Chapter 7

1.2K 135 32
                                    

Halila's POV

"Ayos na po ba ang kalagayan ni Ma'am Kaj?" tanong ko kay Manang Ellora. Kanina pa kasi ako hindi mapakali sa labas ng kwarto ni Ma'am Kaj. Nang nabalitaan nila ang nangyari sa kaniya, agad namang rumesbak ang mga tauhan ng mansyon at dinala nila si Ma'am Kaj dito imbes sa hospital. Ayaw daw kasi ni Kajik sa hospital, natatakot siya, ewan ko kung bakit.

Nilingon ako ni Manang Ellora. "Maayos na ang lagay niya ngayon. Ikaw? Napano 'yang labi at pisnge mo? Mukhang napaaway ka ah? Ayos ka lang ba, Iha?"

"Oks na oks po, Manang," ngiting sagot ko kahit nahihirapang ngumiti dahil sa pasa na nasa labi ko. Pambihirang mga baklang 'yon kasi, pinagtulungan nila akong lima, 'buti na lang ito lang ang natamo ko sa mga iyon at tinutulungan ako ni Hades.

At sa tingin koy galit ang buong campus sa akin dahil sa ginawa ko kay Ma'am Kaj, kilalang-kilala kasi pala siya roon, parang Queen siya sa eskwlehan na iyon. Hindi ko naman sinasadya ang nangyari, hindi ko alam na bawal pala siyang kumain nu'n. Argh! Katangahan level 099999.

"Ang tanga-tanga mo talaga, Halila!" inis na sambit ko sa sarili sabay hampas sa noo ko. Paano kung sisentahin ako ni Ma'am Kaj? Pero kinuha niya naman 'yung pugo eh at kinain niya rin. Hindi niya ba alam na bawal 'yon sa kaniya?

"Patay talaga ako nito!"

Nagpakawala ako ng malalim na hininga 'saka lumingon kay Manang Ellora na kanina pa pala ako pinapanood. Mukhang masaya ang mukha niya ngayon, ewan ko kung bakit. "Bakit po, Manang?" tanong ko. Medyo kinakabahan na talaga ako ngayon, paano na lang talaga? Paano na kami ng pamilya ko kung mawawalan ako ng trabaho, saan na kami pupulutin?

Ang oa ko na masyado.

"Rinig kong binigyan mo siya ng itlog ng pugo,"

Napalunok ako nang wala sa oras. "O-Opo, pero hindi ko po talaga alam na bawal pala si Ma'am Kaj nu'n, Manang, hindi ko po sinasadya. 'Saka tinanggap niya rin po kasi,"

"Ngayon niya lang natikman iyon at hindi siya bawal nu'n, Iha. 'Yon ba ang dahilan kaya't hindi ka mapakali kanina pa?"

Napaangat ako nang ulo sa narinig. "Po?" litong tanong ko. Kung hindi siya bawal sa itlog na 'yon? Bakit ako ang sinisisi ng mga baklang iyon, at bakit nahimatay si Ma'am Kaj?

"Napagod lang si Ma'am Kaj, Iha, masyado kasi siyang lulong sa trabaho dahil sa kaniya pinasa ng kaniyang Ama ang kompanya,"

"Nag-aaral pa naman siya Manang,"

"Oo, Iha. Nag-aaral parin si Ma'am Kaj, pero hindi nu'n mapipigilan ang responsibilidad na binigay sa kaniya. She's just tired, kaya ka namin kinuha dahil gusto naming may mag-aalaga sa kaniya."Nilingon niya ang pinto ni Ma'am Kaj, kita ko sa mukha niya ang pag-aalala pero agad naman 'yung napalitan nang balingan niya ako ng tingin. I sighed, mukhang pagod na pagod talaga si Kajik.

"Hindi mo kasalanan, Iha. Kung sino man ang gumawa niyan sa'yo? Sigurado akong mananagot si—-"

"Teka! Anong gagawin po ninyo? Ipapabarang niyo po ba sila? Ipapatay? Ipakukulong? Or 'di kaya'y puputulan ng mga kaligayahan? Ang sakit po talaga nilang manuntok, Manang Ellora, muntik na akong mamatay. Pambihirang mga baklang 'yon!"

Hindi naman talaga nila ako sinuntok. Sinabunutan ako ng mga baklang 'yon, pinagsasampal, tiniis ko 'yon lahat dahil akala ko kasalanan ko pero hindi naman pala. Napaka-walang hiya talaga ng mga baklang 'yon, mas masahol pa sila sa aming mga babae, argh! Mukhang hindi basta-basta ang mga kaibigan ni Ma'am Kaj.

"Loka-loka ka talaga, Halila." napasimangot ako sa sagot ni Manang Ellora.

"So, mga kaibigan ni Ma'am Kaj ang gumawa niyan sa'yo?"

Accidentally In love With A Gay[SOON TO BE PUBLISHED]Where stories live. Discover now