Chapter 51: THE RISE AND FALL OF KASANAYA

96 10 1
                                    

May kakaibang nangyayari sa harapan ng Palacio Lunar sa isla ng Labuad. Pangyayari na nagbabadyang mauulit muli ang madugong digmaan ng mga elemental at celestial na nilalang ng Sanlibutan. Sa pagkakataong ito ay anak mismo ni Bathala ang namumuno sa mga anak ng buwan.

Kitang-kita pa rin ang pagkasira ng lugar dahil sa paglusob ni Laurea kasama ang mga engkantong puno. Ito ay para mailigtas niya si Anilaokan sa mga kamay ng mga tauhan ni Kasanaya. Matapos ang ilang buwan ay unti-unti na rin itong na-isasaayos sa dati nitong hitsura.

Nagtipon-tipon sa lugar ang libo-libong tagasunod ni Banaul na itinanghal na bagong pinuno mula nang hindi bumalik si Kasanaya bilang pinuno ng mga anak ng buan. Itinuring na nilang patay si Kasanaya dahil sa hindi nito pagsipot at pagpaparamdam ng mahabang panahon. Naging bakante ang posisyon sa pamumuno sa mga anak ng buwan kaya nagkaroon ng labanan kung sino ang hahalili kay kasanaya. Pero nang magpakita si Banaual na hawak ang tungkod ni Bathala ay hindi na natuloy pa ang labanan para sa puwesto. Lahat ay nagsiyuko at nagbigay-pugay sa bunsong anak ni Bathala at itinalaga bilang bagong pinuno kapalit ni Kasanaya. Walang nagawa si Sitan na ngayon ay sinasapihan ni Behemot para pamunuan ang mga anak ng kadiliman.

Hawak ang tungkod ni Bathala ay lalong hinangaan si Banaual ng mga anak ng buwan dahil sa kapangyarihang taglay nito. Gamit niya ang katawan ng mortal na si Randy sa pagharap niya sa mga anak ng buwan. Sa tabi niya ay sina Hadiong, Sitan at iba pang matataas na opisyal ng mga hukbong mula sa iba't-ibang kaharian sa mundo ng Sinukluban. Lahat ng naniniwala kay Banaual ay nagpasyang ibigay ang kanilang suporta sa kanya.

"Ngayong gabi ay dadalhin tayo ng tungkod na'to sa kaharian ng aking ama para kupkupin at magiging atin. Lahat ng hindi yuyuko sa atin sa Kalangitan ay ibibigay natin ang pinakamasakit na kamatayan na mararanasan ng isang celestial na nilalang. Kaya magsipaghanda na sa ating paglusob!" malakas na sigaw ni Banaul mula sa bintana ng tore ng palasyo.

Nagtaasan ng kamao ang mga libo-libong mandirigmang sundalo ng mga anak ng buwan pagkarinig kay Banaual. Kasabay nito ang nakabibinging hiyawan ng mga ito. Kasunod nito ang pagtunog ng kani-kanilang mga tambol at mga sinük na yari sa sungay ng bakunawa. Hudyat ng paghahanda para sa pakikidigma.

Sa himpapawid ay sakay ng kanyang alagang bakunawa si Kasanaya. Nasorpresa siya mga nangyayari sa paligid ng palasyo. Mabilis na tinungo niya ang tore at doon lumapag ang kanyang bakunawa na kung saan siya sakay nito. Pagkalapag ng alagang bakunawa ay mabilis na bumaba ang nanginginig sa galit na si Kasanaya. Tikom ang kanyang mga kamao na nilapitan sina Sitan, Hadiong, at si Banaual.

"Anong kaguluan itong nakikita ko?" ang pasigaw na tanong niya sa tatlo.

"K-Kasanaya?" ang nauutala na wika ni Sitan na di makapaniwala sa kanyang nakikita. "P-paanong?"

"Panginoong Kasanaya," kaagad namang lumuhod si Hadiong pagkakita sa dating pinuno.

Pagkakita ni Kasanaya kay Banaual na nakangisi at hawak ang tungkod ni Bathala ay halos napamura ito. Hindi kasi niya inaasahan na napasa-kamay nito ang inaasam na pag-aari ni Bathala.

"Paanong napa-saiyo ang tungkod ni Bathala?" ang tanong niya kay Banaual.

"Kailangan mo pa bang itanong iyan sa akin, Kasanaya?" ngumiti siya at saka humakbang papunta sa kanya. "Bunsong anak ako ni Bathala, hindi ba nararapat lang na ako ang tagapagmana sa kanyang mga ari-arihan?"

"Pero, ang pagkakaalam ko ay nasa pag-aari iyan ng iyong kapatid na si Tala, at ikaw ay abala sa pagpapabagsak kay Odessa," tugon ni Kasanaya na nalilito sa mga nangyayari sa kanyang kaharian.

"Nailigpit na ni Burac si Tala, ang aking kapatid sa ama. Si Odessa ay kasalukuyan siyang naririto sa Sinukluban at lalo pang lumakas ang kanyang kapangyarihan. Hindi ko siya mapapabagsak ng mag-isa lamang sa mundo ng mga tao kaya, sinundan ko siya para maisasagawa ko ang pagpapabagsak sa kanya dito sa Sinukluban. Kasama ang lahat ng mga anak ng buwan at sa tulong nito," aniya at itinaas ang Lintik. "...madaling mapapatay si Odessa kahit gaano man kalakas ang kanyang kapangyarihan." dagdag pa ni Banaual.

ODESSA'S REDEMPTION: Games Of The Gods (Odessa's Redemption Trilogy Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon