. Alam na alam ko ang baho nitong tatlong magka-kapatid na 'to. Masyado silang marumi maglaro.

"Mukha bang nagbibiro kami?" Iling na sagot naman ni Kaizer. Inirapan ko naman siya. Nakakairita ang mukha at boses niya, akala niya naman kung sino siyang gwapo.

"Baka kasi nagtatago ang hayop na 'yon dito. Kung ayaw niyang magpakasal sa akin? Pipilitin ko siya! Kung ayaw na ayaw na talaga? Wala na akong ibang magagawa kundi patayin na lang siya," seryoso kong sabi. Akala ko masisindak silang dalawa at mag-alala sa kapatid ngunit tila wala silang pakialam sa kapatid. Umayos ng upo si Kajik habang si Kaizer naman ay tinataasan ako ng kilay.

"Anong klaseng--"

"Sa tingin mo ba ay ganu'n kadali ang lahat?"

"You're crazy," Oo nga't nababaliw na talaga ako. 

"Gagawin ko ang gusto ko! Sa ayaw man o sa gusto niya!" damn! I sounds desperate, but I really need him to prove that I'm really responsible to my decision. I won't disappoint my parents, lalo na ang Calista na 'yon. Parang sinusubukan niya talaga ako.

"I will make him marry me!"

"Gustong-gusto mo talaga siyang pakasalanan, 'noh? Do you like my brother?" Tinaasan ako ng kilay ni Kaizer. Mabilis naman akong umaktong nasusuka.

"Nagpapatawa ka ba? Ako gusto siyang pakasalan? NEVER! Over my sexy gorgeous body!"

"Talaga lang huh? I doubt that." gusto ko talagang sapakin ang Kaizer na 'to. Is he insane? Ako gustong pakasalan ang Kayzen na 'yon? Hindi niya ba alam na diring-diri ako sa lalaking 'yon. Hindi lang playboy, marumi pa! Like yuck! As if naman na may iba akong choice.

"'Yan lang ba ang pinunta mo rito?" tanong naman ni Kajik. Naka-crossed arms na siya ngayon at mataimtim na nakatingin sa akin. Parang mangangain ng buhay. Problema nito? 

"Yeah, meron pa ba?"

"Oh, suit yourself then. Kaizer, aalis muna ako." Dahan-dahan siyang tumayo. Nilingon niya pa ako ng isang beses bago lumabas ng bahay kasama 'yung babaeng kasama ni Kaizer kanina. Girlfriend niya ba 'yon? Imposible namang papatol ang babaeng 'yon sa kaniya. Sa itsura niyang 'yon? Inaamin ko na attractive parin siyang tingnan sa malapitan pero nakaka-turn off talaga ang outfit niya at ang laki ng eyeglasses niya. Nerd na nerd talaga. Tch!

"Ang sama mong makatingin ah!"

Nabaling ang tingin ko sa kaniya. "Sino 'yon? Akala ko girlfriend mo," saad ko. Kumuha ako ng chips sa mesa 'saka walang hiyang sinubo sa harapan ni Kaizer. Baka kakilala nila?

"Girlfriend 'yon ni Kajik." seryosong sagot niya dahilan nang pag laglag ng chips galing sa bibig ko. G-Girlfriend niya 'yon?

"Seryoso ka?!"

"Yeah, hindi mo alam?"

"Mukha ba akong may pakialam ako sa nerd na 'yon? Tch!"

Palihim kong kinurot ang sarili. Himala at may nagkakagusto sa nerd na 'yon. Baka lolokohin lang siya ng babaeng 'yon, baka may masama siyang motibo. Hindi pwede! Napaka-inosente ni Kajik. Baka gahasain siya ng babaeng 'yon.

"Hindi pwede!"

"Huh?!"

Nanlaki ang mata ko sa naging reaksyon ko. Hindi ko napansin na may kasama pala akong hayop dito. Tumikhim ako at dahan-dahang umupo ulit.

"Ah. Ang ibig kong sabihin ay hindi pwedeng umatras si Kayzen sa naka-tadhana sa kaniya." tama, iyon ang ibig kong sabihin.

"I doubt that."

Accidentally In love With A Gay[SOON TO BE PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon