Chapter 46 -- Cold Blood, Warm Heart

88 0 0
                                    




Chapter 46 — Cold Blood, Warm Heart



"Beshie, hey." Tawag nitong si Bobby kay Helaena nang magkasabay sila sa employees entrance ng hotel ng umagang 'yon. "You've been MIA. Sa'n kaba nag pupupunta? Nag AWOL ka?"


"Actually, sick leave." Sabay tingin kay Bobby pagkatapos niyang i-sensor ang kanyang daliri sa biometrics.

"What? Are you okay? Bakit parang nagiging sakitin kana this past few days? Kaka sick leave mo pa lang last week ah." Sabay lagay din niya kanyang daliri niya sa sensor ng biometrics.


"Hindi ko alam. Sumama lang talaga ang pakiramdam ko kaya hindi ako nakakapasok." Pagsisinungalin nito sa katrabaho at sabay na silang naglakad papasok sa loob ng employees lounge.


"That's overwork. Masyado ka kasing workaholic kaya nagkakasakit kana. Pahinga pahinga din, beshie. Chill and unwind. Alam ko na, sumama ka sa'kin mamayang gabi sa bar na lagi kong pinupuntahan sa Makati. Mag e-enjoy ka do'n, promise." Malandi nitong sabi.


"You know that bar isn't my thing. Thank you, Bobby, but no."


"You're so KJ talaga kahit kailan."


"Let's just do our work, okay? Madami na naman tayong guests dahil nag weekends."


"Speaking of guests, umalis na ang mga VIP's natin. So sad." Nalukot ang kanyang mukha sa mga sinabi ng maalalang umalis na ang mga VIP's nila. "Hindi ko na makikita yung guest natin sa Presidential Suite na si Papa Brylle."


Napatingin si Helaena kay Bobby pagkasabi nito kay Brylle.


"Magkano ang ibinigay niyang tip sa'yo? Hindi ba ikaw ang personal concierge niya?"


Nagkibit balikat lang itong si Helaena sa tanong at umiling. "I received none."


"Imposible. Sa yaman niyang 'yon, hindi ka niya binigyan?"


"Maybe he was not satisfied with my service. Masyado siyang high maintenance and high profile. Maybe he was looking for something else. But that's okay. Hindi ko naman ikamamatay kung hindi niya'ko binigyan ng tip. Good thing he was already out of here, para hindi ko na makita ang pagmumukha niya. He's so full of his self." Halos pabulong na sabi nito sa huli.


"Baka ibang service ang gusto niya, beshie." At napatawa siya sa kapilyuhang naisip niya.


"Bobby, stop it. Hindi ako gano'n."


"I know right. I'm just saying. Kung ako ang naging personal concierge nun, malamang nalamon ko na 'yon." Muli siyang natawa sa mga naiisip niya.


"Ang harot harot mo talaga."


Matapos nilang ilagay ang kanilang mga gamit sa locker sa employees lounge ay sabay na silang nag tungo papunta sa lobby ng hotel.


"Ay, maiba ako. Si Sir Ryle, nag balik na naman siya sa pagiging masungit. Lagi nalang naka kulutong ang mga kilay at hindi ngumingiti."


Napa isip tuloy si Helaena sa mga sinabi ni Bobby. Na alala niya na hindi pala siya naka sipot sa date nila nung isang gabi at hindi na niya nakuhang mag paliwanag pa dito kung bakit.



"Nag LQ ba kayo?" Diretsang tanong ni Bobby.


"Walang kami kaya walang LQ. Kuha mo?"


"Oh! I got it. Baka naman binasted mo?"


"Pa'no ko babastedin ang isang taong hindi naman nanliligaw?"


My Guardian DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon