Chapter 4: SULERMO

282 17 3
                                    

"Sino ka? Ano ang ginagawa mo sa aking kaharian sa gitna ng digmaan?!" ang halos dumadagundong na wika ng lalakeng nilalang kay Odessa.

Lalong naguluhan si Odessa sa tanong ng lalaki sa kanyang harapan. Sino ba ang nilalang na ito? Anong digmaan ang tinutukoy niya? Kanino ba siya nakikidigma at saang lupalop ang tinutukoy nitong kaharian?

"Sumagot ka babae!" ang utos nito sa kanya.

"Ako si Odessa dela Rosa na nagmula sa daigdig ng mga tao, sa Sansinukop." ang matigas na tugon ni Odessa sa hindi niya kakilalang nilalang na sa tingin niya ay isang diyos o engkanto ng dagat.

"Imposible na ikaw ay nanggaling sa mundo ng mga mortal! Nararamdaman ko ang iyong kapangyarihan kaya hindi ka nagsasabi ng katotohanan. Nararapat lamang na ikaw ay magsabi ng katotohanan kung hindi ay isang matinding kaparusahan ang naghihintay sa'yo dito sa aking kaharian." ang muling wika ng nilalang ng tubig kay Odessa na mayroong pagbabanta sa mga salita nito.

"Wala akong makukuha sa pagsisinungaling kaya wala akong dahilan para gumawa kahit isa man lang na kasinungalingang tulad ng iniisip mo." ang matapang na tugon ni Odessa. "Wala ka ring karapatan para pagdudahan ang aking pagkatao dahil hindi rin kita kilala at ngayon pa lamang tayo nagkita!" ang dugtong pa ni Odessa na buong tapang na hinarap ang nilalang ng karagatan.

"Sino ka para hindi ka magpakita ng respeto sa isang opisyal sa mundong hindi ka naman nararapat? Isa kang lapastangan at ang nararapat sa 'yo ay kamatayan ang nagiging tadhana!" ang galit na galit na wika ng nilalang ng tubig, kasabay ng napakalakas na puwersang pinakawalan nito na mabilis na bumunggo kay Odessa.

Tumilapon si Odessa sa napakalawak na karagatan. Alam niyang wala siyang laban sa nilalang ng tubig dahil ang tubig mismo ang kahinaan niya. Pagbagsak niya sa dagat ay tila may kung anong puwersang humihigop sa kanya pababa sa malalim na bahagi ng dagat. Tila hinihila siya papailalim sa pusod ng karagatan at doon naghihintay ang napakaraming nilalang ng dagat na nakasakay sa mga higanteng mga dikya na sari-sari ang mga kulay. Lahat sila ay armado ng mga kakaibang sandata at nakatutok lahat kay Odessa.

Akmang bubunutin na sana ni Odessa ang Eskrihala sa kanyang likuran ng may marinig siyang pamilyar na boses na nagmumula sa likuran ng mga nilalang ng karagatan.

"Tigil! Ibaba niyo ang inyong mga sandati." ang sabi ng pamilyar na boses.

Napadako ang tingin ni Odessa sa kung saan nanggagaling ang boses. Unti-unting nahati sa gitna ang grupo ng mga mandirigmang nilalang ng dagat para bigyan daan ang isang nilalang na pamilyar na kay Odessa.

Napalitan ng ngiti sa mukha ang takot na naramdaman ng babaeng Sangre ng makita ang pamilyar na mukha ng isang nilalang ng tubig na nakasakay rin sa isang napakalaking dragon ng tubig. Sa tabi nito ay ang nilalang din ng dagat na umatake sa kanya.

"Di...diyos na Danum?" ang mahinang sambit ni Odessa pagkakita sa kaibigan.

"Aha, sabi ko na nga ba. Odessa! Odessa! Ang aking kaibigang Odessa." ang wika ni danum na sabik na sabik na mayakap ang kaibigan.

"Kilala mo siya, panginoong Danum?" ang tanong ng lalaking nakausap ni Odessa bago pa man ito higupin ng dagat kani-kanina lang.

"Kilalang-kilala ko siya Dayat, siya ang kasagutan sa kaguluhang nangyayari sa Sanlibutan." ang tugon ni diyos na ng tubig na si Danum sa kasama at mabilis na pinuntahan si Odessa.

Naiwang napaisip naman si Dayat sa sinabi ni Danum sa kanya. Marahil ito ang babaeng madalas ikinukwento ng kanyang panginoon na binabanggit ng mga Mangagaway ng Sinukluban at Babaylan ng Sansinukop tungkol sa propesiya. Napakamot si Dayat dahil hindi muna niya kinilalang mabuti ang babae bago niya ito inatake kanina lamang. Sinenyasan niya ang kanyang mga tauhan para ibaba ang kanilang mga armas na kaagad namang sumunod sa kanya.

ODESSA'S REDEMPTION: Games Of The Gods (Odessa's Redemption Trilogy Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon