Chapter 14: TOMORROW'S CHILD

265 16 4
                                    

"Kakaiba ang kanyang kapangyarihan, hindi pa ako nakakita ng ganon sa buong buhay ko." Ang wika ni Amang Suba kay Mariang Makiling. Nakadungaw sila sa may tarangkahan malapit sa tore ng palasyo.

"Ano pong ibig ninyong sabihin, Amang Suba?" Ang usisa ni Mariang Makiking sa nakakaintrigang wika ni Amang Suba sa kanya tungkol sa kapangyarihan ni Blake.

"Masyadong detalyado ang hubog ng kapangyarihan ng bata, Makiling. Ang kapangyarihan niya ay nabubuo bilang isang ganap na armas ng tulad sa pakikidigma na higit pa sa ordinaryong celestial. Nakita mo kung paano naging patalim ang liwanag na nagmumula sa kamay niya? Nakita mo kung paano niya napatumba ng walang kahirap-hirap ang mga mandirigmang inilaban ko sa kanya? Maging ako ay walang magawa sa pagsalakay niya kung ikokonsidera natin na isa pa lamang siyang bata." Ang buong interest na sabi ni Amang Suba kay Mariang Makiling.

"Tama po kayo, Amang Suba. Yan po ang dahilan kung bakit kami nagtungo rito, para hanapan ng kasagutan ang tungkol sa pagkatao ni Blake, at kung sino ang posibleng magulang niya." Ang paglalahad naman ni Mariang Makiling.

"Kumusta pala si Batang Blake?" Ang biglang tanong ni Amang Suba kay Mariang Makiling tungkol sa bata.

"Sa ngayon po ay kasalukuyan siyang namamahinga at marahil ay nakatulog na sa isang kwarto para sa mga panauhin. Mula ng makita ko po siya sa kagubatan at nakita ko ang paggamit niya ng kapangyarihan ay madalas na nanghihina siya. Pero sa nasaksihan ko po kanina parang hindi siya yung bata na una kong nakilala na kaunting gamit ng kapangyarihan ay hinang-hina na." Ang kuwento ni Mariang Makiling at saka huminga ng malalim.

"Marahil ay unti-unti na niyang nadidiskubre ang kanyang lakas at kapangyarihan, Makiling. Sa nakikita ko ay wala sa mga diyos at diyosa na alam ko ang may kakayahan na tulad sa kapangyarihang nasaksihan ko sa kanya. Hindi siya isang Malagbi, Makiling. Sa ipinakita niya sa pakikipaglaban ay mas higit pa sa Malagbi ang kakayahan niya. Sa gulang na labing-pito doon muna mararamdaman ng isang Malagbi ang kakayahan nito sa pakikidigma at kapangyarihang taglay na namana sa magulang na celestial. Sa edad na dalawampu't-isa lamang magiging ganap ang kakayahan at kapangyarihan ng isang Malagbi." Ang paliwanag ni Amang Suba kay Mariang Makiling.

"Ang pagkakaalam ko ay siyam o sampung taong gulang pa lamang si Blake." Ang tugon ni Mariang Makiling na pilit inaalala sa isipan kung iyon nga ba ang edad na nabanggit sa kanya ni Blake. Pero base na rin sa sinabi ni Amang Suba ay labis na nakakamangha na sa ganoong murang edad ay nagagawa na ni Blake agn ganoon klaseng kapangyarihan. Ano pa kaya ang magagawa nito kapag umabot na ang bata sa kanyang tamang edad?

"Ang sa aking nakikita Makiling, hindi sakop ng panahong ito ang batang si Blake. Kaya dapat natin siyang pangalagaan at ibigay ang lahat ng proteksiyong kaya nating ibigay." Ang wika ni Amang Suba na buglang nagbago ang tono ng pananalita. Sa pakiramdam ni Mariang Makiling ay may kasamang pangamba ang bawat salitang nanggagaling sa matandang diyos na kapatid ni Bathala.

"Aano p ang ibig ninyong Sabihin?" Ang usisa ng diwata.

"Hindi parte ng kasalukuyang panahon ang Batang si Blake, Makiling. Nanggaling siya sa hinaharap." Ang tugon ni Amang Suba.

"Hinaharap?" Ang di makapaniwalang reaksiyon ni Mariang Makiling.

"Oo, Makiling. Isa siyang bata na nanggaling sa hinaharap."

"Pero, paanong...?"

"Iyan din ang katanungang gumugulo sa aking isipan at kinatatakutan." Ang tugon ni Amang Suba na may pag-aalala sa mukha habang hinihimas ang mahaba't maputing balbas. Tumingin ito sa mga mata ni Mariang Makiling at damang-dama nito takot sa muka ng matandang celestial.

"Ang pagparito ni Blake ay dahilan ng pagkawala ng balanse ng tatlong mundo, Makiling. Ang pagkamatay ni Bathala ang dahilan ng lahat ng ito. Pero ang labis na kinatatakutan ko ay ang panganib mula sa kapangyarihang ipinamalas ng batang si Blake."

ODESSA'S REDEMPTION: Games Of The Gods (Odessa's Redemption Trilogy Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon