Chapter 10 -- Sleeping On A Lion's Den

294 6 2
                                    

 

CHAPTER 10 -- SLEEPING ON A LION'S DEN



Hindi talaga alam ni Helaena ang kanyang mararamdaman habang patungo sila sa Mansion ng mga Samaniego. Kinakabahan siya na parang natatakot na parang ewan. Halo-halong emosyon.


Manghang mangha siya sa malaking mansion nina Brylle. Pagpasok pa lang sa loob ay nakanganga na siya. Bawat sulok ata tiniginan ng mga mata niya. Lahat ng mga naka display ay mamahalin at mukhang milyong-milyon ang halaga.



"Ang bagal mong mag lakad, bilisan mo nga." Inis na sabi ni Brylle kay Helaena.




"Pa'no kung makita ako ng Parents mo dito?"



"So? Ano bang paki alam nila kung sinong isama ko dito?"



"Ang sama talaga ng ugali mo. Syempre may pakialam sila. Sa poder kapa rin nila nakatira no? Di bale sana kung naka bukod kana, pero sila pa rin ang nag papa aral at nagpapa kain sayo. Tss!" Tsaka umirap si Helaena.



"Wala si Dad, nasa business trip. Si Mommy naman, nag babakasyon sa Paris at next week pa ang uwi." Paliwanag ni Brylle, para hindi na masyadong mag alala si Helaena sa Parents niya.



"Tss!" Halos pabulong na singhal ni Helaena.



Pagdating nila sa loob ng kwarto ni Brylle, napanganga na naman itong si Helaena sa ganda at laki ng kwarto. Para siyang napako sa kanyang kinatatayuan habang minamasdan ang buong paligid.



Malinis at maayos ang loob ng kwarto ni Brylle. Ang inaasahan kasi ni Helaena na madadatnan niya ay magulo, madaming nakakalat na damit. Yung talagang alam mong boy's room pero iba ang kay Brylle. Malinis na malinis. 'Ni wala ka yatang makikita kahit anumang alikabok.



King size bed ang kama ni Brylle. May sariling sala set din sa loob ng kwarto at malaking flat screen sa wall. Katabi non ang isang book shelf na puno ng libro. Seriously, hindi inaasahan ni Helaena na may libro sa loob ng kwarto ni Brylle. Talagang hindi niya pa nga ito masyadong kilala. May sarili ding kwarto sa loob ang walk in closet niya. At katabi nito ang adjacent bathroom.



"Tutunganga kana lang ba diyan?" Sabay hagis ni Brylle ng twalya kay Helaena. "Magpunas ka, basang-basa ka. Pwede mo ring gamitin yung shower kung gusto mo."



"Ayoko nga, wala akong pampalit no."



Pumunta sa may walk in closet niya si Brylle at may kinuha.



"Sa sobrang laki ng kwarto mo, parang bahay na namin 'to. Seriously, hindi ganitong kwarto ang inaasahan kong madadtnan ko."



"Eh ano bang inaasahan mo? Na magulo at madaming kalat?" Tanong ni Brylle.



"Exactly! Madaming damit na nakakalat sa sahig. Magulong bedsheet, mga bote ng alak. At hindi ko talaga inaasahan na may bookshelf ka dito sa loob ng kwarto. Yung totoo display lang ba 'to o binabasa mo talaga?" Tanong ni Helaena at lumapit pa siya sa may book shelf at tinignan ang mga libro.



"The guy you are with tonight is more me, than the guy you met on the Supermarket."



"Anong gusto mong isipin ko? Na mabait ka talaga? Pinag tangkaan mo nga ang buhay ko eh. Tss!" Tsaka inirapan ni Helaena si Brylle at napapa iling na lang.



Linapitan ni Brylle si Helaena. "You'll never know." He smirk.



"Oh, please don't act like you're really so kind hearted. I know what kind of breed you are."




My Guardian DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon