Chapter 37 -- The Dagger In You

73 0 0
                                    



Chaptet 37 -- The Dagger In You



Nagtungo si Helaena sa dating kumpanya na kanyang Ama para sana makumpirma kung sino nga ba talaga ang bagong may-ari nito.


Pagtapak pa lang sa loob ng building ay bumilis na ang tibok ng kanyang puso na hindi niya maintindihan kung bakit. Pinapanalangin niya na sana mali ang kanyang kutob na si Mr. Lorenzo na nga ang bagong may-ari nito.

Lumapit siya sa front desk ng lobby para mag tanong sa receptionist ng building.


"Hi. Good afternoon, Ma'am." Bati sa kanya ng magandang receptionist.

"Good afternoon." Balik na bati ni Helaena. "Uhm, sa'n ko kaya pwedeng makausap ang may-ari nitong kumpanya?"

"Do you have any appointment to Mr. Lorenzo?"

"Uhm.. gusto ko sanang mag apply dito." Pagsisinungaling ni Helaena.

"Unfortunately, marami ng applicants na naka schedule today for the interview. But you may still send your resume to our email address. Then the H.R will schedule you for the interview." Paliwanag ng receptionist pero wala namang pakialam do'n si Helaena dahil ang pakay niya ay matukoy at makausap sana ang may-ari nitong kumpanyang tinatapakan niya. "But it doesn't mean that you will be able to talk to our boss."

Tumango-tango na lang si Helaena sa sinasabi ng receptionist. "Uhm.. Miss, sino na ang bagong may-ari nitong kumpanyang 'to?"

"Si Mr. Lorenzo Samaniego." Nakangiting sabi ng receptionist.

Pagkarinig ng pangalan na binanggit sa kanya ng babaeng receptionist ay tila nangatog ang tuhod niya at nanghina. Hindi nga siya nagkamali, tama ang hinala niya. Ang Ama ni Brylle ang nagpa tanggal sa kanyang Tatay sa trabaho. Sigurado siya do'n.


Sabay sabay na tumayo ang iba pang mga empleyadong nandoon. Lahat tumigil pansamantala sa kanilang mga ginagawa, sabay sabing, "Good afternoon, Sir Lorenzo." Sabay yuko ng kanilang mga ulo, tanda ng pag galang at respeto sa kanilang boss.

Hindi makabalikwas ng tingin si Helaena dahil alam niyang nasa likuran lang ang taong kinamumuhian siya. Pero kailangan niyang lakasan ang kanyang loob, kahit hindi na para sa kanya, kahit para kay Brylle at sa kanyang Pamilya na lang.

Ilang sandaling inipon ni Helaena ang buong lakas ng kanyang loob para pag handaan ang pag harap kay Mr. Lorenzo. Pagtalikod niya ay nakita niyang papalabas na ito ng building kasama ang ilang mga body guards nito.

Kahit na kinakabahan at hindi maipaliwanag ni Helaena ang mararamdaman ay buong lakas niyang linapitan si Mr. Lorenzo na nooy kakalabas lang ng building.

"Mr. Lorenzo Samaniego." Agaw pansin na sabi ni Helaena paglabas niya ng building at lahat sila ay napatingin sa kanya.

Pagkakita sa kanya ni Mr. Lorenzo ay tila nag apoy ang mga mata nito at nag iba ang ekspresyon ng mukha.

Nilapitan ng dalawang bodyguards si Helaena para sana pigilan sa kung ano mang binabalak nito laban sa kanilang Amo.

"Bakit hindi ka lumaban ng patas?" Lakas loob na sabi ni Helaena. "Ako ang kalabanin mo, huwag ang Pamilya ko."

"Miss, umalis kana lang dito kung ayaw mong mapahamak." Sabay harang sa kanya ng isang bodyguard ni Mr. Lorenzo. Pero walang pakialam do'n si Helaena. Hindi parin siya nagpa pigil.

"Ikaw ang dahilan kung bakit may mga taong malakas ang loob na manlamang sa kanilang kapwa. Huwag mong idamay ang mga inosenteng tao sa galit mo sa'kin. Ako na lang ang gawan mo ng masama, huwag ang Pamilya ko."

My Guardian DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon