Chapter 38: REYNA YLAYA

120 4 1
                                    

"Ibalik mo ang tungkod ni Amang Bathala, pakiusap kapatid kong Banaual." ang pagsusumamo ni diyosang Tala sa bunsong kapatid.

Nakatuon ang atensyon ni Banaual sa hawak na tungkod ng ama at di na pansin ang kapatid niyang si diyosang Tala. Ramdam niya ang kapangyarihan ng tungkod na dumadaloy sa kanyang kamay habang nakapako ang tingin nito dito.

Ikinumpas ng diyosa ang kanyang kamay kasabay ng paglipad ng mga naglalakihang bato sa himpapawid. Pero, hindi pa man niya ito nagagawa ay inatake na siya ng halimaw na si Burac.

"Paalam kapatid na tala!" ang pasigaw na sabi ni Banaual, kasabay nito ang pagtama ng nakakasilaw na kidlat sa Lintik. Sa isang iglap ay tila hinigop ng langit si Banaual at naglaho ito na parang bula.

Tumilapon si diyosang Tala sa kulay-putik na tubig. Dumaloy mula sa sugat sa kanyang ulo ang kulay gintong dugo niya. Damang-dama na niya ang labis na panghihina dahil na rin sa sobrang pagod at paggamit ng kanyang kapangyarihan.

Mabilis na kumilos ang halimaw papunta sa kanya. Kailangan niyang matalo ito para bawiin ang tungkod ng ama sa kapatid. Pero masyadong malakas ang halimaw para matalo niya sa natitirang lakas na mayroon siya ngayon.

Gamit ang kapangyarihan ay mabilis na naglutangan sa hangin ang mga iba't-ibang uri ng mga bato. Mabilis na umikot ang mga ito na tila mga lapis na tinatasa hangang naging matulis ang mga dulo. Ikinumpas ni diyosang Tala ang dalawang kamay papunta sa paparating na halimaw. Mabilis na nagsiliparan papunta sa halimaw ang mga pinatulis na mga bato. Hindi na nagawa pang umilag ni Burac sa mga pinatulis na bato na tumatama sa kanyang katawan. Pero, sa kapal ng balat sa katawan nito ay tila hindi man tinablan ang katawan ng halimaw sa matutulis na bato. Isa sa mga galamay ni Burac ang mabilis na humapas kay diyosang Tala na mabilis naman niyang naiwasan. Pero hindi nito napansin ang isa papng galamay nito na pumululot sa kanya. Huli na para makaiwas siya rito.  Pinilit na kumawala ni diyosang Tala sa paglingkis sa kanya ng isa sa mga galamay ni Burac, ngunit wala siyang sapat na lakas para makawala sa galamay. Sa bawat pagpupumiglas na kanyang ginagawa ay lalong humihigpit ang pagkakalingkis sa kanya ng halimaw.

Unti-unti ay inilalapit siya ng halimaw sa napakaluwang nitong bibig na punong-puno ng matatalim at naghahabaang mga ngipin. Halos panawan na ng ulirat si diyosang Tala sa higpit ng pagkakalingkis sa kanya ng halimaw. Dagdag pa rito ang napakasangsang na amoy na mula sa bunganga ng dambuhalang pugita. Pakiramdam ng diyosa ay wala na siyang magagawa para mailigtas pa ang kanyang sarili sa kamay ng halimaw na si Burac.

Akmang kakainin na ni Burac si diyosang Tala nang sunod-sunod na naglalakihang mga puting balahibo ng isang lumilipad na nilalang ang isas-isang tumusok at tumagos sa katawan nito. Naghumiyaw sa labis na sakit ang halimaw at nabitawan nito ang halos wala nang malay na diyosa.

"Awen, iligtas mo ang diyosa, dali!" Ang wika ng lumilipad na nilalang at saka ipinagaspas ang halos walong metro nitong pakpak. Mula sa kanyang pakpak ay muling bumulusok ang tila mga espada sa talim na mga balahibo niya.

Halos nakakabinging sigaw ng halimaw ang pumuno sa paligid nang muling tamaan ito ng mga balahibo ng lumilipad na nilalang. Patakbo naman pinuntahan ni Awen si diyosang Tala sa kinabagsakan nito. Gamit ang kapangyarihan ay iniutos nito ang mga baging sa paligid para balutin ang diyosa at ilayo sa latian.

"Umalis na kayo Awen, ilayo mo na ang diyosa sa lugar na ito." muling habilin ng lumilipad na nilalang kay Awen.

"Masusunod po mahal na Reyna Ylaya." ang mabilis na tugon ni Awen at saka inutusan ang mga baging para dalhin ang walang malay na diyosa at ilayo sa latian

Sa di inaasahan ay hindi namalayan ni Ylaya ang paparating na galamay ni Burac. Tumilapon ang diwata pagtama sa kanya ng galamay ni Burac.

"Inang Reyna!" Sigaw ni Awen pagkakita kay Ylaya saka mabilis na inutusan ang mga ugat ng mga bakawan para umatake sa halimaw.

ODESSA'S REDEMPTION: Games Of The Gods (Odessa's Redemption Trilogy Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon