Chapter 23 -- Music Box

201 5 8
                                    




Chapter 23 - Music Box


Kasabay pa rin ng pagbuhos ng malakas na ulan ang patuloy na pagdaloy ng luha sa mga mata ni Helaena habang patuloy na ginagamot si Brylle sa loob ng Ospital na pinagdalhan sa kanya kaninang ni rescue sila ng mga Pulis kasama si Bryant, Thunder at Beebop.


Hindi mapakali si Helaena, pabalik balik siya ng lakad mula sa labas ng pintuan ng kwarto kung saan ginagamot at inooperahan si Brylle. Habang si Bryant ay tahimik lang na nakaupo. Hindi rin siya makapaniwala sa mga nangyayari ngayon.


Katabi ni Bryant na nakaupo si Beebop. Habang si Thunder ay nakatayo sa gilid ng pintuan ng kwarto kung saan inooperahan si Brylle. Lahat sila hindi mapakali at nag aalala sa maaaring mangyari kay Brylle sa loob ng operating room.


"Helaena, calm down, he will be okay, I know." Pagpapa kalma ni Bryant dito.


"Kapag may nangyaring masama sa kanya, hindi ko mapapatawad ang sarili ko."


"No. Don't blame yourself. Walang may gusto sa mga nangyari. He saved you and that was his choice."


"Tama siya, Helaena." Pag sang ayon naman ni Thunder. "At isa pa, magiging okay si Brylle. Malakas siya, kaya kakayanin niya 'to. Magtiwala lang tayo."


Hinawakan ni Bryant ang mukha ni Helaena at pinunasan ang mga luha nito sa pamamagitan ng kanyang mga kamay at pagkatapos ay niyakap niya ito. That's when the time na dumating ang Parents nina Bryant at nakita sila sa gano'ng posisyon.


"Bryant." Tawag ni Mrs. Samaniego sa anak.


"Mom, Dad." Tsaka siya kumalas sa pagkakayakap kay Helaena at linapitan niya at niyakap ang kanyang Mommy.

"Where's your brother? How is he? Okay na ba siya? Anong sabi ng Doctor?" Panic na tanong ng Mommy ni Bryant.

"He's still inside the operating room. I don't know, but for sure he will overcome this. He will be okay." Pagpapakalma niya sa kanyang Mommy.


Tumulo na ang luha ni Mrs. Samaniego. "Bakit kailangang mangyari kay Brylle 'to? He don't deserve this."


"You're asking why?" Ani Mr. Samaniego. "Because your son is a hard headed and stupid. He wouldn't be here if not on his stupidity. Siya ang naglagay sa sarili niyang sitwasyon ngayon." Galit na giit nito.


"Stop it, Lorenzo. Your son is almost dying and yet you put the blame on him. Can't you see? He is the victim here."


"Mom, Dad stop it. Let's just pray that he will be okay. That's the least we can do. And don't worry nahuli na ang mga gumawa niyan sa kanya." Paliwanag ni Bryant.


Nabaling ang paningin ni Mr. Lorenzo sa umiiyak at nakayukong si Helaena, kaya linapitan niya ito. "You must probably the girl that Brylle was trying to save." Malamig at nakakatakot na sabi nito.

Hindi makasagot si Helaena, ni hindi din siya makatingin ng diretso sa nakatatandang Samaniego. Pakiramdam kasi niya unti-unti siya nitong kinakain. Para siyang natutunaw sa nakakatakot nitong tingin at aura.

"Madriaga right?" Tanong pa nito.

Alangan pa rin na tumingin at sumagot si Helaena. "O-opo. Helaena Madriaga." Pag kumpleto nito sa kanyang pangalan.

"Ikaw pala yung babaeng pilit na dumidikit at lumalapit sa anak ko?"

"Po?"

Isang malakas na sampal ang pinadapo ni Mr. Lorenzo sa pisngi ni Helaena na ikinagulat ng lahat.

My Guardian DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon