Chapter 35: BANAUAL

181 11 6
                                    

"Kailangan na nating umalis dito." Ang wika ni Maxime habang nangingiwi sa sakit sa ginagawang pag-alis sa bala sa kanyang balikat.

"Maiiwan ako dito." Ang matipid na tugon ni Caren habang inaalis ang bala sa balikat ni Maxime.

"Hindi ka puwedeng maiwan dito. Sigurado lang hahanapin nila tayo para patayin." Matigas na wika ni Maxime.

"Kailangan nila ng poprotekta sa kanila. Katulad nang nangyari sa bata kanina, ayokong may iba pa na mapapahamak sa kanila sa kamay ng mga kampon ng kadiliman." Ang seryosong dahilan ng babaeng pulis.

"Poprotektahan mo sila, gayong muntik ka na nilang patayin sa kabila ng pagliligtas mo sa kauri nila?!"

"Kauri ko rin sila." Huminga ng malalim si Caren habang tinatalian ang sugat sa balikat ni Maxime.

Halos mapangiwi sa sakit si Maxime habang mapuwersang itinatali ni Caren ang sugat sa kanyang balikat.

"Walang poprotekta sa'yo dito. Mabuti na lamang at nasundan kita kung hindi baka malamig na bangkay ka na sa kamay ng mga kauri mo!"

"Hindi ko naman hiniling sayo na sundan mo ako at iligtas ang buhay ko. Bigla ka na lamang sumulpot doon tapos ngayon mamanduhin mo ako sa kung ano ang aking gagawin?"

"Hindi kita minamando, Caren. Ang sa akin lang ay tayo na lang dalawang magkauri..." natigilan si Maxime at napa-isip."...sori, hindi pala. Sila pala ang kauri mo at hindi ako."

Tumayo si Maxime at inayos ang suot na damit. Pinilit niyang ngumiti at tumingin sa mukha ni Caren. "Salamat pala dito." Aniya sa dalaga.

"Puwede ka naman kasi manatili rito, pareho nating protektahan ang mga tao." Ang paanyaya ni Caren habang itinatabi ang mga tela na pinampunas ng dugo.

"Paano natin mapoprotektahan sila kung sila mismo ang pagkain na bubuhay sa atin, Caren. Oo kauri mo sila pero hindi ka na tulad nila, naiintindihan mo ba?

"Hindi, hindi ko kailangan intindihin dahil kahit naging halimaw ako hindi pa rin nagbago tingin ko sa sarili ko Max. Hindi ko kailan man ipapagkanulo o ilagay sa kapahamakan ang tao dahil minsan na rin akong tagapagtanggol nila, tagapagpatupad ng batas. At hinding-hindi magbabago iyan kahit ako na ang pinakamasamang halimaw sa mundong ito."

"Nasasabi mo lang yan Caren, pero kapag sukdulan na sa pagkalam ang sikmura mo sa gutom. Ewan ko lang kung hindi magbabago ang tingin mo sa mga sinasabi mong kauri mo!" ang nakangising sabi ni Maxime sa kanya na may kasamang nakakalokong ngiti.

"Well, Mr. Wolf guy, nalampasan ko na yan at ang masasabi ko lang sa'yo I have ways. Do you hear me? I have ways at may paninindigan ako." Ang pagmamalaking sabi ni Caren sa lalaking Lycan.

"Oh really? Good for you then." Ani Maxime na di napigilan ang tumawa.

"Natatawa ka ba sa pag-english ko?" Sabi ni Caren na medyo na conscious sa lalaki.

"No it's not that. Natawa lang ako sa pagiging seryoso mo." Ang natatawa pa ring tugon ni Max sa kanya.

"Siya nga pala, matagal ko na rin gustong itanong kay Ceasar ito. Bakit ang dami ninyong mga taong-lobo dito sa Pilipinas? Tapos magagaling na kayo sa lengwahe namin." Ang usisa ni Caren sa lalaki.

"Iyon ba? Nakapagtataka ba na ang isang banyaga magaling pang magsalita ng lengwahe ninyo kaysa sa iyo?"

"Hmmm...hindi naman. Kami nga magaling din mag-ingles kahit di talaga namin lengwahe yan."

"Gusto mo bang malaman yung totoo, Caren?" Seryosong tanong ni Maxime sa kanya.

Lumapit siya kay Caren at naupo sa tabi nito habang naghuhugas ng kamay mula sa tubig na nasa container ang dalaga.

ODESSA'S REDEMPTION: Games Of The Gods (Odessa's Redemption Trilogy Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon