Chapter 17

969 101 1
                                    

Calista's POV

"Mabuti't napapayag mo ang bruhang 'yon na lumayo. Matigas pa naman ang ulo nu'n," saad ni Kajik nang madaanan namin ang kwarto ni Halila.

"Honestly, nahirapan talaga ako. Hanggang ngayon ay matigas pa
din talaga ang kaniyang ulo at gusto niya paring mag desisyon sa sarili niya."

"She always like that. Hindi nakakagulat," sabi ko at nilampasan ang kusina. Nasa Kaliton kami ngayon kung saan naninirahan noon si Kajik, may sarili kasi siyang mansyon dito at sariling negosyo. Minsan niya na lang din ito pinupuntahan dahil mas marami siyang trabaho sa Manila. Hindi alam nina tito at tita na may mansyon si Kajik at negosyo sa lugar na 'to, tanging ako at si Vernise lamang ang nakakaalam sa lugar na 'to. Masyado 'tong malayo sa city, iilan lang din ang nakaalam. Ang talino talaga ng baklang 'to, parang siya lang ang may malaking bahay sa lugar na 'to. Kilalang-kilala rin siya ng mga tao.

"Sir Kajik! Magandang umaga po!" bati sa kaniya ng mga mangingisda.

"Magandang umaga rin ho," yumuko si Kajik at ngumiti sa mga mangingisda. Ngumiti rin naman ako at yumuko bilang bigay galang sa mas nakakatanda sa amin. Matanda na sila pero matigas parin at matibay ang kanilang mga buto, kaya parin nilang sumabak sa dagat at maghanap ng makakain. "Ang tangkad-tangkad mo na, iho. At mas lalo ring gumanda si Ma'am Calista," napatawa ako.

"Hindi naman po,"

"Naku! Mag-syota na ba kayo?"

"HINDI PO!" sabay naming sigaw ni Kajik at nagkatinginan pa talaga kami kayat natawa ang mga matatanda.

"Bagay kayong dalawa!"

Gustong masuka. Kami? Bagay na bagay? Nakakadiri, hindi ko talaga magugustuhan ang Kajik na 'to kahit kailan. Ayoko rin namang subukan dahil ayoko pang mamatay ng maaga ano? Mahal na mahal ni Vernise si Kajik.

"Kakadiri," usal niya nang makalayo na kami sa mga matatanda. Umiwas naman ako ng tingin at mas piniling pagmasdan ang alon ng dagat. Paano kaya kung magkagusto ako kay Kajik? Sasaluhin niya kaya ako?

Tangina! Bakit ko ba 'to iniisip?! Hindi pwede, hinding-hindi talaga. Ayokong masaktan ang kapatid ko, hindi ako mang-aagaw.

"You're spacing out. May problema ba, Calista?" Hinawakan ni Kajik ang balikat ko kayat napaharap ako sa kaniya kasabay nito ang pag tambol ng puso ko. Parang nag slow motion ang lahat, si Kajik at ako lang ang nakikita ko. Damn, what is this feeling.

"Magpahinga ka muna. Ako na bahala rito."

Hindi ako makapagsalita. Tila nanigas ako sa kinatatayuan ko. Anong klaseng pakiramdam 'to? Hindi ko pwedeng maramdaman 'to.

"Calista? Are you listening to me? Ang sabi ko ako na ang ba---"

"Ah? Oo! Narinig kita, huwag mo na ulitin! Sige alis na ako!"

I hate this. Kinuyom ko nang mariin ang kamao ko habang papalapit sa mansyon ni Kajik. Hanggang ngayon ay tumitibok parin ang puso ko, hindi ko alam kung para saan 'to. Baka kinakabahan lang ako, oo kinakabahan lang talaga ako.

"Calm down, Calista." kinakabahan lang talaga ako.

Binuksan ko ang pinto. Tinungo ko ang kusina para kumuha ng tubig kaya lang napahinto ako nang makita ko si Hades at Halila na nakaharap sa isa't-isa at sobrang seryso ng mga mukha nila. Kinuyom ko muli ang kamay ko at hindi nagdadalawang-isip na kinwelyuhan si Hades.

"What are you doing here?!" galit na sambit ko.

"Calista!"

"Fvck!"

"Ano na namang itong gagawin mo, Hades? Anong kagaguhan na naman ito ah!" paano niya nalaman ang lugar na 'to? Sino ang nagsabi sa kaniya? Imposible namang si Halila. Wala siyang malay nu'ng dinala ko siya dito. Damn it! Malilintikan ako nito kay Kajik, lalo na't si Hades pa talaga ang nakakaalam.

"Am I not allowed to visit her? I have a house here too, Calista. Bitiwan mo 'ko." kita ko ang banta sa mukha niya pero hindi ako nagpatinag.

"Calista, anong ginagawa mo?"

"Talaga? May bahay ka sa lugar na 'to? Saan! Susunugin ko! Tangina ka, umalis ka rito!"

Hinawakan niya ang kamay ko. "You don't have the right to tell me what to do, Alderman. I'm here for Halila, not for you. Better step aside or else, kakalimutan kong babae ka."

F-Fvck him. Ano na naman kaya ang plano nitong gagong ito kay Halila. The last time he was with her, nadisgrasya si Vernise. Ayoko ng maulit 'yon. Tanginang Hades 'to. Problema ang binibigay sa akin.

"Ano ba kasing ginagawa mo rito, Hades?" Nabaling ang tingin ni Hades kay Halila. Lumunok ako at tumabi. Walang hiyang gagong 'to. Patay ka talaga kay Kajik mamaya.

"Nakita ko siyang dinala ka niya rito. And alam ko kung sino ang nakatira rito kayat pumunta ako to visit you. Absent ka kasi kahapon. I thought you were sick," kapag si Halila ang kausap niya ang kalmado niya pero kapag kami? Tangina mo sagad, Hades. Manang-mana ka talaga sa ama mo.

"I'm sick. So may bahay ka rito?"

"Oh, are you okay now? Gusto mong bumisita? I can walk you th---"

"Hindi siya pwedeng lumabas, Hades." matigas na sabi ko.

"Shut up, Calista. I'm not talking to you."

Putangina talaga ang gagong 'to. Ang sarap niya talagang patayin ngayon na mismo. Dinala namin si Halila rito para ilayo sa panganib ngunit tila ang panganip ang lumalapit.

"Ayaw mo naman sigurong makaharap si Kajik, 'di ba?"

Binalingan niya ako ng tingin. "I badly want to see him too, Calista. I'm not afraid of him if you're thinking that way. Remember when we were kids? Lagi akong nanalo sa inyong dalawa kayat bakit ako matatakot sa mapag-panggap na 'yon? Hmm..."

"Fvck! Shut up!" nangigigil na talaga ako sa gagong 'to.

"I'm not here to cause trouble, Alderman. I just want to visit her, wala naman sigurong masama roon 'di ba?"

"B..."

"Wala akong oras sa mga Vela Rosa, Calista. Hindi ko sasayangin ang oras ko sa mga taong mapag-panggap at mang-aagaw." masama niya akong tiningnan.

"Hahayaan ko muna kayong pakisamahan si Halila sa ngayon. Kapag may marinig o malaman akong sinaktan niyo siya? Hindi lang ulo mo ang puputulin ko, Adlerman." Tinapik niya ang balikat ko sabay ngiti kay Halila na ngayong nakakunot noo sa aming dalawa. Pinipigilan ko ang mga paa kong huwag gumalaw, pinipigilan ko rin ang kamay kong nanginginig sa galit.

"You knew that I loved her from the start, Calista. I can sacrifice myself just for her. If that bastard hurt her again? I will not hesitate, Calista. I will kill him without mercy." seryoso niyang sabi.

Napaatras ako. Alam kong mahal mo rin si Halila, Hades. Pero mahal ni Halila si Kajik ngayon. Hindi siya si Vernise.

"I will always here if you need my help, Miss Pres. Alam kong naguguluhan ka ngayon, but don't worry, I know they won't hurt you. Babantayan ka naman siguro ng dalawang 'to. I hope they will do their job properly or else..."

"Kinuha nila sa akin ang babaeng ginawa kong mundo noon, Calista. Napaka-bait at mapag-bigay ko naman kung hanggang ngayon hahayaan ko parin silang kunin na naman ang akin." ngumisi siya sa akin bago umalis.

***

Accidentally In love With A Gay[SOON TO BE PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon