Chapter 20

981 88 0
                                    

Third Person's POV

"Kajik! What did you do to my sister?! Bakit mo siya dinala sa lugar na 'yon?! Nababaliw ka na ba?!" galit na sigaw ni Calista sa pagmumukha ni Kajik. Halos hindi na mapinta ang mukha niya ngayon, gusto niyang suntukin si Kajik dahil sa ginawa nito kay Halila.

"Bakit mo siya dinala duon?! Hindi ka ba talaga makapag-antay na maka-alaala siya?!"

"You jerk! Walang hiya ka!" hindi na napigilan ni Calista ang sariling emosyon. Napaluhod siya sa sahig habang unti-unting tumutulo ang luha. Kinamumuhian ni Calista ang lugar na 'yon dahil 'yon ang huling alaala ni Vernise kay Kajik. Kita niya kung gaano kasakit kay Vernise na mag desisyon sa mga araw na 'yon, ayaw na ayaw ni Vernise na umalis, gusto niyang manatili pero hindi pwede. Wala siyang nagawa kundi ang umalis at iwan ang mahal niya sa buhay.

"You knew I loathed that place, Kajik..." mahinang bulong niya habang kuyom ang mga kamao. "You are right, bringing her there could help her remember everything,"

"She was so hurt that day, hindi niya alam ang gagawin, Kajik. Lagi ka niyang binabalingan ng tingin while you're peacefully sleeping in her bed." Inangat niya ang tingin. Tiningnan niya si Kajik ngunit walang emosyon ang mukha ni Kajik.

Hindi mabasa ni Calista kung anong tumatakbo sa isip ngayon ni Kajik, gusto niya lang sabihin ang lahat bago pa 'to magsisi.

She stood up, wiping her tears away and force a smile. "I think, kapag gigising na 'yan, she will remember everything. She treasured those moments together with you, Kajik. She loves you, but she was so afraid to spill it out. Ayaw niyang aminin ang nararamdaman niya dahil natatakot siya na baka patayin ka ng mga kalaban niya. You knew our family, may batas sa pamilya namin, Kajik. Kapag kasal na hindi na pwedeng makipag-relasyon or makipagkita sa ibang lalaki. My sister broke the rule, she left, pumunta siya sa'yo. Sa madaling salita, pinili ka niya kaysa sa kuya mong tarantado."

Pinunasan ni Calista ang kaniyang luha. Tumalikod siya kay Kajik dahil ayaw niyang makita ang pagmumukha nito. Hindi man lang 'to gumagalaw, wala pang reaksyon. Para siyang walang kausap.

"Ang tanga tanga mo sa part na minahal mo siya pero hindi mo man lang nararamdaman ang pagmamahal niya. Or ayaw mo lang talagang mag assume na mahal ka rin ni Vernise? Ilang beses mo na siyang kinuha sa kapatid mo, Kajik. Pero narinig mo bang nag reklamo si Vernise? 'Di ba wala? Kasi gusto ka niya! Mas pinili niyang sumama sa'yo. Mukha lang 'yang diring-diri sa'yo at pini-piste ka lagi pero mahal ka niyan."

Ang haba-haba na ng kaniyang sinabi ngunit hindi parin sumasagot si Kajik. Nanggigigil na siya pero pinipigilan niya ang sarili niya, gusto niyang ilabas habang andito pa 'to. Ayaw niyang sayangin ang mga araw na 'to. Lalo na't rinig niyang nakaalala na si Halila. Sobra siyang natuwa nu'ng narinig 'yon, naiyak siya sa sobrang tuwa. Hindi niya alam ang gagawin. Gusto niyang yakapin ang kapatid pero hindi siya pinayagan ng doctor dahil kailangan pa nilang tingnan si Halila.

Tumikhim siya. Daghan-dahan niyang hinarap si Kajik sabay suntok sa mukha nito dahilan nang pag lingon ni Kajik sa kaniya. Mukhang dahil sa suntok na 'yon nagkamalay si Kajik.

"Be a man, Kajik. Tapos na ang kwentong 'to. Huwag ka nang mag panggap na bakla."

"Tapos na ang trabaho mo. You can go home now, huwag ka munang magpapakita sa kaniya ngayon. Let her rest for awhile, you can visit her often." Akmang tatalikod na sana si Calista nang hawakan ni Kajik ang balikat niya.

"I want to see her," diing sabi niya.

"Huwag mo na ngayon, Kajik. Hayaan mo muna siyang magpahinga. Magulo parin ang isip niya ngayon, huwag kana dumagdag!"

"I want to know everything from her mouth, Calista. I want to see her." malutong na napamura si Calista. Kung pwede lang sana na tadyakan ito ay ginawa niya na kanina pa. Pero tapos na itong umakto, babalik na naman ito sa demonyo niyang ugali.

Accidentally In love With A Gay[SOON TO BE PUBLISHED]Where stories live. Discover now