Chapter 17 -- The Call

211 5 0
                                    



Chapter 17 – THE CALL


Nakaupo sina Thunder at Beebop sa labas ng Emergency Room ng Hospital na pinagdalhan kay Helaena. Mababakas sa mga mukha ng mga ito ang lungkot at pangamba para sa kaligtasan ng dalaga.



Nang biglang dumating ang galit na si Brylle, na para bang kayang paslangin ang lahat ng tao sa aura niya ngayon.


"B—brylle." Sambit ni Beebop. Tumayo sila ni Thunder.


"Diba sabi ko sa inyo bantayan niyo siya?" Galit na sabi ni Brylle sa dalawa. "Pero anong ginawa niyo? Bakit niyo siya pinabayaan?" He clenched his fist sa sobrang galit.


"Masyadong mabilis ang mga pangyayari. The next thing we knew ay may tama na siya ng bala." Paliwanag ni Thunder.


Parang gustong gustong suntukin ni Brylle ang dalawa, nagpipigil lang siya dahil kaibigan niya ang mga ito at hindi nila kasalanan ang mga nangyari. Naiinis lang siya na may nangyaring masama kay Helaena at wala man lang siya sa tabi nito ng mangyari 'yon.


"Kumusta siya?"


"Puntahan mo na lang siya sa loob." Ani Beebop at tinuro ang loob ng E.R


Mabilis pa sa alas kwatro na pumasok si Brylle sa loob ng Emergecy Room at hinanap kung saang bed naroon si Helaena. Tinabing niya ang kurtina ng isang bed at nakita niya si Helaena nakahiga sa kama at nasa tabi nito si Bryant.


"Helaena." Sambit ni Brylle. Walang ka ano-ano'y bigla niyang niyakap ng mahigpit si Helaena.


Nabigla naman sina Helaena at Bryant sa ginawa nitong si Brylle. Hindi nila akalaing gagawin niya 'yon.


"There goes my abnormal heart beat again." Sambit ni Helaena sa kanyang isip. "Je—jerk, you're—you're smothering me." Inda nito, tsaka lang kumalas sa pagkakayakap si Brylle.


"Okay ka na ba?" Alalang tanong ni Brylle.


"My arm, it damn hurts. And I lost some blood. But I'm still breathing. So, I guess I'm fine." She said in a sarcastic tone.


"Ano bang klaseng hospital 'to at nandito ka lang? Bakit hindi ka nila dinala sa Private Room?? Inis na reklamo ni Brylle.


"Brylle, na daplisan lang ako ng bala, sa braso lang yung sugat ko at hindi malala. Isa pa makakauwi din ako mamaya kaya okay lang na dito ako."


"Pwes sa'kin hindi okay. Ililipat kita ng Private Room. Nurse!" Tawag ni Brylle sa isang Nurse.


Hinwakan ni Helaena ang kamay ni Brylle. "Jerk, I said it's okay. Kapag nag pumilit ka pa, sa dibdib mo ipapatama ko yung bala." Banta niya.


"Tss!" Inis na singhal ni Brylle. "Nahuli naba yung may gawa sa'yo niyan?"


"No, not yet." Sabat ni Bryant sa dalawa. "Pero ginawaga na ng mga Pulis ang lahat para mahuli ang mga gawa niyan kay Helaena. Probably mga outsider daw ang may gawa, may be because they are under the influence of drugs or simply they just want to ruin the foundation week or may be may target talaga sila." Paliwanag ni Bryant at tinignan niya ng mabuti si Brylle.


"Wala akong ibang alam na gagawa sa'kin nito." Tinignan ni Helaena si Brylle. "Sabihin mo nga sa'kin Brylle, ikaw ba may alam kung sino ang maaaring may gawa nito?" Diretsahang tanong nito.


"Pinagbibintangan mo ba'ko?"


"Nagtatanong lang ako."


Ilang Segundo ang lumipas bago sumagot si Brylle. "To your question, why just now? Pwede ko namang ginawa 'yan noon pa, kung talagang gusto ko. And if I want you dead, I will do it on the spot and will leave no traces." Seryosong sabi nito.


My Guardian DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon