Chapter 3

1.5K 149 3
                                    

**
Andito na kami ngayon sa harapan ng mansyon ng pamilyang Vela Rosa. Sobrang laki ng mansyon nila, halos tumulo na nga itong laway ko, kanina pa rin ako nakanganga habang si Marites naman ay tumatawa sa tabi ko.

"Sabi sa'yo eh ang yaman ng mga Vela Rosa, malaki rin ang pasahod nila," ngumiti sa akin si Marites tsaka nilapitan 'yung gwardiya na kanina pa nagmamasid sa amin. Akala niya siguro magnanakaw kami, iba kasi talaga ang tingin niya sa amin. Ramdam na ramdam ko.

"Anong kailangan niyo?" matigas na tanong niya sa amin. Mabilis namang humawak sa braso ko si Marites, mukhang hindi niya keri ang awra na meron 'tong gwardiya.

"A-Apply po sana akong kasambahay," sagot ko.

"Anong pangalan mo?"

"Halila Ella Montague po." magalang na sagot ko. Tumango naman siya tsaka dahan-dahang binuksan ang maliit na gate na nasa tabi niya. May malaki at maliit kasi na gate ang mansyon.

"Pumasok ka, Iha. Kailangan na kailangan talaga nila ng kasambahay ngayon, lalo na sa anak nilang binabae na ubod ng arte,"

"P-Po?" naguguluhan kong tanong. Binalingan ko naman ng tingin si Marites ngunit wala na siya sa likuran ko. Pambihirang babaeng 'yon!

"Si Ma'am Kaj, Iha..."

Ma'am Kaj?

Dinala niya ako patungo sa malaking pintuan ng bahay. Hanggang ngayon ay namamangha parin ako, sobrang laki talaga ng mansyon nila, bigatin na bigatin.

"Siya siguro 'yung tinutukoy na bagong kasamabay nina Nestor," rinig kong saad nu'ng gwardiya sa medyo may katandaang babae. Mukhang siya ang head ng mga maids. Ano nga ulit tawag nila du'n mayodorma? Ayst basta.

"Sigurado ka ba riyan, Pastor? Mukhang kakaawain din 'to ni Ma'am Kaj, mukhang mahina. Mapapatalsik din 'yan kalaunan." sagot naman ng matanda dahilan nang pag igting ng tainga ko. Ako mahina? Hindi niya ba alam na minsan na akong hinahabol ng mga kriminal sa panaginip ko at halos roon ay nalusutan at nagawan ko ng solusyon, sisi—ay wait? Hindi ba't sa panaginip lang 'yon?

"Mukhang matindi ang batang 'to. Hindi naman magpapadala ng mahina at walang kwenta si Nestor dito, malaki ang tiwala ng mga Vela Rosa sa kanya. Sigurado akong hindi ka magsisisi sa babaeng 'to." hindi ko alam kung anong pinag-uusapan nila pero kasali ako roon. Tila bang nababahala sila sa kakayanan ko. Kasambahay lang naman ang trabaho ko pero bakit sila nababahala?

"Pasensya na kung natagalan, iha, pwede ka nang pumasok. Sundan mo lang si Manang Ellora,"

Mabilis akong tumango sa sinabi ng gwardiya. Lumapit ako kay Manang Ellora, sobrang taray ng mukha niya, strikta. Hindi nga nagkakamali ang pamilyang Vela Rosa sa pagpili sa kanya.

"Alam mo na siguro kung anong magiging trabaho mo rito, iha,"

Nabaling ang tingin ko sa kaniya. "Po?"

"Hindi lang ordinaryong kasambahay ang trabaho mo rito, iha, kundi personal maid ka ni Ma'am Kaj."

"Po?!" Personal maid?!

"Magiging personal maid ka ni Ma'am Kaj." Humarap siya sa akin. Bigla akong napaatras dahil sobrang lapit ng kanyang mukha at halos maamoy ko ang mint niyang hininga. Infairness ang bango ah.

"Mahirap pakisamahan si Ma'am Kaj, may ayaw siya at gusto. Huwag mo siyang gagalitin kung ayaw mong masisante agad."

"Opo!" mabilis na sagot ko.

"And one more thing... Don't call him Sir, huwag na huwag talaga."

"Pero babae naman po siya hindi ba? So Ma'am ta—"

Accidentally In love With A Gay[SOON TO BE PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon