Chapter 36: BANAUAL'S REDEMPTION

153 11 1
                                    

Kaagad na inumpisahan ni Sucu ang pagtitipon na dinaluhan ng bawat leader ng mga hukbong pinamumunuan niya. Karamihan sa mga ito ay mga kabataang gustong lumaban para mapalaya sa kamay ng baliw na hari ang Elitheria. Mga kabataan na sana ay nakapag-aaral ng malaya sa pagpapakadaluhasa sa mga sentro ng karunungan sa mga siyudad ng kaharian. Imbes na libro, pluma at papel ang kanilang hawak ay mga armas at pagsasanay sa kanilang kapangyarihan ang kanilang pinagkakaabalahan.

Kitang-kita ni Sakaya na tila hindi mapalagay ang kanyang ina sa kakatitig kay Sucu. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o maiinis na sa kakaibang inaasal ng kanyang ina simula nang makita ang kapatid ni Mariang Sinukuan. Hindi niya lubos maisip kung bakit ganon na lamang ang ikinikilos nito.

Hay naku, kung kailan tumanda ngayon pa kumekerengkeng. Ang sabi ng isip ni Sakaya saka bumuntong hininga.

Nakaupo sila sa hanay ng mga pinuno. magkatabi sina Odessa at Sucu sa kabilang bahagi ng halos tatlong metrong lapad at anim na metrong habang kahoy na mesa. Sa gitna ng mesa ay isang mapa na tila pinaliit na bahagi ng Elitheria. Kitang-kita sa mapa ang mga kabundukang nababalutan ng yelo at makakapal na ulap. Ang kristal na palasyo ay nakaposisyon sa pinakagitnang bahagi ng Elitheria na siyang target ni Haring Sucu para mabawi ang palasyo. Makikita rin sa mapa ang bahagi ng kaharian na unti-unting nasisira na ang kalikasan nito. Mga lupaing isinumpa ng itim na kapangyarihang bumabalot ngayon sa kahariang sinilangan ni Odessa.

"Mga kasama at kapatid sa pakikipaglaban para mapalaya ang ating kaharian, nais kong ipakilala sa inyo ang ating mga panauhin na makakatulong ng malaki sa atin sa pakikipaglaban. Ikinagagalak ko na makilala ninyo sina Sakaya, isang napakatapang at napakagaling na mandirigma mula sa isla ng Dalangan." ang pagpapakilala ni Aring Sucu sa dalaga na nagbigay pugay naman sa mga pinuno ng mga hukbo.

"...si Impong Seña, ang matapang at makapangyarihang babaylan na ina ni Sakaya."

Tumayo si Impong Seña at saka tumango sa mga naroroon.

"...at ang mala-alamat na mandirigmang tinutukoy ng propesiya. Ang nag-iisa at tunay na prinsesa ng Elitheria, si Odessa." ang pagpapakilala ni Aring Sucu kay Odessa sa mga leader ng mga hukbo.

Tumayo si Odessa at saka ngumiti. Lahat ay nakatingin sa kanya at naririnig ang sari-saring bulungan ng mga ito patungkol sa kanya. Lahat ay sabay-sabay na tumayo at nagbigay pugay.

"Maligayang pagdating mahal na prinsesa ng Elitheria. Ang buong kaharian ay natutuwa sa inyong pagbabalik." ang sabay-sabay na wika ng mga opisyales na dumalo sa pagtitipon.

Lahat ay kapansin-pansin ang mga ngiti sa kanilang mga mukha at saya na nagbigay naman ng pagkalungkot kay Odessa. Paano kung hindi niya magampanan ang sinasabi ng propesiya? Ibang Odessa ang inaasahan ng mga mamamayan ng Elitheria. Odessa na magpapalaya sa kanila sa kamay ng baliw na hari.

Pinilit na ngumiti ni Odessa at saka hinawakan ang kanyang tiyan. Ayaw niyang ma-disappoint ang mga tulad niyang taga-Elitheria na kasa-kasama niya ngayon sa pagtitipon. Ayaw rin niyang may masamang mangyayari sa magiging anak nila ng pinakamamahal niyang si Randy na nasa sinapupunan pa niya.

Nawala ang mga agam-agam niyang iyon nang marinig ang mga palakpakan ng mga pinuno ng bawat mga mga hukbo. Lahat ay isa-isang minasdan ni Odessa ang mukha ng mga naroroon. Mga mukha ng kabataan na nais na magkaroon na ng pagbabago sa kahariang pinamumunuan ng isang haring sakim sa kapangyarihan.

Nang mapadako ang mga mata ni Odessa kay Sucu ay kitang-kita nito ang ekspresyon sa mukha ng lalaking diwata na magbigay ng mensahe sa mga mandirigmang kabataan. Mensahe na sa tingin niya ay magbibigay ng inspirasyon sa mga ito para sa pakikidigma, pero hindi magaling doon si Odessa. Sanay siyang mag-isang lumalaban. Sanay siya sa pansariling interest kaya lamang siya lumalaban.

ODESSA'S REDEMPTION: Games Of The Gods (Odessa's Redemption Trilogy Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon